PH-UK TRADE PARTNERSHIP PALALAKASIN NI PBBM

PALALAKASIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang economic relations at trade partnership sa pagitan ng Manila at London.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), makikipagpulong si Pangulong Marcos kay British Prime Minister Rishi Sunak matapos ang “hectic” subalit mabunga na five-day official visit ng Chief Executive sa Washington, DC.

Sinabi ng PCO na inimbitahan si Pangulong Marcos sa London para sa Grand Coronation ni King Charles III ng Britanya, na gagawin ngayong Sabado, Mayo 6, ayon kay UK Ambassador Laura Beaufils.

“Makikipagkita ako sa kanilang bagong Prime Minister, Prime Minister Sunak, upang makapag-usap kami kung mayroon bang pagbabago sa kanyang pag-iisip sa pag-partner ng UK at saka ng Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos sa press briefing sa St. Regis Hotel sa Washington, DC.

“Sa palagay ko ay ganun din ang sasabihin niya na dapat papatibayin natin. At naghihingalo, hirap na hirap ang ekonomiya ng UK so baka isang bagay ‘yun na pag-uusapan namin kung papaano mag-trade, kung papaano dagdagan,” aniya pa rin.

Aniya, ang kanyang pamilya ay lalapag sa Gatwick Airport, kung saan gagamitin naman niya ang pagkakataon na i-check ang ilang “lessons learned” ng airport officials at i-apply ang mga ito sa Pilipinas para mapahusay pang lalo ang mga pangunahing paliparan sa bansa.

“Usually, hindi sa Gatwick ang pinupuntahan ngunit ngayon ay pupuntahan ko ‘yung Gatwick dahil titingnan ko ‘yung operation ng kanilang airport kung bagay ba ito – ‘yung mga lessons learned nila, ‘yung mga ginagawa nila, kung best practices ‘yan na pwede nating dalhin sa Pilipinas,” ani Pangulong Marcos.

Samantala, muli namang ni-renew ng kanyang administrasyon ang commitment para mapabuti ang airport operations sa Maynila para masiguro  na magiging madali ang pagbyahe para mas mapalakas pa ang sektor ng turismo sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

83

Related posts

Leave a Comment