ANG pagiging matulungin ng actress na si Angel Locsin ay hindi lamang ang mga kababayan niya ang nakakaalam kundi ito’y umabot na rin sa kaalaman ng Forbes Asia Magazine para siya’y mapabilang sa 30 listahan ng mga kinilalang pilantropo ng buong Asya na kinabibilangan din ng Chinese-Filipino business tycoon na si Hans Sy, ng Indian business tycoon na si Azim Premji, ng Australian billionaire na si Judith Nielson at ang Chinese tycoon na si Jack Ma at iba pa. Ang mapahanay lamang sa mga prominenteng pangalan ay isa nang malaking karangalan para kay Angel.
Ang pagiging aktibo ni Angel sa pagtulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad ay hindi lingid sa kaalaman ng kanyang mga kababayan na ang pinaka-latest ay yung mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Hindi dumalo si Angel sa 2019 ABS-CBN Ball last September at sa halip ay ibinigay niya ang kanyang pambili ng mamahaling gown sa Bantay Bata na siyang beneficiary ng ABS-CBN Ball. There was also a time na ipina-auction ni Angel ang kanyang mamahaling vintage car para lamang makatulong sa mga biktima ng bagong Yolanda sa Eastern Visayas. Ito’y ilan lamang sa magagandang deeds na ipinamalas ni Angel at kasama na rito ang mga mga biktima ng giyera sa Marawi.
Ilan kaya ang katulad ni Angel sa loob at labas ng industriya na may ginintuang puso na makatulong sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad?
Siyempre pa, very proud kay Angel ang kanyang soon-to-be husband na si Neil Arce dahil sa pagiging matulungin nito.
BOX OFFICE HIT THREE DAY WAKE
Kumbaga sa pelikula, box office hit ang tatlong araw na lamay sa ina ng King of Talk na si Boy Abunda na si Gng. Licerna Abunda o Nanay Lising na sumakabilang-buhay nung madaling araw ng December 1, one month short sa kanyang ika-91st birthday on January 1, 2020. Dito nakita kung gaano ka-well-loved ng mga tao (in and out of showbiz) si Boy na nagpakita ng kanyang sobrang pagmamahal sa kanyang namayapang ina.
Cremated na si Nanay Lising nang magkaroon ng three-day wake sa Arlington at pagkatapos nito ay dadalhin sa araw na ito ng Huwebes ang kanyang urn sa Borongan City, Eastern Samar para magkaroon doon ng tatlong araw na wake bago ang final inurnment.
Sobrang devastated si Boy sa paglisan ng kanyang pinakamamahal na ina. Pero ipinakita pa rin niya ang kanyang pagiging professional sa kanyang trabaho dahil nakuha pa rin niyang makapag-taping sa kanyang “Tonight with Boy Abunda” at sa kanyang “Bottomline” habang nakaburol ang ina at bumabalik siya sa wake after ng taping.
Alam ng publiko kung gaano kamahal ni Boy ang ina na siyang naging inspirasyon niya para magsulat ng libro na pinamagatang “Make Your Nanay Proud” na siya rin niyang paalala sa closing ng kanyang TWBA.
Naulila ni Nanay Lising hindi lamang si Boy, kundi maging ang nakatatandang kapatid nitong si Eastern Samar representative Maria Fe Abunda at pamangkin na si Lani.
FIRST NOBLE QUEEN OF THE UNIVERSE
Ang singer-actress-entreprener at beauty queen na si Patricia Javier ang tinanghal na kauna-unahang Noble Queen of the Universe 2019 sa coronation night na ginanap sa Grand Ballroom ng Manila Hotel nung nakaraang linggo, December 1 ng gabi. Bukod sa crown, sash at trophy, si Patricia rin ang tumanggap ng apat pang special awards at kasana ma rito ang Best in National Costume, Ms. Ever Bilena, Darling of the Press. Ang iba pang winners ay binubuo nina Marie France Imelda Papin Carrion or Maffi as Noble Queen International, Beau Singson Villanueva (Australia) as Noble Queen Globe, Anna Rabtsun Baylosis (Russia) as Noble Queen Tourism at si Jill Chapman (West Coast – USA) as Noble Queen Earth. Ang mga runners up ay sina Rtichell Catt (Guam) – 1st runner up at si Sylvia Kim (Korea) bilang 2nd runner up.
Bago ang Noble Queen of the Universe, si Patricia rin ang tinanghal na Mrs. Unvierse Philippines pero hindi na siya lalaban sa international competition dahil sa conflict ng schedule.
Nakatakda kasi siyang umalis with her family patungong San Diego, California at ang international competition ay nataon sa kanilang family Christmas vacation sa Amerika. Kaya ibang kandidata na ang kakatawan ng Pilipinas sa Mrs. Universe competition na gaganapin sa China.
Hindi man nanalo si Patricia nung itong sumali sa Bb. Pilipinas in 1994, dalawang magkasunod na crown naman ang kanyang nakuha kung kelan isa na siyang misis at may dalawang anak.
Patricia is married to an American chiropractor na si Doc Rob Walcher at meron silang anak na parehong lalaki, aged 12 and 8.
The couple owns three chiropractic clinic in Quezon City, Makati at Alabang at katuwang si Patricia sa pagpapatakbo ng kanilang clinic.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)