NEGOSYANTE PINAGBABARIL HABANG NAGBA-BASKETBALL

LAGUNA-Patay ang isang may-ari ng junk shop matapos barilin nitong Miyerkoles sa basketball court sa Calamba City.

Ayon kay Calamba City Police Chief Lt. Col. Gene Licud, idineklarang dead on arrival sa Pamana Hospital ang biktimang si Lordem Pangilinan Bayot, 31-anyos, ng Purok 5, Brgy. Sucol, Calamba City.

Sa salaysay ng mga nakasaksi, alas-5:15 ng hapon habang naglalaro ng basketball si Bayot kasama ang kanyang mga kaibigan sa Purok 6, Miramonte Subd., Brgy. Pansol nang lapitan ito ng armadong lalaki saka pinagbabaril.

Posible umanong nakaalitan ng biktima ang salarin. (CYRILL QUILO)

188

Related posts

Leave a Comment