WALANG PLANO BUHAYIN SI BATO

Syanong Detektib Ni Papa S. Lucio KUNG pagbabatayan ang mga tinuran kamakailan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, dapat galingan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagtatago para makaiwas sa isang senaryo. Ayon kay Matibag, armed and dangerous ang senador na target ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC). Sa isang banda, pwede naman totoo ang sinabi niya lalo pa’t dating pulis si Dela Rosa. Pwede rin naman gamiting entablado ni Matibag ang pagiging retiradong pulis ni Dela Rosa para sa isang kapana-panabik…

Read More

Sobrang Pamumulitika, Nagpapalubog sa Pilipinas

AT YOUR SERVICE Ni Ka Francis SA halip na magkaisa para sa kapakanan ng sambayanan, tila mas inuuna ngayon ng maraming politiko ang kani-kanilang interes at ambisyon. Habang naghihirap ang mga ordinaryong Pilipino dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, kawalan ng sapat na trabaho, at lumalalang kahirapan, ang sentro ng usapan sa gobyerno ay bangayan, siraan, at pamumulitika. Ang tunay na serbisyo publiko ay natatabunan ng ingay ng pulitika. Hindi maikakaila na bahagi ng demokrasya ang pagkakaroon ng oposisyon at magkakaibang pananaw. Ngunit iba ang healthy debate sa…

Read More

SAFETY AND HEALTH STANDARDS SA GUMUHONG GUSALI PINABUBUSISI

PINABUBUSISI ni Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment ang naging pagtugon ng construction company sa occupational safety at health standards sa gumuhong itinatayong gusali sa Angeles City, Pampanga. Sinabi ni Villanueva, dapat isagawa ang imbestigasyon kasabay ng nagpapatuloy na rescue operations. Nagpasalamat naman ang senador sa lahat ng mga kawani at ahensya ng gobyerno na patuloy na nagsusumikap na hanapin ang mga natitirang manggagawa na naipit sa gumuhong gusali. Nabatid ng senador na nagkaroon ng inspeksyon noong Setyembre ng nakaraang taon, at ipinatigil ng DOLE ang paggawa…

Read More

DEATH TOLL SA NAG-COLLAPSE NA GUSALI 4 NA, 17 MISSING

HANGGANG kahapon ay nagkukumahog ang mga search and rescue team sa paghahanap ng mga posibleng buhay pa sa ilalim ng guho ng itinatayong hotel sa Angeles City, kasunod ng ulat na may 17 pang construction workers ang nawawala at hinihinalang natabunan ng nag-collapse na gusali. Sinasabing umakyat sa apat ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali habang 17 katao pa ang pinaniniwalaang missing, ayon sa mga awtoridad. Habang sa ibinahaging update ng National Disaster Risk Reduction Management Council: “As per reports from OCD III, a total of 47 individuals…

Read More

NAGSUKO NG P34-M COCAINE, MAGSASAKA TUMANGGAP NG P100K PABUYA

PINAGKALOOBAN ng P100,000 na pabuya ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang isang mangingisda sa bayan ng Patnanungan, matapos nitong boluntaryong isuko sa mga awtoridad ang mahigit P34.5 milyong halaga ng cocaine na natagpuan sa baybayin ng Barangay Busdak. Kinilala ni Quezon Governor Angelina Tan ang katapatan at integridad ng mangingisda na sa halip na matukso sa malaking halaga ng droga ay piniling i-report ito sa pulisya. Ayon naman kay Quezon PD PCol. Romulo Albacea, posibleng mula sa ibang bansa ang nasabing cocaine na inanod lamang ng malalakas na alon patungo…

Read More

P115.6-M YOSI NASABAT NG BOC SA CEBU

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs o BOC-Port of Cebu at Philippine Coast Guard Intelligence Group-Central Visayas ang tinatayang P115.6 milyong halaga ng ilegal na sigarilyo sa isinagawang operasyon nitong Mayo. Sa ilalim ng pamumuno ni Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, sinuri ng mga awtoridad noong Mayo 11 ang dalawang container van na naglalaman ng mahigit 1,400 master cases ng hinihinalang smuggled cigarettes, kabilang ang Modern at Nise Baisha brands. Ayon sa BOC, aabot sa mahigit 14 na milyong stick ng sigarilyo ang laman ng nasabing…

Read More

4 PATAY SA RATRAT SA PIYESTA SA ISABELA

PATAY ang apat na indibidwal makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang nagdiriwang ng pista sa San Rafael Abajo, Sto. Tomas, Isabela. Ayon sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, kabilang sa mga napatay sina Brgy. Captain Jimmy Paeste at PCorporal Frederick Bautista na nakatalaga sa Sto. Tomas MPS, at dalawang iba pa. Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon, habang nakaupo ang mga biktima dakong alas-7:50 ng gabi, bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng hindi pa kilalang mga armadong kalalakihan. Ang mga biktima ay pawang may mga tama ng bala…

Read More

EX-SEN. TOLENTINO BAGONG DOLE SECRETARY

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Senador Francis Tolentino bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment. Bumaba sa puwesto si DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, 75-anyos, dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan. “Dahil po sa kanyang health condition. Kaya po kailangan po na magkaroon at magtalaga ng acting labor secretary,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang. Nang tanungin naman kung bibigyan pa ng ibang posisyon si Laguesma, sinabi ni Castro na hindi niya maaaring pangunahan ang…

Read More

P1,500 MONTHLY SUBSIDY SA MINIMUM WAGE EARNERS, MULING IGINIIT

MULING iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian ang kanyang panawagan para sa P1,500 buwanang subsidiya para sa humigit-kumulang 5 milyong minimum wage earners kasunod ng mabilis na pagtaas ng inflation noong nakaraang buwan, mas mabagal na paglago ng ekonomiya sa unang quarter ng taon, at ang inaasahang patuloy na pagtaas ng inflation. “Baka makalimutan natin, nasa krisis pa rin ang bansa sa gitna ng lahat ng ingay sa pulitika. Ang ating mamamayan, partikular ang mga bulnerableng sektor, ay nagdurusa sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at nangangailangan ng kaunting…

Read More