ANG PAGBABAGO SA BI JAIL

BISTADOR ni RUDY SIM TILA natapos din ang maliligayang araw ng mga tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa Warden Facility na siyang nangangasiwa sa mga dayuhang inmates na may kasong kinakaharap na nakapiit sa BI jail sa Camp Bagong Diwa at sa Bureau of Corrections ng Muntinlupa. Kung dati ay kaliwat kanang katiwalian ang ating natatanggap na sumbong mula sa pamilya at ilang inmates na nakakaranas noon ng kalupitan at kotongan ng mga tiwaling jail guard ay ngayon naman ay laking gulat natin na ibang sumbong naman…

Read More

PNP FINANCE SERVICE, WALANG INAPRUBAHANG ONE-MONTH MORATORIUM SA LOAN PAYMENT

NILINAW ng PNP Finance Service na wala itong inaprubahan o ipinatupad na one-month moratorium sa loan payments ng mga police personnel, kasunod ng kumakalat na impormasyon sa social media. Ayon sa Finance Service, hindi ito ang tanggapan na nag-aapruba o nagpo-proseso ng loan moratorium. Wala rin umano itong ipinataw, dineklara, inaprubahan o inilabas na naturang moratorium sa mga bangko, lending companies at iba pang financial institutions. Pinaalalahanan ng Finance Service ang mga pulis na ipagpatuloy ang pagbabayad sa kanilang mga obligasyon alinsunod sa kanilang loan agreements, maliban kung may opisyal…

Read More

TEODORO: CHINESE EMBASSY, MISTULANG PR FIRM NI TONY YANG

TINAWAG ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na mistulang public relations firm ng negosyanteng si Tony Yang at ng iba pang ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga Chinese national sa bansa ang Chinese Embassy sa Pilipinas. Ayon kay Teodoro, malinaw mula sa mga pampublikong pahayag ng embahada nitong mga nakaraang araw na kino-cover up o pinagtatakpan nito si Yang. Kasabay nito, nanawagan ang kalihim sa publiko na kondenahin ang naturang hakbang ng embahada. Sinabi pa ni Teodoro na sa lahat ng embahada sa bansa ay ngayon lamang siya nakakita…

Read More

‘NENENG’ POSIBLENG BUMALIK BILANG BAGYO; 2 PANG LPA BINABANTAYAN NG PAGASA

MAY posibilidad na bumalik at muling maging tropical depression ang dating Tropical Storm Neneng na isa nang low pressure area (LPA) at kasalukuyang kumikilos palayo sa Pilipinas, ayon sa state weather bureau. Ayon sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ibinahagi ng Office of Civil Defense (OCD), alas-8 ng umaga nitong Agosto 21, ang LPA 08f, na dating “Neneng,” ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at may katamtamang posibilidad na muling maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.…

Read More

MAY KREDIBILIDAD PA BA SI ORLY GUTEZA?

RAPIDO ni PATRICK TULFO MATAPOS ang mahabang pananahimik, muling lumitaw itong si Orly Guteza, ang pinakaunang witness na iniharap nina Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa isyu ng mga anomalya sa flood control. Ito ‘yung naunang imbestigasyon ng makapangyarihang komite na pinamumunuan pa noon ni Sen. Ping Lacson. Matatandaan na “surprise witness” nina Sen. Marcoleta si Guteza na ang ibig sabihin ay hindi alam nina Sen. Lacson ang pagkakakilanlan nito. Kay Guteza nanggaling ang terminong basura o pera na inihatid daw nila galing sa bahay ni…

Read More

KUNEHO SA PARCEL MAY “KETAMINE” SA LOOB!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI lahat ng mukhang laruan ay inosente. Minsan, ang isang simpleng palamuti ay puwedeng maging pambalot ng malaking problema—at ito mismo ang natuklasan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark nang masilip ang isang resin rabbit figurine na galing France. Sa unang tingin, ordinaryong dekorasyon lang. Ang deklarasyon pa nga: “Indoor Decorative Molded Polyresin Ornament.” Pero may ibang kuwento ang laman. Sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs, nasabat ang tinatayang…

Read More

STRONG TOWER

HOPE ni GUILLER VALENCIA “THE name of the Lord is a strong tower; The righteous runs into it and is safe,” (Proverbs 1810 NASB). Who is our strong tower in life? Where do we rely on our economy, security, strength and salvation? Christian certainly to our Lord God! Paano ang hindi believers? Marahil sa kanilang lakas, talino, power, influence and wealth. Ayon sa ating text, the name of the Lord is a strong tower and the righteous runs into it and is safe. Ang taong matuwid at mananampalataya ay tunay…

Read More

MABILIS NA AKSYON NI BOC COMMISSIONER ARIEL NEPOMUCENO SA ATENEO INCIDENT!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng isang matinding trahedya tulad ng nangyaring pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University, ang unang hinahanap ng publiko mula sa mga pinuno ng pamahalaan ay hindi pananahimik o pagdadahilan, kundi mabilis at konkretong aksyon. Aba’y sa puntong ito, nararapat lamang na kilalanin ang matatag at responsableng pamumuno na ipinamalas ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno. Kasi sa halip na magpatumpik-tumpik o magturuan kung kanino ibubunton ang sisi, agad nitong ipinag-utos ang isang komprehensibong accounting at inventory ng lahat ng provisional na…

Read More

SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP BINUO NG PNP SA ADZU SHOOTING

BUMUO ang Police Regional Office 9 ng Special Investigation Task Group para sa mas komprehensibong imbestigasyon sa shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU). Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ni Senador Risa Hontiveros, sinabi ni Zamboanga City Police Office director Police Col. Fidel Fortaleza na layunin ng task group na maisama ang iba pang police units sa pagsisiyasat. Kabilang dito ang Anti-Cybercrime Group na susuri sa cellphone at iba pang gadgets ng batang shooter. Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Fortaleza…

Read More