Sa Likod ng Bawat Sindi: PAGKILALA SA DALOY NG KURYENTE LEARNING SESSION AT FAMILIARIZATION TOUR SA MERALCO

Sa bawat pagsindi ng ilaw, pagbukas ng telebisyon, paggamit ng air conditioner, at pagpapatakbo ng mga makinang kailangan sa negosyo at industriya, may mahabang proseso ng paghahatid ng enerhiya na madalas ay hindi napapansin ng publiko. Sa likod ng mga simpleng gawaing ito ay ang masalimuot na sistema ng elektrisidad na nagsisiguro na patuloy na napagkakalooban ng kuryente ang mga tahanan, establisimyento, at iba’t ibang industriya. Ito ang isa sa mga mahahalagang kaalamang nabigyang-linaw sa isinagawang learning session at familiarization tour sa Manila Electric Company o Meralco Head Office sa…

Read More

MERALCO LAUNCHES ‘MAPANURING MERALCO’ MEDIA AND INFORMATION LITERACY INITIATIVE

ADVANCING MEDIA AND INFORMATION LITERACY.  Meralco kicked off the weeklong event by unveiling its exhibit “Mapanuring Meralco: Wired Through the Years” on October 27, 2026, at Meralco Operating Center, Pasig City. Seen in photo are (L-R) Meralco Vice President and Chief Information Security Officer Marilene P. Tayag, Vice President and Head of Corporate Governance and Compliance Office Atty. Jocelyn Villar-Altamira, Senior Vice President and Head of Internal Audit Melanie T. Oteyza, Executive Vice President and Chief Operating Officer Ronnie L. Aperocho, and Vice President and Head of Corporate Communications Joe…

Read More

DALAWANG MOTORCYCLE RIDER, PATAY SA SALPUKAN NG MOTORSIKLO SA PANGASINAN

NASAWI ang dalawang motorcycle rider habang malubhang nasugatan ang isang angkas matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Urdaneta City, Pangasinan, noong Undas. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang head-on collision bandang alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Manila North Road. Nasawi ang 55-anyos na rider mula Nueva Ecija na sakay ng Suzuki Raider 150 at ang 37-anyos na pintor mula Quezon City na nagmamaneho naman ng Honda Click 125i. Malubha namang nasugatan ang 35-anyos na babaeng canteen helper mula San Manuel, Pangasinan, na angkas ng rider ng Suzuki Raider.…

Read More

SUSPEK SA PAMAMARIL SA RADIO BROADCASTER SA ROXAS CITY, ARESTADO

TIMBOG ang itinuturong Top 2 Most Wanted Person sa Tapaz, Capiz na si alyas “Doming,” 42, na iniuugnay sa pamamaril sa isang radio broadcaster sa Roxas City. Kinilala ang biktima na si Jay “Papang Jay” Lavapiez, 48, news anchor at station manager ng Baskog Radyo, na nakaligtas sa insidente noong Hunyo 22, 2026. Ayon sa ulat, pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang salarin ang sasakyan ni Lavapiez habang patungo siya sa trabaho sa Crossing ng Costa Verde, Barangay Cagay, Roxas City. Hindi naman siya nasugatan. Naaresto si alyas “Doming” bandang alas-3:05…

Read More

MAHIGIT 2.5 MILYON, DUMALAW SA MGA SEMENTERYO SA METRO MANILA

UMAKYAT sa mahigit 2.5 milyon ang bilang ng mga bumisita sa mga sementeryo sa Metro Manila mula Oktubre 28 hanggang sa paggunita ng All Souls’ Day, dahilan upang manatiling nakaalerto ang mahigit 13,000 pulis sa rehiyon. Sa Manila North Cemetery, iniulat ni Director Daniel Tan na umabot sa 1,326,800 ang bilang ng mga bisita hanggang alas-7 ng gabi noong Nobyembre 1, araw ng Undas. Inaasahan pang tataas ang bilang dahil sa patuloy na pagdating ng mga bisita hanggang All Souls’ Day. Samantala, tinatayang 25,000 katao naman ang bumisita sa Manila…

Read More

DOLE HOTLINE 15/30, INILUNSAD PARA SA MGA MANGGAGAWANG PILIPINO

PORMAL nang inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Hotline 15/30 na bukas 24 oras, pitong araw sa isang linggo para sa mga katanungan at reklamo ng mga manggagawa. Ayon kay DOLE Secretary Francis N. Tolentino, tugon ang hotline sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas madaling ma-access at mas tumutugon ang mga serbisyo ng pamahalaan. Tinawag itong 15/30 bilang pagtukoy sa karaniwang araw ng sahod ng mga manggagawa tuwing ika-15 at ika-30 ng buwan. Saklaw ng hotline ang mga reklamo tungkol sa hindi…

Read More

MNLF ITINANGGING KINAKANLONG SI SEN. RONALD DELA ROSA

ITINANGGI ng Bangsamoro Moro National Liberation Front (MNLF) Information Committee na kinakanlong nito si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, kasunod ng mga ulat na nagtatago umano ang senador sa Mindanao sa tulong ng isang makapangyarihang armadong grupo. Ayon sa MNLF Information Committee, walang pormal na ugnayan sa pagitan ng senador at ng kanilang organisasyon. Nagbunsod ng espekulasyon ang mga ulat tungkol sa umano’y pagkakanlong kay Dela Rosa na maaaring MNLF ang tinutukoy na armadong grupo. Gayunman, nahahati sa iba’t ibang paksyon ang MNLF, kaya hindi malinaw kung ang pangkat na…

Read More

UNDAS GENERALLY PEACEFUL; PNP FULL ALERT PA RIN

MANANATILI sa Full Alert Status ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) hanggang alas-12:01 ng madaling-araw ng Nobyembre 3, kahit natapos na ang paggunita ng Undas. Iniulat ng PNP na tinaasan nito ang bilang ng mga naka-deploy na tauhan mula 141,172 hanggang 166,365 upang matiyak ang seguridad ng publiko sa panahon ng Undas. Binubuo ang kabuuang deployment ng 78,952 pulis, 20,837 personnel mula sa iba pang yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensya, gayundin ng…

Read More

U.S. President Trump inaasahang dadalo PNP PINAPLANTSA SEGURIDAD SA 49TH ASEAN SUMMIT

MATAPOS ang paghahanda ng Philippine National Police sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa All Saints Day at All Souls Day, nakatutok naman ngayon ang pambansang pulisya sa nakatakdang 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas bilang host at chair. Partikular na naatasan ng pamunuan ng PNP ang National Capital Region Police Office para maglatag ng security blanket sa kalakhang Maynila na inaasahang magaganap ang maraming aktibidad sa idaraos na pagtitipon ng mga lider sa Asya. Ayon kay PNP-NCRPO Spokesperson Lt. Col. Hazel Asilo, kasalukuyang isinasapinal ang preparasyon ng kanilang puwersa…

Read More