PUNA ni JOEL O. AMONGO UMANI ng batikos si Senator-Judge Erwin Tulfo dahil sa kanyang manifestation tungkol sa 16-vote threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sa gitna ng mainit na debate kung ilan nga ba ang kinakailangang boto para mahatulan ang isang impeached official, maraming Pilipino ang napaiisip: Bakit tila kailangang galawin ang umiiral na tuntunin habang isinasagawa na ang paglilitis? Para sa ilan, hindi lamang ito simpleng usapin ng mathematical computation. Isa itong usapin ng prinsipyo, proseso at tiwala ng publiko sa impeachment…
Read MoreDay: September 14, 2026
MIMAROPA AT CALABARZON MULING PAGSASAMAHIN?
Kurdapyo ni Toto Nabaja IMINUNGKAHI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na muling ibalik sa isang rehiyon ang CALABARZON (Region 4-A) at MIMAROPA (Region 4-B). Samu’t sari ang reaksyon at opinyon ng ating mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, sa bagong panukala ni SILG Jonvic Remulla. Ops! Teka Lang! ‘Di ba ang Region 4A at 4B ay iisang Rehiyon 4 (Timog Katagalugan) at sa bisa ng Executive Order No.103 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hinati sa dalawa noong Mayo 17, 2002. Layon ng naturang hakbang ay…
Read MorePULITIKA MUNA BAGO SIKMURA NG MGA PILIPINO?
At Your Service Ni Ka Francis SA bawat pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente at iba pang pangunahing pangangailangan, isang tanong ang lalong nagiging mahirap iwasan: Tama pa ba ang prayoridad ng pamahalaan? Habang abala ang bansa sa samu’t saring usaping pampulitika, marami pa ring mga Pilipino ang abala sa mas simpleng problema—kung paano pagkakasyahin ang kanilang kinikita hanggang sa susunod na sahod. Hindi masamang pag-usapan ang pulitika. Mahalaga ang pananagutan, transparency at paggana ng mga institusyon. Ngunit hindi dapat maging dahilan ang walang katapusang tunggalian sa pulitika upang…
Read MorePAGTALAGA KAY PACMAN, WRONG MOVE NG GOBYERNO?
BISTADOR ni RUDY SIM UMANI ng samu’t saring reaksyon mula sa taumbayan ang pagkakatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kay dating Senador at boxing champion Manny Pacquiao bilang kalihim at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC). May kanya-kanya kasing opinyon ang taumbayan sa kakayahan ni Pacman na pamunuan ang ahensya upang solusyunan ang krisis sa bansa. Isa si Pacquiao sa mga atletang Pinoy na nagbigay-karangalan sa bansa sa kanyang husay sa larangan ng sports ngunit pagdating sa pulitika ay dapat credentials, performance at kakayahan ang basehan hindi ang kasikatan. Isa…
Read MoreOCD-BAR, NAKA-RED ALERT DAHIL SA BARMM PARLIAMENTARY POLL
SIMULA nitong Lunes, Setyembre 14, itinaas ng Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region (OCD-BAR) sa Red Alert ang alert status nito kasabay ng pagdaraos ng kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections. Epektibo ang nasabing alert level hanggang ngayong Martes, Setyembre 15, para sa mas mahigpit na monitoring, koordinasyon at operational readiness sa buong panahon ng halalan. Nabatid na ibababa sa Blue Alert Status ang alert level sa Setyembre 16 at inaasahang ibabalik sa White Alert sa Setyembre 17, depende sa sitwasyon at progreso ng mga election-related activities. Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng…
Read More3 TIMBOG SA DRUG DEN SA BATANGAS
ARESTADO ang tatlong lalaki matapos madiskubre at mapasok ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Aplaya Laiya, San Juan, Batangas. Dakong alas-12:15 ng madaling araw noong Linggo, Setyembre 13, isinagawa ng PDEA Batangas Provincial Office at San Juan Municipal Police Station ang buy-bust operation sa lugar. Ayon sa PDEA, ang mga naaresto ay tatlong lalaki na may edad na 43, 32, at 27-anyos, pawang residente ng Barangay Laiya Aplaya. Nakuha sa operasyon ang walong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 10.1 gramo at tinatayang…
Read MoreBANGKA NASUNOG SA LAOT, MANGINGISDA NAWAWALA
NAWAWALA ang isang mangingisda matapos masunog ang sinasakyan nitong fishing banca sa katubigan ng Calatagan, Batangas. Kinilala ang nawawala na si Celideño Hernandez, 47-taong gulang, residente ng Sitio Dayap, Barangay Tanagan, Calatagan. Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, nakita ng mga kapwa mangingisda ang bangka sa tinatayang 500 metro southwest ng Cafe Santiago Lighthouse noong Linggo, Setyembre 13, habang ito ay nasusunog ngunit walang nakitang sakay. Hinila ng mga mangingisda ang bangka patungo sa shoreline para sa kaligtasan at beripikasyon. Nakumpirma naman ng PCG sa pamilya na si Hernandez…
Read More6 SUSPEK TINUTUGIS SA PAMAMARIL
TINUTUGIS ng pulisya ang anim na kalalakihan na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo, na sangkot umano sa pamamaril sa isang lalaki sa Brgy. Queen’s Row East, Bacoor City, Cavite noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang live-in partner sa Gawaran Heights at nadatnan ang kinakasama, anak ng huli at mga suspek na nag-iinuman bandang alas-9:00 ng gabi. Kinausap umano ng biktima ang kanyang live-in partner na humantong sa mainitang pagtatalo. Bandang alas-11:00 ng gabi ay nagpaalam na umalis ang mga suspek na magkakaangkas sa…
Read MoreLCSP UMAASA NA I-VETO NI PBBM PAGPAPALIBAN NG BSKE
UMAASA ang Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) na i-veto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang magpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK), na magreresulta sa pagpapaliban ng nakatakdang halalan sa Nobyembre 2, 2026. Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, mas marami umano ang nais na matuloy ang halalan, ngunit mas pinaboran ng nakararaming mambabatas ang panukalang panatilihin muna sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal. Naipasa na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives at Senado ang mga panukala na gawing…
Read More