OPOSISYON SA SOCOTECO II–IGNITE POWER JV, LUMALAKAS Mga isyu dapat sagutin; plebisito huwag madaliin

LALONG lumalawak ang panawagan para sa mas malinaw at transparent na proseso sa proposed joint venture agreement (JVA) ng SOCOTECO II at Ignite Power, habang sunod-sunod na grupo ang humihiling na sagutin muna ang mga kuwestiyon ukol sa kasunduan. Mula sa Simbahan at academe hanggang sa youth, civic at consumer groups, umaalingawngaw ang panawagan para sa mas malawak na konsultasyon at kumpletong impormasyon bago magpasya ang mga member-consumer-owners (MCOs) kung susuportahan ang naturang JVA. Tinatayang 5,000 hanggang 7,000 katao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang lumahok kamakailan sa…

Read More

MATUGAS: DAPAT IPAKITA NG PROJECT RECORDS KUNG SINO AKTUWAL NA HUMAWAK SA ROAD PROJECT

INIHAYAG ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas na dapat malinaw na maipakita ng kumpletong records ng Mahayhay-Tuburan Road project kung sino ang aktuwal na lumahok sa pagpili ng contractor, pagpapatupad ng proyekto, pag-certify ng accomplishment nito, at pagproseso ng mga bayad. Ang pahayag ay kasunod ng pinakahuling press briefing ng Office of the Ombudsman noong Biyernes ng hapon, kung saan tinalakay ang nakabinbing preliminary investigation na kinasasangkutan ni Matugas at ng kanyang anak na si dating congressman Francisco “Bingo” Matugas II kaugnay ng road project sa…

Read More

BAHAY, PAARALAN, KINABUKASAN – ISKO ISTAYL!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI lamang basta pagtatayo ng mga gusali ang usapin ng pabahay. Para kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, ang tunay na hamon ay kung paano bibigyan ng sariling tahanan, dignidad at seguridad ang mga pamilyang matagal nang nakikipagsapalaran sa masisikip at hindi tiyak na tirahan. Kaya naman kapansin-pansin ang bagong hakbang ng pamahalaang lungsod ng Maynila kasama ang Land Bank of the Philippines. Noong Setyembre 16, nilagdaan nina Yorme Isko at LandBank Vice President at Chief Trust Officer Atty. Mario Sabino Jr. ang…

Read More

TAMA LANG NA LINAWIN ANG RULES BAGO ANG FINAL VOTE

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY isang bagay na naging klaro noong unang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayaw ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na ang usapin tungkol sa bilang ng boto ay maging problema pa pagkatapos ng final verdict. Sa simula pa lamang ng paglilitis, nag-rule si Chiz na 16 votes ang kailangan para sa conviction, batay na rin sa two-thirds ng 24-member Senate. Hindi ito simpleng procedural detail. Mahalaga ang bilang dahil dito nakasalalay kung paano babasahin ang magiging resulta ng impeachment trial. Kaya…

Read More

KAWANI NG BOC NA INIIMBESTIGAHAN TULOY PA RIN SA TRABAHO

LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS INIHAYAG ni Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na walang “sacred cows” hinggil sa isinasagawang imbestigasyon nito laban sa ilang mga opisyal at kawani ng ahensya na sangkot umano sa mga ilegal na gawain. Tiniyak ni Nepomuceno sa publiko na ang lahat ng mga alegasyon ay pagtutuunan ng pansin at bubusisiin. Aniya, ang sinomang mapatutunayang lumabag sa batas ayon sa mga ebidensya, ay tiyak na maparurusahan, alinsunod sa nakasaad sa batas. “We assure the public that every credible allegation will be given due attention and…

Read More

PANANAGUTAN AT PROTEKSYON SA MGA BENEPISYARYO, ISINUSULONG NI PHILRECA REP. PRESLEY DE JESUS

TARGET ni KA REX CAYANONG ANG pagtalakay sa badyet ay hindi lamang tungkol sa mga numero. Ito ay tungkol sa kung paano ginagamit ang pondo ng bayan at kung sino ang tunay na nakikinabang dito. Sa budget interpellations, kabilang sa mga isyung binigyang-pansin ni PHILRECA Party-List Rep. Presley De Jesus ang flagship 4PH Program ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang 4PH dahil nakasalalay rito ang pabahay ng maraming pamilyang nangangailangan ng ligtas at abot-kayang tirahan. Ayon sa datos na inilahad, nasa…

Read More

PAGRESOLBA SA BAHA TINALAKAY NG DPWH, BULACAN OFFICIALS

BUMISITA si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vivencio Dizon sa lalawigan ng Bulacan at nakipagpulong kay Governor Daniel R. Fernando kasama ang mga representante ng bawat distrito, municipal at city mayors, upang talakayin ang mga pangunahing solusyon sa malawakang pagbaha sa probinsiya, na ginanap sa Francisco Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Biyernes. Sa isinagawang video presentation tungkol sa usaping pagbaha sa probinsiya, inilahad ni Manuel M. Lukban, Jr., hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang mga kondisyon sa mga…

Read More

6 KATAO NAG-1-2-3 SA SARIAYA BEACH RESORT, KALABOSO

ANIM na lalaki ang inaresto ng mga pulis matapos umanong gumamit ng pekeng resibo bilang patunay ng bayad sa isang hotel at resort sa Barangay Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon. Ayon sa pulisya, dumating ang pangunahing suspek na si alyas “JR” sa resort noong madaling araw ng Miyerkoles, Setyembre 16, upang magtanong tungkol sa kuwarto at bumalik dakong alas-4 ng hapon para mag-check in. Ipinakita umano nito sa resort ang transaction receipt sa kanyang cellphone na nagsasabing nakapagbayad na siya para sa dalawang araw na accommodation, bago dumating at nag-check in…

Read More

‘TSISMOSA’ TINARAKAN NG KAPITBAHAY, PATAY

PATAY ang isang ginang makaraang pagsasaksakin ng kapitbahay dahil umano sa pagkakalat ng maling impormasyon sa Sitio Malabon, Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Maria”, namatay makaraang saksakin ng suspek na si alyas “Metadio”, magkapitbahay sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, bumibili ng pagkain ang biktima bandang alas-7:30 ng gabi malapit sa kanilang bahay nang lapitan siya ng suspek at komprontahin hinggil umano sa pagkakakat ng tsismis at maling impormasyon laban sa huli. Nauwi ang komprontahan sa mainitang pagtatalo…

Read More