Sa gagamiting VCMs ng Comelec sa 2022 polls FAILURE OF BIDDING IDEKLARA

(NELSON S. BADILLA) HINILING ng Pivot International Inc. and Power Service (PSI) Inc. Joint Venture, o PSI Joint Venture, sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na ideklarang “failure of bidding” ang isinagawang pagsubasta sa refurnished vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa halalang 2022. Ginawa ito ng PSI Joint Venture matapos tanggalin o idiskuwalipika ng Special Bids and Awards Committee (SBAC) ng Comelec ang naturang kumpanya sa naganap na bidding noong Marso 5, gayung ang PSI Joint Venture ang idineklara ng Technical Working Group (TWG) ng SBAC na…

Read More

MANILA ISLAMIC CEMETERY PATAPOS NA

HALOS patapos na ang konstruksyon ng Manila Islamic Cemetery na nasa loob ng city-run Manila South Cemetery sa Makati City. Inanunsyo ito ni Manila Mayor Francisco ” Isko Moreno ” Domagoso na siya ring nag-utos na itayo ang Muslim cemetery sa 2,400 metro kuwadradong lote upang maging eksklusibong libingan ng mga labi at buto ng mga residenteng Muslim. Dumalaw at nagsagawa ng ocular inspection ang alkalde sa sementeryo sa pagtatapos ng Ramadan kasama sina City Engineer Armand Andres, Manila Health Department (MHD) head Dr. Arnold Pangan, Manila Emergency Operations Center…

Read More

ABOT-KAYANG PRESYO NG BIGAS, BABOY PANATILIHIN

HINIMOK ni Sen. Grace Poe ang economic team ng gobyerno na tiyaking mananatiling abot-kaya ang presyo ng karne ng baboy at bigas kasunod ng kanilang rekomendasyon na babaan ang taripa nito na magreresulta rin sa pagkawala ng kita ng pamahalaan. “Our people expect the government’s economic team to live up to their avowed tenet of fiscal responsibility by seeing to it that actual benefits trickle down to Filipino families and not just to importers,” pahayag ni Poe. “Will the tariff slash actually result in lower prices in public markets and…

Read More

DRUG PERSONALITY ITINUMBA SA KALSADA

PATAY ang isang tricycle driver nang paulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek habang sugatan ang barangay tanod na nakasaksi sa insidente noong Lunes sa Malabon City. Kinilala ang biktimang si Ruben Samaco Jr., 42, ng #14-C Borromeo St., Brgy. Longos sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan. Habang si Christopher Oliver, 34, tanod at fire volunteer, ng Blk. 3, Lot 13, 1st St., Brgy. Tañong, ay isinugod sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala sa kaliwang balikat at paa. Ayon sa pulisya, naglalakad…

Read More

Kasama nakatakas TANOD TIMBOG SA EXTORTION

BATANGAS – Nadakip ang isang barangay tanod habang nakatakas ang isa pa sa entrapment operation dahil sa pangingikil sa isang CPA matapos na kumpiskahin ang PRC ID nito makaraang mahuling nakikipaghalikan sa kanyang kasintahan sa loob ng kotse sa Lourdes Road, Barangay Bolbok, Batangas City noong gabi ng Mayo 16, 2021. Nagsumbong sa mga awtoridad ang biktimang si Paul Benson Dijan y Acosta, 26, CPA, ng Brgy. Sorosoro Karsada, Batangas City, sa Batangas City Police noong Mayo 17, bandang alas-6:00 ng gabi laban sa mga barangay tanod na sina Ronnel…

Read More

Tricycle binundol ng Toyota Hi-Ace DRIVER, 3 PASAHERO TUMILAPON

CAVITE – Sugatan ang tatlong kababaihan at ang driver ng tricycle nang tumilapon ang mga ito makaraang banggain ang kanilang sasakyan ng isang Toyota Hi-Ace sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga biktimang sina Marilyn Linantod, nasa hustong edad; Myleen at Kathy, kapwa menor de edad, at ang driver ng tricycle na si Angelito Custodio dahil sa mga sugat sa katawan. Kinilala naman ang driver ng puting Toyota Hi-Ace na may plakang NBN-5161, na si Redellbert Ramos, 31, ng…

Read More

Problemado sa dami ng trabaho GURO NATAGPUANG PATAY SA ILOG

LAGUNA – Natagpuang walang buhay sa ilog sa bayan ng Sta. Cruz, ang isang guro na umano’y dumaranas ng mental and psychological complications dahil sa dami ng kanyang trabaho. Ayon sa mga kaanak, dahil sa kalagayan ng biktimang si Kerwin Rivera Orpia, 29-anyos, palaisipan sa kanila kung aksidente itong nalunod o nagpakamatay. Batay sa report sa pulisya ni Edwin Nequinto Orpia, ama ng biktima, nakalabas ng bahay ang kanyang anak noong Sabado ng umaga nang hindi nila namamalayan. Nang malamang wala sa kwarto, hinanap nila ang biktima hanggang sa makita…

Read More

Banta ni PDu30 kapag muling tumaas ang COVID-19 cases LOCKDOWN NA NAMAN

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari siyang magpatupad ng panibagong lockdown, kapag muling sumirit ang coronavirus infections dahil sa mas nakahahawang COVID-19 variants at paglabag sa “health protocols. Ang bago at mas nakahahawang coronavirus variants ang dahilan kung bakit nagdo-doble ang kanilang trabaho para pigilan ito. “Ang pag-asa natin is really the obedience, parang boy scout. You want to end the danger of COVID-19 engulfing this country. Kapag hindi, [m]apipilitan talaga ako na to impose lockdowns and everything,” ayon kay Pangulong Duterte. Sa ulat, natukoy pa ang karagdagang…

Read More

GUSTONG RUMAMPA? MAGPABAKUNA

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mamamayang Filipino na manatili sa bahay kung ayaw magpabakuna laban sa COVID-19. Ito’y dahil na rin sa nahihirapan ang mga awtoridad na mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna. Ani Pangulong Duterte, walang basehan ang pangamba sa epekto ng bakuna dahil wala naman aniyang namatay matapos mabakunahan. “Maniwala kayo sa gobyerno, maniwala kayo sa mga tao na nilagay n’yo d’yan sa opisina nila… Maniwala kayo, Diyos ko po kasi kung hindi, hindi kayo makatulong,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to…

Read More