51M PINOY NAGUGUTOM

MAHIGIT 50 milyong Pilipino o halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang nagugutom sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ang nabatid kay Amihan secretary general Cathy Estavillo dahil sa halip paunlarin aniya ng Pangulo ang sektor ng agrikultura at tulungan ang mga magsasaka ay inaasa nito ang pagkain ng mamamayan sa importasyon. “Fifty one million mamamayang Pilipino ang nagugutom dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,” deklarasyon ni Estavillo kaya sa unang araw…

Read More

Hindi umangat kahit sa sariling balwarte APPROVAL RATING NI MARCOS LAGPAK

LUMAGPAK sa 49% ang approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa North Central Luzon na kanyang balwarte. Mula sa 52% noong unang tatlong buwan ng taon ay nagtala na lamang ng 49% si Marcos sa nasabing rehiyon. Base ito sa Pahayag 2024 second quarter survey na isinagawa mula Hunyo 15-19, 2024 na may mahigit 1,500 respondents. Nakikitang dahilan dito ang hindi mapigilang pagtaas ng mga presyo ng bilihin o inflation gayundin ang problema sa ekonomiya at talamak na korupsyon. Nakapagtala ng mababang 51% overall performance rating ang Marcos administration.…

Read More

FL LIZA GAMIT SA GOV’T POSTS FOR SALE SCAM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMAPELA si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa mga nabiktima ng sindikato na gumagamit sa pangalan ni First Lady Liza Marcos para magbenta ng mga posisyon sa gobyerno. Hinimok ni Santiago ang mga biktima na lumabas at magsampa ng reklamo. Ito’y matapos mabuwag ng NBI ang pinaniniwalaang sindikato na nagbebenta ng matataas na posisyon sa gobyerno sa pagkakaaresto ng pitong suspek. Isa sa mga naaresto ang tinukoy sa pangalang John Vicente Cruz, na nagpapakilalang Atty. JV Cruz na assistant secretary sa Presidential Management…

Read More

GALIT NG PINOY WORKERS KAY BBM ILALABAS SA SONA

(BERNARD TAGUINOD) ILALABAS ng mga manggagawa ang ngitngit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong Hulyo 22. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, maniningil ang Pinoy workers matapos bigyan lang ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ng P35 umento ang mga manggagawa sa nasabing rehiyon. “Sa nalalapit na State of the Nation Address, asahan ng Pangulo na sasabayan ito ng mga manggagawa ng isang malawak na protesta para ipanawagan ang nakabubuhay na sahod sa kabila ng…

Read More

3 pang undocumented boats nadiskubre YATE SA 1.4 TONS SHABU KUMPISKADO

NADISKUBRE ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong undocumented boats matapos kumpiskahin ang yate na ginamit sa pagbiyahe ng 1.4 toneladang shabu na nasabat sa Alitagtag, Batangas. Sa pakikipagtulungan ng BOC sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nagsagawa rin ng kanilang sariling imbestigasyon ang Aduana. Magugunitang nasabat ng mga awtoridad ang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P9.68 billion, sa inilatag na police checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15, 2024. Nadiskubre ng BOC ang tatlo pang karagdagang pribadong yate na pag-aari rin ng…

Read More

3 MAIL-ORDER BRIDES NASABAT NG BI SA CEBU

NAUDLOT ang tangkang pagbiyahe ng tatlong Pinay na nagpakita ng PSA issued marriage certificates, nang pigilan sila ng mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa magkahiwalay na insidente. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga babaeng biktima ay may edad na 29, 25, at 24-anyos. Ang babaeng 29-anyos na kasama ang 30-anyos Chinese man na nagpakilalang asawa nito, ay tinangkang sumakay ng biyaheng China Eastern Airlines flight patungo sa Shanghai nang nasabat sila ng mga miyembro ng BI Immigration Protection and Border Enforcement…

Read More

RETIRADONG PULIS PATAY SA PAMANGKIN

CAVITE – Patay ang isang retiradong pulis nang pagbabarilin ng kanyang pamangkin habang nag-iinuman sa kanilang bahay sa bayan ng Kawit sa lalawigan nitong Martes ng madaling araw. Isinugod sa Kalayaan Hospital ang biktimang si alyas “Reynaldo”, may asawa, isang retiradong pulis, ng Brgy. San Sebastian, Kawit, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Pinaghahanap naman ng pulisya ang pamangkin nito na si alyas “Edwin” na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, bandang ala-1:05 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang nag-iinuman ang dalawa kasama ang isa pang lalaki,…

Read More

AFP JOINT TASK FORCE NCR, NAGHAHANDA NA SA SONA NI PBBM

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa na sila ng paghahanda para matiyak ang seguridad at peace and order para sa gaganaping ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22, 2024. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, bahagi ang AFP ng task force na nangangasiwa sa kapayapaan at seguridad ng ikatlong SONA ng pangulo. Katunayan ay kasama ang AFP sa inilalatag na security preparation mula sa planning hanggang sa execution nito, na pangungunahan ng Philippine National Police,…

Read More

3 CHINESE NATIONALS HULI SA KALAHATING KILO NG SHABU

ARESTADO ang tatlong Chinese nationals makaraang mahulihan ng tinatayang kalahating kilo ng umano’ty shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, sa inilatag na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Shanghai Building, Brgy. Balibago, Angeles City noong Lunes, Hulyo 1, 2024. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, isang sting operation ang ikinasa ang kanyang mga tauhan mula PDEA Region 3 Office, sa Barangay Balibago sa Angeles City. Ayon sa PDEA Region 3 report nitong Martes, isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-10:50 ng gabi…

Read More