Si Jose Pardo, chairman ng Philippine Stock Exchange at dating secretary ng Department of Finance habang ipinaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga negosyante sa isinagawang “47th National Conference of Employers (NCE47): Towards a Dynamic, Resilient, and Sustainable Future” noong Mayo 20 sa Manila Hotel sa Manila City. Sa ilalim ng proyekto ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), isinagawa ang 47th National Conference of Employers (NCE47) sa ilalim ng temang “Towards a Dynamic, Resilient, and Sustainable Future” noong Mayo 20 sa Manila Hotel…
Read MoreAuthor: admin 3
FORCE MAJEURE HINDI APPLICABLE – DRILON
RAPIDO ni PATRICK TULFO NATATAWANG sinagot ni dating Senador Frank Drilon ang katanungan natin sa programang “Rapido Ni Patrick Tulfo” tungkol sa sinabi ni Sen. Robin Padilla na pwedeng gawing basehan ng Force Majeure ang nangyayaring kaguluhan sa Gitnang Silangan, sa isinusulong na online conferencing sa mga hearing sa Senado. Ayon kay Drilon, hindi applicable na ipatupad ito dahil napakalayo naman ng Pilipinas sa Gitnang Silangan. Hindi umano maaapektuhan nito ang pagdadala ng mga dokumento sa Senado para sa mga gagawing pagdinig. Ang Force Majeure o Supreme Force ay mga…
Read MorePatawan ng mabigat na parusa mga traydor at sumisira ng likas-yaman ng bansa!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA TUNAY na mahalaga ang iisang wikang tinatangkilik at nauunawaan ng bawat mamamayan, tulad sa Japan, China, Korea, Taiwan at iba pang bansa na ikinararangal, ipinagmamalaki ang sariling wika, saan mang panig ng mundo at kasabay naman ay pinalalakas ang kakayahan at kasanayan sa wikang English na ngayon ay kinikilalang pandaigdigang wika ng lahat ng bansa. Palakasin natin lagi, hindi lang tuwing Buwan ng Wikang Filipino, ang ating wikang pambansa. Gawin natin ito sa araw-araw at napakalaki ng papel nito sa malayang pamamahayag na binubukalan…
Read MoreJehova Jireh
HOPE ni GUILLER VALENCIA AND Abraham called the name of the place, [c] The Lord-Will-Provide [Jehovah Jireh]; as it is said to this day, “In the Mount of the LORD it shall be provided,” Genesis 22:14. Ang text natin ay ang karanasan ng mag-amang Abraham at Isaac. Na kung saan sinubok ang pananampalataya ni Abraham kung paano siya susunod sa kalooban ng Panginoon Diyos. Sa istorya, sinasabi na sinunod ni Abraham ang utos ng Panginoon na ihandog ang nag-iisang anak niya na si Isaac. Sa kanilang pagtugon sa utos ay…
Read MorePAMANA HEALTH CENTER SA STA. MESA, MULING BINUHAY NI MAYOR ISKO MORENO
TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang lungsod na siksikan at mabilis ang galaw ng buhay, mahalagang may maayos at madaling mapuntahang serbisyong pangkalusugan ang mamamayan. Hindi lahat ay may kakayahang agad magpagamot sa pribadong ospital kaya malaking bagay ang pagkakaroon ng maayos na health center sa komunidad. Kaya naman magandang balita para sa mga taga-Distrito 6 ang muling pagbuhay sa Pamana Health Center sa Sta. Mesa. Matagal ding hinintay ng mga residente ang pagbubukas at pagsasaayos ng naturang pasilidad matapos itong maisara sa loob ng ilang taon. Sa isinagawang…
Read MoreLALAKI NABARIL SARILI SA BIRD HUNTING
HINIHINALANG namatay ang isang lalaki nang mabaril ang sarili habang nagbi-bird hunting sa isang bulubunduking lugar sa Maragondon, Cavite nitong Huwebes ng madaling araw. Isinugod sa Maragondon Hospital ang biktimang si alyas “Larito” subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa katawan. Ayon sa ulat, nagtungo ang biktima at mga kaibigan nitong sina alyas “Jay” at “Tikong” sa Mt. Buhuan, Brgy. Talipusngo, Maragondon, Cavite upang manghuli ng ibon (bird hunting). Bandang alas-12:20 ng madaling araw ay nagkanya-kanya sila ng lakad nang makarinig sila ng putok mula sa…
Read MorePara mapalakas reserba at suporta sa P20 rice PAGGILING NG PALAY SA BICOL ISINULONG NG NFA
MARIING inihayag ng National Food Authority (NFA) na nakumpleto na nito ang emergency procurement ng serbisyo sa kiskisan sa Bicol region bilang bahagi ng mas malawak na hakbang ng gobyerno para mapalaki ang reserba ng bigas, mapaluwag ang mga bodega, at masuportahan ang inisyatiba ng gobyerno na murang bigas sa gitna ng tumataas na pressure sa inflation. Sinabi ng NFA, naunang nakumpleto nito ang pagbili ng milling services sa Region 12 sa Mindanao, at mas maraming kontrata sa paggiling ang inaasahang malapit nang makumpleto sa ibang rehiyon upang palakasin ang reserba ng bigas at mapataas…
Read MoreIKALIMANG NASAWI NAREKOBER SA GUMUHONG GUSALI SA ANGELES
NAIAHON nitong Huwebes ng umaga ang bangkay ng ikalimang nasawi mula sa gumuhong siyam na palapag na gusali sa Angeles City. Bandang alas-8:03 ng umaga nang dalhin ng City Health Office ang bangkay ng lalaking biktima para sa Disaster Victim Identification o DVI procedures. Ayon kay Angeles City Mayor Jon Lazatin II, isang cellular phone na narekober sa parehong lugar kung saan natagpuan ang bangkay ay pinaniniwalaang pag-aari ng biktima. Patuloy pa rin ang search and rescue, retrieval at clearing operations sa ilalim ng Unified Command Management Option kung saan…
Read MoreOBSTRUCTION OF JUSTICE VS PADILLA, 5 IBA PA INI-REFER NA SA DOJ — CIDG
NA-REFER na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) ang kasong obstruction of justice laban kay Senador Robinhood Padilla at lima pang indibidwal noong Mayo 26, ayon kay CIDG Director PMGen Robert Morico II. Ayon kay Morico, kabilang sa mga kinasuhan ang umano’y tumulong sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kabilang ang may-ari ng backup vehicle na ginamit bilang escort at anak umano ng tiyuhin ni Padilla. Kasama rin sa kinasuhan ang isang babaeng security officer ni Dela Rosa habang hindi…
Read More