ERWIN TULFO SA MV JUNE ASTER: MGA BIKTIMA ‘WAG ABANDONAHIN

HINIMOK ni Senador Erwin Tulfo ang pamahalaan na bilisan ang aksyon upang matiyak ang maayos na pagbibigay ng danyos sa mga biktima ng trahedya sa M/V June Aster, ang passenger ferry na nasunog sa Coron, Palawan noong Setyembre 9. Umabot sa 77 ang nasawi habang walo ang nawawala sa insidente, na tinukoy ni Tulfo bilang isa sa pinakamalalang maritime tragedies sa bansa nitong mga nakaraang taon. “Nakakakilabot at napakasakit po ng nangyaring ito. Hindi tayo pwedeng manahimik lang at pabayaan ang mga naulilang pamilya at ang mga survivors na labis…

Read More

GOTYME BANK MAGPAPAUWI NG MGA OFW PARA SA KAPASKUHAN

MAGBIBIGAY ang GoTyme Bank ng pagkakataon sa mga customer nitong manalo ng round-trip flights at cash prizes sa pamamagitan ng pagpapadala o pagtanggap ng international remittances gamit ang GoTyme Bank app. Sa pakikipagtulungan sa Cebu Pacific at TapTap Send, inilunsad ng GoTyme Bank ang “It’s Tyme to Be Together” campaign na naglalayong mapalapit ang mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakataong makauwi ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong holiday season. Bilang bahagi ng pagpapalakas ng inward at outward international remittance services…

Read More

KAMARA KIKILOS PARA PALAKASIN ANG SCHOOL SAFETY, KONTROL SA BARIL

NAGHAIN sina House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ng panukalang batas na naglalayong higpitan ang pagmamay-ari at ligtas na pag-iingat ng mga baril kasunod ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato. Layunin ng House Bill No. 11387 o Responsible Firearm Ownership and Safe Storage Act na pigilan ang mga menor de edad at iba pang hindi awtorisadong tao na magkaroon ng access sa mga baril. Ayon kay Speaker Dy, bahagi ito ng mga agarang hakbang ng Kamara upang palakasin…

Read More

TRANSPARENCY PORTAL NG SK MATANDANG BALARA, INILUNSAD

(SK Chairperson Leonora Belle Aro) INILUNSAD ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara (SKMB) sa Quezon City ang isang transparency portal na naglalaman ng detalye ng kanilang budget allocation at mga gastusin upang masubaybayan ng publiko ang paggamit ng pondo anumang oras. Ang portal na tinawag na “Budget ng Kabataan: SKMB Transparency Portal: Buwis Mo, Bukas sa Publiko” ay ipinakilala sa isinagawang State of the Youth Address (SOYA) ng SKMB noong Setyembre 19 sa harap ng daan-daang kabataan ng barangay. Ayon kay SKMB Chairperson Marie Leonora Belle Aro, bahagi ito ng…

Read More

OFWs HINIKAYAT NA IKONSIDERA AGRIBUSINESS SA PAG-UWI

ITINUTURING ng Department of Agriculture (DA) ang agribusiness bilang potensyal na oportunidad sa pamumuhunan at kabuhayan para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naghahandang umuwi sa Pilipinas, kasabay ng pagpapakilala sa kanila ng mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka. Sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS), nagsagawa ang DA ng Usapang Agribiz forum noong Setyembre 13 sa Alagang OWWA Serbisyo Caravan sa Marronnier Park sa Seoul, South Korea, na sinundan ng pagbisita sa mga teknolohiyang pangsakahan sa Wanju County noong Setyembre 14. Pinangunahan ang aktibidad nina DA Assistant…

Read More

EU NAGKALOOB NG €150,000 AYUDA SA MGA BIKTIMA NG HABAGAT

NAGKALOOB ang European Union (EU) ng €150,000 o humigit-kumulang ₱10.9 milyon na humanitarian aid para sa mga biktima ng malawakang pagbaha dulot ng habagat at mga nagdaang bagyo sa Luzon. Ipamamahagi ang tulong sa pamamagitan ng Philippine Red Cross (PRC), na inaasahang makatutulong sa mahigit 32,000 katao sa mga pinakaapektadong lugar sa Ilocos Region, Central Luzon at Metro Manila. Kabilang sa mga ipamamahaging pangunahing suplay ang sleeping kits, water containers at hygiene items para sa mga pamilyang inilikas. Maglalaan din ng hot meals at malinis na inuming tubig sa mga…

Read More

BOC AT BI, BUMUO NG JOINT SOP PARA SA COORDINATED BORDER OPERATIONS

SUMAILALIM sa kauna-unahang magkasanib na pagsasanay ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI) bilang bahagi ng BOC-BI Coordinated Border Operations Training na naglalayong palakasin ang seguridad sa mga border ng bansa at paigtingin ang koordinasyon ng dalawang ahensya. Layunin ng programa na mapahusay ang kaalaman at kakayahan ng mga tauhan ng BOC at BI hinggil sa mga batas ng Customs at Immigration, operational procedures at risk management. Tinalakay sa pagsasanay ang risk assessment, intelligence sharing, watchlist verification at tamang proseso ng referral para sa mas epektibong pagbabantay…

Read More

FORGOTTEN ISLAND NG DREAMWORKS, ITINAMPOK ANG MITOLOHIYA AT KUWENTONG PILIPINO

NAGKAROON ng espesyal na palabas ang Forgotten Island ng DreamWorks Animation sa SM Aura Cinemas sa Taguig City noong Biyernes, Setyembre 18, 2026, na nagtatampok ng mga mitolohiya at kwentong hango sa kulturang Pilipino sa Hollywood animated screen. Boses ni aktres Liza Soberano si Raissa, kasama ang mga internasyonal na artista na sina Lea Salonga, Manny Jacinto, Dolly de Leon at Jo Koy. Sinusundan ng pelikula ang magkaibigang sina Jo at Raissa sa kanilang pagpasok sa Nakali, isang mahiwagang isla na tinitirhan ng mga mitikal na nilalang na hango sa…

Read More