KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines na may namataang warship ng China na bumubuntot sa isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Pilipinas, United States at Japan sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Information Office chief Col. Xerxes Trinidad, minonitor nila ang presensya ng PLA Navy vessel na may bow number 174 sa paligid ng exercise area. Isinagawa ang apat na araw na joint drills mula Pebrero 23 hanggang 26 at ito ang unang pagkakataon na umabot sa katubigan ng hilagang Batanes ang MMCA. Sinabi ng AFP…
Read MoreAuthor: admin 3
P102-M KITA NG ADUANA SA DISCAYA CARS; LUXURY VEHICLES NI ZALDY CO, ISUSUBASTA RIN
UMABOT sa mahigit P102 milyon ang nalikom ng Bureau of Customs mula sa subasta ng mga luxury vehicles ng mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya na idinadawit sa multi-bilyong flood control controversy sa DPWH. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa transparency at pananagutan, siyam sa 13 nakumpiskang sasakyan ng mag-asawa ang naisalang sa subasta. Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ibinabalik sa Bureau of the Treasury ang pondo upang magamit sa mga programa ng pamahalaan. Sa 12 sasakyang inialok noong Pebrero 25, pito…
Read More’18 EX-SUNDALO’ SINISILIP NG NBI AT OMBUDSMAN
ISASAILALIM sa masusing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation at ng Office of the Ombudsman ang rebelasyon ng 18 nagpakilalang dating sundalo na umano’y tauhan ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago Matibag na iniimbestigahan na nila ang grupo matapos ang press conference kung saan nagbunyag ang mga ito ng seryosong akusasyon laban sa ilang opisyal at personalidad. Ayon kay Matibag, kailangang busisiin ang kredibilidad ng mga nagpakilalang ex-soldiers at alamin ang kanilang background upang matukoy ang bigat ng kanilang testimonya. “May epekto…
Read MorePNP SINISILIP KUNG MAY SINDIKATO SA LIKOD NG DAYUHANG GUN DEALERS
TINITINGNAN ng Philippine National Police kung may koneksyon sa mas malaking gun-running syndicate ang dalawang dayuhan na naaresto sa buy-bust operation sa Pasay City. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na ng masusing balidasyon ang intelligence units para matukoy kung bahagi ng sindikato ang dalawang suspek at kung sino pa ang kanilang kasabwat. Naaresto ang isang 39-anyos na Chinese national at isang 33-anyos na Taiwanese national sa operasyon ng CIDG-Southern Metro Manila District Field Unit sa loob ng isang restaurant sa J.W. Diokno Boulevard noong Pebrero…
Read MoreQC HALL OF JUSTICE BINULABOG NG BOMB THREAT
RUMESPONDE ang Quezon City Police District sa napaulat na bomb threat sa loob ng Quezon City Hall of Justice sa Brgy. Central, Quezon City nitong umaga ng Pebrero 27. Dakong 8:48 a.m., nakatanggap ng text message ang isang clerk-in-charge hinggil sa umano’y banta ng bomba. Agad na nagsagawa ng area monitoring ang Kamuning Police Station 10 habang nagpanel at sweeping operations ang QCPD Explosive Ordnance Disposal Unit. Bandang 11:05 a.m., idineklarang negatibo sa anomang pampasabog ang gusali matapos walang makitang mapanganib na materyales. Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Quezon City…
Read MoreVLOGGER NA SI NORMAN MANGUSIN NASA PARAÑAQUE CITY JAIL NA
INILIPAT na sa Parañaque City Jail ang vlogger na si Norman Mangusin alyas Francis Leo Marcos. Ayon kay CIDG-NCR chief P/Col. John Guiagui, nakatanggap sila ng commitment order para sa paglilipat dahil sa Parañaque nagmula ang orihinal na kaso. Aniya, awtomatikong naglalabas ng commitment order ang korte matapos maibalik ang warrant. Nilinaw rin ni Guiagui na walang kinalaman ang pulisya sa pagkalbo kay Mangusin, dahil bahagi umano ito ng patakaran sa mga bagong pasok na preso. Kinumpirma naman ni BJMP Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera na dakong alas-10:23 ng umaga nitong…
Read MoreP11K HONORARIA SA ANTIPOLO SPECIAL POLLS
TATANGGAP ng hanggang P12,000 ang mga Electoral Board (EB) chairperson habang P11,000 naman ang mga miyembro na magsisilbi sa special congressional elections sa ikalawang distrito ng Antipolo City sa Marso 14. Base ito sa Commission on Elections Resolution No. 11198. Bukod sa honoraria, may hindi bababa sa 10 araw na service credit ang mga EB chair at miyembro na empleyado ng gobyerno. Mayroon ding P5,000 death benefit at P200,000 medical assistance ang mga itatalaga sa special polls. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kapareho ang honoraria at benepisyo ng…
Read MoreNUMERO HINDI NAGTUTUGMA SA KWENTO NG ’18 EX-MARINES’
CLICKBAIT ni JO BARLIZO GINULAT ang publiko sa biglaang pag-eksena ng 18 na indibidwal na nagsasabing dati silang Marines habang abala ang lahat sa pagtutok sa pagdinig ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Mabigat ang akusasyon ng mga nagsabing sila’y dating sundalo. Naghatid daw kasi sila ng maleta-maleta ng pera sa ilang politiko kaugnay ng flood control projects mula 2023 hanggang 2025. Umabot daw sa P805 bilyon ang kabuuang halaga. Malalaking pangalan ang nadawit. Pero kasunod ng kanilang rebelasyon ang pag-usbong ng kaliwa’t kanang tanong.…
Read MoreSEN. MARCOLETA, MAG-SORRY NA LANG KAYSA IPABURA ‘MINUTES OF THE MEETING’
RAPIDO ni PATRICK TULFO PINABUBURA ni Sen. Rodante Marcoleta sa minutes of the meeting sa Senado, ang sinabi niya noong Feb. 04, 2026 na i-give up na lang ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group. Ito ay sa kasagsagan ng paggisa ng senador kay Commodore Jay Tristan Tarriela kaugnay sa umiinit na tensyon sa West Philippine Sea. Gusto ni Sen. Marcoleta na palitan ang kanyang sinabi sa nasabing pagdinig dahil hindi raw iyon ang eksaktong ibig niyang sabihin. Gasgas man at paulit-ulit ang katagang “Bago ka magsalita ay pag-isipan munang maigi,”…
Read More