CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 38-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang kongretong poste sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Dasmariñas City nitong Martes ng madaling-araw. Sa mismong gitna ng kalsada inabutan ng kamatayan ng biktimang si Agapito Agustin ng B10, L3, P2, Andrea Ville Subd., Brgy. Salitran IV, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni Corporal Norman Guerra ng Dasmariñas City Police, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Jose Abad Santos Avenue. Lulan ng motorsiklo ang biktima habang binabagtas ang nasabing lugar ngunit pagsapit…
Read MoreMonth: May 2021
Inaresto sa Laguna TSERMAN PROMOTOR NG TUPADA
LAGUNA – Arestado ang isang barangay chairman na promotor umano ng tupada sa kanilang lugar, sa ikinasang sa operasyon ng mga tauhan ng PNP-CIDG RFU 4A ng Calabarzon PNP, sa Calamba City noong linggo ng umaga. Kinilala ang umano’y promotor ng tupada na si Larry Dimayuga, 47, chairman ng Barangay Canlubang at dating president ng ABC federation ng Laguna. Kabilang sa iba pang mga arestado ay sina Jury Dolliendo, sentenciador/collector; Joel Mameng, sasador/listador/collector, at ang isang mananaya na si Michael De Luna. Bukod sa nakumpiskang dalawang buhay na manok, mga tari at perang pusta, nasamsam kay Dimayuga…
Read MorePALUWAGIN ANG METRO
BAHAGYANG lumuwag ang Metro Manila dahil sa pandemya ng COVID-19. Magugunitang bago nagpatupad ng lockdown ang gobyerno noong Marso 2020 ay nag-uwian ang mga tao sa kani-kanilang probinsya. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nag-uuwian dahil nawalan na sila ng hanapbuhay, matagal na, at hindi nila alam kung kailan babalik sa normal ang buhay sa lungsod dahil hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang community quarantine, iba’t ibang kategorya nga lamang. Kahit papaano, nakaiwas sa gutom ang mga nag-uwian dahil sa probinsya, masipag ka lang ay mabubuhay ka dahil malawak…
Read MorePRESYO NG BABOY NANANATILING MATAAS
UMAARAY na ang mga ina ng tahanan dahil sa ngayon ay nananatiling mataas pa rin ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan. Ano daw ba ang ginagawa ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar? Natutulog lang daw ba ang kalihim ng DA sa pansitan? Kaya tuloy parang gusto nang maniwala ng mga ina ng tahanan na may nangyayaring sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng DA at mga negosyante ng karneng baboy. Sa pinakahuling natanggap na info ng PUNA, bagama’t bumaba na ng bahagya ang presyo ng baboy…
Read MoreINUTIL SI ROBREDO KAYA HINDI PINILI NG 1SAMBAYANAN
ALAM ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na malakas at matinding kalaban si Duterte sa eleksyong 2022 dahil ‘kontrolado’ nito ang Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at mataas pa rin ang trust rating ng pangulo. Kaya, nagbuo ang mga kritikong ito ng isang alyansang tinawag nilang 1SAMBAYANAN. Ang Liberal Party (LP) na oposisyon sa kasalukuyan ay pinamumunuan ni Bise – Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo. Kaya, itinuturing na lider ng oposisyon si Robredo. Sumali ang LP sa 1SAMBAYANAN dahil, ayon…
Read MorePNP AT PDEA, PINAGLARUAN NG PRESO?
TILA pinaglaruan ng isang preso ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaya’t nagkaroon ng shootout noong Pebrero. Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni NBI-National Capital Region director Cesar Bacani na lumabas sa kanilang imbestigasyon na isang convict mula sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro ang nagdikta ng takbo ng operasyon. “Nung sinubmit sa amin ng PNP ‘yung conversation ni Jonaire (Decena) at saka ni James Tan, nag-human intelligence kami, na-locate namin na sa Sablayan Penal Colony (galing) ‘yung tawag,” saad ni…
Read MoreZUBIRI NABAHALA SA TUMATAAS NA COVID-19 CASES SA MINDANAO
NABAHALA si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa tumataas na kaso ng COVID-19 cases sa Northern Mindanao. Dahil dito, nananawagan ang senador sa Inter-Agency Task Force (IATF) na agad nang umayuda para makontrol ang sitwasyon. “As a resident of Northern Mindanao, I am very alarmed by the recent surge of COVID-19 cases across the region,” diin ni Zubiri. Sinabi ni Zubiri na noong nakalipas na dalawang linggo, naitala sa Northern Mindanao ang 300% na pagtaas ng kaso sa Lanao del Norte. Sinundan naman ito ng ulat na nitong nakalipas…
Read MorePoe sa PhilHealth UTANG SA MGA OSPITAL BAYARAN NA
MULING nanawagan si Sen. Grace Poe sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na madaliin ang pagbabayad sa mga public at private hospital at isantabi ang hindi kailangang pamamaraan na makapipinsala sa kakayanan ng mga healthcare institution para isagawa ang kanilang napakahalagang tungkulin. Sabi ni Poe, kailangang matugunan ng PhilHealth ang lahat ng hospital claims na hindi nabayaran gayundin ang tinatawag na ‘return-to-hospital (RTH) claims’ na banta sa viability ng mga ospital na ito. Sa report ng Commission on Audit (COA) sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC), lumalabas na 1,641 claims…
Read MoreKULONG SA MAGBEBENTA NG BAKUNA, SLOT
IPINAGBABAWAL ng pamahalaan ang pagbebenta ng bakuna at slot. Napaulat kasi na hindi lalagpas sa P15,000 ang ibinebentang bakuna, depende sa brand at pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, pupuwedeng makulong at makasuhan ang isang indibidwal na sangkot sa ganitong ilegal na gawain. “Well, yan po ay pinagbabawal. Wala pong bakuna na binebenta dahil wala pa pong bakuna na binigyan for commercial use kaya po hindi dapat ibenta ang mga bakuna eh lahat po iyan ay nasa Emergency Used pa lamang. Hindi pa…
Read More