WALANG maiiwan sa dilim: Suporta ng PhilRECA sa programang elektripikasyon ni PBBM

TARGET ni KA REX CAYANONG

ABA’Y malinaw ang mensahe ng PhilRECA Party-List: Buo ang suporta nila sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng kuryente ang bawat tahanang Pilipino, at tuluyang masolusyunan ang matagal nang suliranin sa sektor ng enerhiya.

Sa kanyang 2025 State of the Nation Address, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng kumpletong household electrification.

Sa loob lamang ng tatlong taon, naabot ng administrasyon ang makasaysayang milestone na 2.5 milyong tahanan ang na-energize—at target pa nitong palawakin pa ang saklaw ng distribusyon hanggang 2028.

Kaisa ang PhilRECA sa paniniwalang walang Pilipinong dapat maiwan sa dilim, lalo na ang mga nasa liblib na lugar.

Bilang pangunahing tagapagtanggol ng rural electrification, handa silang tumulong sa pagpapatupad ng mga programa ng elektripikasyon.

Malugod din nilang tinanggap ang pagpalawak ng saklaw ng Expanded Lifeline Rate Act (RA No. 11552)—isang batas na kanilang buong dangal na inakda kasama si Rep. Sergio Dagooc ng APEC Party-List, noong ika-18 Kongreso.

Dahil dito, hindi lamang ang mga 4Ps beneficiary ang saklaw ng diskwento sa kuryente kundi pati ang mga mahihirap na pamilya sa ilalim ng DSWD Listahanan.

Isa itong konkretong hakbang para maging abot-kaya ang kuryente para sa mga pinaka-nangangailangan.

Subalit, sa kabila ng mga positibong pagbabago, aminado ang PhilRECA na nananatiling pasanin para sa marami ang mataas na presyo ng kuryente.

37

Related posts

Leave a Comment