HEALTH WORKERS, ISALANG SA LINGGUHANG COVID-19 TEST

HINIKAYAT ni Senador Richard Gordon ang Department of Health (DOH) na isailalim sa lingguhang COVID-19 test ang mga doktor, nurses at iba pang health workers. Ito aniya ay upang matiyak na mabantayan din ang kalusugan ng mga medical worker na pangunahing humaharap sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19. Iginiit ni Gordon na mahalaga ang papel na ginagampanan ng medical workers kaya’t dapat maipadama rin sa kanila ang tamang pangangalaga. Samantala, pabor si Gordon na payagan ang pansamantalang operasyon ng mga POGO sa bansa upang mapagkunan ng dagdag na pondo ng…

Read More

AYUDA SA INFORMAL SECTOR WORKERS, SUMOBRA SA TARGET NG DOLE  

SA pinakahuling ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Abril 24, umabot na sa 259,449 manggagawa sa “informal sector” ang nabigyan ng tig-P5,000 mula Luzon hanggang Mindanao, pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Ang natanggap na P5,000 ng bawat isa sa mga manggagawang ito na kumikita lamang kung mayroong trabaho ng isa o ilang araw ay bahagi ng tulong pinansiyal ng DOLE sa kanila ngayong panahong mayroong “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Luzon at “community quarantine” (CQ) sa maraming lalawigan sa Visayas at Mindanao dulot ng pananalasa…

Read More

PASAWAY NABAWASAN – ELEAZAR

Director Guillermo Eleazar

NABAWASAN ng mahigit kalahati ang bilang ng mga pasaway na lumalabag sa pinaiiral na home quarantine dahil sa deployment ng mga sundalo, mga tauhan ng PNP Special Action Force at Highway Patrol Group, ayon kay JTF COVID Shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar. Ayon kay Gen. Eleazar, halos kalahati ng bilang ng mga home quarantine violator ang nabawas sa mga lugar na itinuturing na hot spots ng enhanced community quarantine (ECQ) violations. Sinasabing ramdam na ramdam na malaking deterrent ang presensiya ng fully armed SAF commandos at mga…

Read More

P1 TRILLION DEBT SERVICE HUWAG MUNANG BAYARAN

MAGKAKAROON ng sapat na pondo ang gobyerno na panlaban sa coronavirus disease 2019 at pantulong sa mga apektadong mamamayan kung hindi muna ito magbabayad ng utang ngayong taon. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, kailangang sumabay ang Pilipinas sa panawagan ng mga bansa sa buong mundo lalo na ang mga developing countries na suspendehin muna ang pagbabayad ng utang upang may magamit sa paglaban sa COVID-19. Nabatid kay Castro, lalong umingay ang panawagan matapos ipanukala ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) na ipagpaliban muna ang pagbabayad…

Read More

KONSUMO SA KURYENTE TATAAS DAHIL SA ECQ

KURYENTE-2

TIYAK na mataas ang konsumo sa kuryente ng mga tinatawag na lifeline customer hindi lamang ng Manila Electric Company (Meralco) kundi ng mga electric cooperative, ngayong panahon ng enhanced community quarantine kaya posibleng pagbayarin na ang mga ito. Ginawa ni House committee on energy chairman Lord Allan Velasco ang pangamba dahil hindi lumabas ng kanilang bahay ang mga lifeline customer mula noong ipatupad ang ECQ noong Marso 12 kaya posibleng sumobra na sa 50 kilowatt per hour ang kanilang konsumo. Ang mga lifeline customer na mula sa poorest of the…

Read More

MGA MAMAMAYANG PASAWAY VS. MGA OPISYAL NA NAKAAGAPAY

OKAY O OKRAY

NOONG Biyernes ng umaga, ipinahayag ng tagapagsalita ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte na si Atty. Harry Roque ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), Region 3, Region 4A at iba pang lugar na mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na sa halip na matatapos sa Abril 30 ay aabutin pa hanggang Mayo 15. Okray na marami ang nagrereklamo na hirap na sila sa nangyayari sa buhay nila dahil hindi nga sila makalabas ng kani-kanilang bahay para ­maghanap-buhay sapagkat tigil muna ang…

Read More

COVID-19 ATING KALABAN, HINDI ISA’T ISA

Sa Ganang Akin

UMAKYAT na sa mahigit sa pitong libo ang bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa ­ating bansa. Nakatakda na ­sanang matapos ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa katapusan ng buwan ng Abril ngunit bunsod nang patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso sa bansa ay minabuti ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na ­palawigin ang pagpapatupad ng ECQ hanggang sa ika-15 ng Mayo. Upang mas maging epektibo ang ipinapatupad na ECQ, kasama sa mga bilin ni Pangulong Duterte ay ang mahigpit na pagpapatupad ng mga…

Read More

SUPPLEMENTAL BUDGET KINUWESTYON NG SENADOR

ATUBILI si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa usapin ng pagbibigay ng supplemental budget sa national government para labanan ang COVID-19 pandemic. Sa halip, nais ni Lacson na magpaliwanag ang economic managers kung bakit kailangan ng supplemental budget gayung may bilyon-bilyong pondo pa ang hindi nagagalaw sa 2019 national budget. Binigyang-diin ni Lacson na sa pagtatapos ng 3rd quarter ng 2019, nasa P1.3 bilyon pa ang hindi nagagastos ng gobyerno sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act. Sa naturang pondo, nasa P989 bilyon ang mula sa executive branch, partikular mula sa…

Read More

REKLAMO SA SAP, IPARATING SA DSWD HOTLINE

INANUNSIYO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaaring iparating sa Hotline No. 16545 nito ang mga reklamo ng mamamayan hinggil sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. Sabi ng DSWD, ang mga nakikitang anomalya o anomang reklamo hinggil sa pamamahagi ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda sa SAP ng administrasyong Duterte ay maaaring iparating sa DSWD’s Grievance Center, sa pamamagitan ng naturang numero. Puwede ring magtungo sa pinakamalapit na sangay ng DSWD kung sa tingin nila ay kuwalipikado silang makatanggap ng ayuda mula sa SAP, ngunit hindi nabigyan…

Read More