RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGBOTOHAN na ang mga senador hinggil sa mainit na isyu ng conviction at acquittal sa ginaganap impeachment trial laban kay VP Sara Duterte. Sa nangyaring botohan kahapon, labingtatlo ang bumoto sa pagpayag na babaan ang kinakailangan na boto upang ma-convict ang nasasakdal, anim ang hindi bumoto na karamihan ay miyembro ng minorya, at isa ang tumutol sa katauhan ni Presiding officer and Judge Sen. Chiz Escudero. At bilang pagkilala sa nasusulat sa ating saligang batas, ay hindi binago ang nakasaad dito, kung saan ay kinakailangan pa…
Read MoreAuthor: admin 3
BATAS NA MAHIRAP IPASA NG MGA DINASTIYA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPAPANAHON ang panawagan para sa isang tunay at epektibong batas laban sa political dynasties. Sa loob ng 39 taon mula nang pagtibayin ang 1987 Constitution, nananatiling walang malinaw na enabling law na magtatakda kung paano ipatutupad ang probisyong naglalayong pigilan ang monopolyo ng mga political clan sa kapangyarihan. Kaya mahalaga ang naging pahayag ng Supreme Court na dapat nang kumilos ang Kongreso upang tuparin ang mandatong ito. Ngunit hindi ito magiging madali. Ang pag-atas ng Korte Suprema sa Kongreso na magpasa ng anti-political dynasty law ay…
Read MoreKUMPANYA AT 14 INDIBIDWAL NA SANGKOT SA MISDECLARED AGRI PRODUCTS, KINASUHAN NG BOC!
TARGET ni KA REX CAYANONG MAHALAGA ang ginawang hakbang ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsasampa ng mga reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban sa 14 na indibidwal kaugnay ng umano’y misdeclared agricultural products. Hindi maliit na usapin ang ganitong kaso. Malaking halaga ng mga produktong agrikultura ang sangkot at maaari itong makaapekto sa patas na kalakalan at sa mga lehitimong negosyante. Ayon sa BOC, anim na shipments ang idineklarang “chicken lollipops,” ngunit sa inspeksyon ay natuklasang naglalaman ang mga ito ng 15,029 sako ng fresh white onions at…
Read MoreHABAGAT POSIBLENG PALAKASIN NG BAGYONG QUEENIE
BINABANTAYAN ngayon ng mga awtoridad ang posibleng epekto ng Tropical Storm “Queenie,” na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at maaaring magpalakas sa mga pag-ulang nararanasan dahil sa habagat at mga thunderstorm. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumasok sa PAR ang bagyo bandang alas-7 ng umaga nitong Huwebes. Ang bagyo, na may international name na “Surigae,” ay binigyan ng lokal na pangalang “Queenie” at ika-17 tropical cyclone na pumasok sa PAR ngayong taon. Batay sa…
Read More2 SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA MAGUINDANAO
PATAY ang dalawang sundalo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ayon sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang sundalo noong Miyerkoles dakong alas-6:10 ng gabi. Pagsapit sa Davao-Cotabato National Highway sa Barangay Ladia ay pinagbabaril ang mga biktima ng riding in tandem na sakay ng puting motorsiklo. Kaagad silang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center subalit idineklarang dead on arrival. Ang mga biktima ay may ranggong Private First Class at kapwa miyembro ng 7th Infantry Battalion ng 6th Infantry Division ng Philippine Army. Nakuha naman…
Read More4 HOLDAPER NG CONVENIENCE STORE TIKLO SA HOTEL
APAT na hinihinalang miyembro ng isang robbery group, kabilang ang isang AWOL na sundalo, ang naaresto sa isang hotel sa Catanauan, Quezon nitong madaling araw ng Huwebes, Setyembre 24. Ayon sa Catanauan Police Station, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang matanggap nila ang sumbong mula sa isang concerned citizen hinggil sa kahina-hinalang grupo ng mga lalaki sa isang hotel sa Barangay 8, at isa umano sa mga ito ang may dalang long firearm. Agad nagtungo sa hotel ang intelligence personnel ng Catanauan police at nakumpirmang may mga armadong lalaki nga…
Read MorePNP GAGAMIT NG RAPID ALERT SYSTEM SA MGA PAARALAN
PINAG-AARALAN ng Philippine National Police (PNP) ang nationwide adoption ng rapid alert system upang mapabilis ang pag-uulat at pagtugon sa mga emergency sa mga paaralan, kasunod ng mga naitalang insidente ng karahasan sa loob ng ilang paaralan. Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., pinag-aaralan ng pambansang pulisya ang institutionalization ng “Build Partnership. Early Detection. Swift Alert. Tactical Response” (B.E.S.T.) School Alert and Rapid Response System. “We are exploring the institutionalization of this rapid response system to further help us identify and respond to threats in schools, as…
Read MoreGIBO SA MGA NAGTATANGGOL SA CHINA: UNACCEPTABLE AND TREACHEROUS!
TINAWAG ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na “unacceptable” at “treacherous” ang pagtatanggol ng ilang Pilipino sa agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay DND Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., hindi katanggap-tanggap at maituturing na pagtataksil sa Republika ng Pilipinas ang pagkampi o pagbibigay-katwiran sa umano’y harassment ng China sa mga barko ng Pilipinas sa WPS. Kasunod ito ng insidenteng kinasangkutan ng China Coast Guard (CCG) vessel 21585 at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel BRP Datu Magat…
Read More2 KONEKTADO SA SCHOOL SHOOTING SA SOUTH COTABATO, ARESTADO
KINUMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na dalawang indibidwal na konektado sa magkakasunod na insidente ng school shooting ang kanilang naaresto, kabilang ang isang hinihinalang “groomer” na umano’y nang-eengganyo sa mga bata na gumawa ng karahasan. Sa pagdinig sa panukalang budget, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na isang indibidwal na konektado sa shooting incident sa isang paaralan sa South Cotabato ang nasakote ng kanilang mga tauhan. Kinumpirma rin ni Atty. Matibag na naaresto sa Cebu ang isang hinihinalang groomer na umano’y nanghihikayat sa mga bata na gumawa…
Read More