IPINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema ang paglalabas ng ruling kaugnay ng petisyong kumukuwestiyon sa pakikipagtulungan ng administrasyon sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Paglilinaw ito ng DOJ matapos ilabas ng ICC ang mga pangalan ng umano’y co-perpetrators ng dating pangulo sa kontrobersyal na war on drugs. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sakaling maglabas ng arrest warrant laban sa mga nabanggit na indibidwal, hihintayin muna ng kagawaran ang magiging pasya ng Korte Suprema bago ito aksyunan. Nilinaw ni…
Read MoreAuthor: admin 3
‘MENTAL HEALTH OFFICER ACT’ ISINULONG SA SENADO
ISANG Mental Health Officer (MHO) sa bawat lungsod at munisipalidad. Ito ang laman ng Senate Bill No. 1760 o “Mental Health Officer Act” na inihain ni millennial senator at pinakabatang miyembro ng 20th Congress na si Camille Villar. “Hindi na natin maaaring balewalain ang tahimik na pagdurusa ng milyun-milyong Pilipino. Ang mental health ay isang pangunahing karapatan,” pahayag ni Villar. Ayon sa senador, hindi sapat ang awareness campaign. Kailangan aniya ng konkretong aksyon na nakatuon mismo sa komunidad. Sa ilalim ng panukala, oobligahin ang lahat ng local government units (LGUs)…
Read MoreBANGKAY SA SAKO, ITINAPON SA BALON
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay na nakalagay sako at inihulog sa balon sa bayan ng Magallanes sa lalawigan noong Martes ng hapon. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng itim na jogger pants. Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng hapon nang matagpuang ang bangkay ng lalaki malapit sa isang creek sa Sitio Kay-Tigbak sa Brgy. San Agustin, Magallanes, Cavite ng isang Salsutino Granados Abellera. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, isinilid ang katawan nito sa dalawang sako at itinapon sa isang balon nasabing…
Read MoreLALAKING GALING SA TAGAYAN, NATAGPUANG PATAY SA IRIGASYON
CAVITE – Hinihinalang nalunod dahil sa kalasingan ang isang lalaki na natagpuang patay sa kanal ng isang irigasyon, makaraang maglakad pauwi matapos nakipag-inuman sa Gen. Trias City noong Martes ng hapon. Pinaniniwalaang may isang araw nang patay ang biktimang si alyas “Ruben”, na natagpuang nakalutang sa kanal ng isang irigasyon sa Talon Irrigation Canal sa Sitio Manggahan, Brgy. Pasong Camachile 1, Gen Trias City, Cavite. Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan noong Lunes ng gabi at bandang alas-9:00 ng gabi nang makitang naglalakad…
Read MoreOSG PINABABASURA SA SC HABEAS CORPUS PARA KAY DUTERTE
NAGHAIN ng memorandum ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na hinihiling na ibasura ang petition for writ of habeas corpus na inihain ng mga anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang petisyon ay inihain nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Acting Mayor Sebastian Duterte at Veronica “Kitty” Duterte para sa agarang paglaya ng kanilang ama. Sa tatlong pahinang memorandum, inilatag ng OSG ang tatlong pangunahing argumento: Una, wala na umano sa hurisdiksyon ng Pilipinas ang dating pangulo kaya hindi na maipatutupad ang anomang writ na ilalabas.…
Read More‘FREE ELECTRICITY’ ITINULAK SA KAMARA
KUNG hindi lalampas sa P2,000 ang buwanang bill mo sa kuryente, posible kang mag-zero balance. Ito ang layunin ng House Bill 2700 o “Free Electricity for Low-Consumption Households Act” na inihain ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. Sa ilalim ng panukala, ang mga kabahayang kumokonsumo ng hanggang 135 kWh kada buwan ay mabibigyan ng libreng kuryente sa pamamagitan ng Direct Government Subsidy. “This bill seeks to institutionalize a Direct Government Subsidy for low-consumption households… phasing out the current system of cross-subsidization,” ani Marcos. Sa kasalukuyan, ang subsidy para sa indigent…
Read MoreLOG OUT MUNA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA totoo lang, aminin na natin, majority sa atin ngayon ang parang built-in na sa katawan ang cellphone. Mula pagkagising hanggang pagtulog sige sa pag-scroll. Kaya naman, napaka-timely at “on point” ng panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na subukan ang “digital media fasting” ngayong Kuwaresma. Tradisyonal nating iniuugnay ang pag-aayuno sa pagbabawas ng pagkain, pag-iwas sa karne, o pagtitimpi sa mga luho. Ngunit sa modernong panahon, ang pinakamalakas nating “konsumo” ay hindi na lamang pagkain kundi impormasyon. Bawat segundo, binabaha tayo ng…
Read MoreSK CHAIRMAN KA, KAYA DAPAT ALAM ANG LIMITASYON NG AKSYON
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NASUSUKAT ang liderato hindi lang sa malalaking proyekto kundi sa maliliit na kilos. Doon madalas lumilitaw ang tunay na pag-uugali ng isang tao. Kaya naging malaking bagay ang viral na video ng isang Sangguniang Kabataan chairman sa Sta. Cruz, Laguna na makikitang pinipisil at hinahawakan ang siopao at hotdog sa loob ng isang convenience store bago bumili. Sa unang tingin, parang simpleng pag-check lang kung mainit pa ang pagkain. Pero habang pinanonood mo ang video, maiisip mo agad ang mas malaking tanong. Paano kung…
Read MorePORMAHAN NA PARA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION
PUNA ni JOEL O. AMONGO BAGAMA’T dalawang taon pa bago dumating ang 2028 Presidential Election, ngayon pa lang ay nagpopormahan na ang mga politikong nais tumakbong presidente. Kabilang sa lumutang na mga pangalan ay sina Naga City Mayor Leni Robredo, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Raffy Tulfo at Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla. Minsan na rin pinalutang ang pangalan ni Irene Marcos na kapatid ni BBM. Posibleng pagpiliang mamanukin ng BBM admin sina Irene Marcos, Sec. Remulla at Sen. Tulfo. Maaaring magsanib-pwersa naman sina Hontiveros…
Read More