MARCOLETA, DEFENSOR ARESTADO SA PLUNDER CASE

(JESSE RUIZ/JULIET PACOT) PORMAL nang inaresto ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Senador Rodante Marcoleta matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Third Division kaugnay ng kinahaharap nitong non-bailable plunder case. Kinumpirma ni Sandiganbayan Third Division Associate Justice Karl Miranda na inilabas ang warrant matapos makita ng korte ang probable cause sa kasong isinampa ng Office of the Ombudsman. Ayon sa reklamo, hindi umano idineklara ni Marcoleta ang P75 milyong campaign donations sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) at Statement of Assets, Liabilities…

Read More

Sa National Nutrition Month 2026 SAKSI NGAYON FEEDING PROGRAM, NAGHATID NG PAG-ASA AT KASIYAHAN

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026, matagumpay na isinagawa ng SAKSI NGAYON ang isang makabuluhang Feeding Program Activity noong Hulyo 4, 2026 sa Scout Torillo Street, Brgy. Sacred Heart, Quezon City. Ang programa ay isinagawa sa ilalim ng temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan,” na naglalayong isulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan bilang pundasyon ng malusog na pamayanan. Masayang sinalubong ng mga bata ang mga volunteer at organizers ng SAKSI NGAYON na naghanda ng masusustansiyang pagkain. Makikita sa kanilang mga ngiti at sigla…

Read More

HINDI YAYA ANG SOCIAL MEDIA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NOONG unang panahon, ang madalas na bilin ng mga magulang sa kanilang anak ay huwag makipag-usap sa estranghero. Pero ngayon, tila binaligtad ng teknolohiya ang sitwasyon. Ang estranghero na mismo ang pumapasok sa bahay—sa pamamagitan ng cellphone, tablet, at computer. Ito ang dahilan kung bakit makatuwiran at napapanahon ang panawagan ng Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics na bantayang mabuti ng mga magulang at guardian ang paggamit ng social media ng mga menor de edad. Mas matindi ito sa simpleng usapin ng screen time dahil…

Read More

Yorme Isko: ‘Di lang salita, serbisyo ang sukatan

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA pulitika, uso ang magaling magsalita. Kapag eleksyon, halos lahat ay kayang mangako. Lahat ay may magandang plano. Lahat ay may magarbong presentasyon. Ngunit pag-upo sa puwesto, marami ang nauuwi sa “drawing.” Kaya sa pamamahala, hindi sapat ang magaling magsalita. Ang mahalaga ay kung may maipakikitang resulta. Ito marahil ang mensaheng nais ipaabot ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa kanyang State of the City Address (SOCA) noong Hunyo 24 sa Quirino Grandstand sa Luneta. Mahigit isang oras na iniulat ni Yorme ang…

Read More

ISANG TAON NG PEOPLE’S DAY SA PATEROS: PAMAHALAANG NAKIKINIG, PAMAHALAANG KUMIKILOS

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI nasusukat ang mahusay na pamamahala sa dami ng pangako, kundi sa lawak ng serbisyong tunay na nararamdaman ng mamamayan. Sa loob ng isang taon, napatunayan ng People’s Day na ang bukas na pintuan ng pamahalaan ay nagiging daan upang marinig ang bawat tinig ng taga-Pateros. Sa pangunguna ni Mayor Gerald German, naging mahalagang tulay ang programang ito sa pagitan ng pamahalaan at ng komunidad. Bawat Lunes ay naging pagkakataon upang mailapit ang mga suliranin, pangangailangan, at mungkahi ng mamamayan nang direkta sa kanilang lokal…

Read More

SEGURIDAD NG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA NAKALATAG NA

PLANTSADO na ng Philippine National Police (PNP) ang security preparations para sa pagbubukas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes sa Senado. Bago ang pagsisimula ng paglilitis, nagsagawa ng security inspection ang Senate Sergeant-at-Arms at PNP sa buong Senate complex bilang bahagi ng inilatag na security blanket. Pinangunahan ang inspeksyon nina Senate Sergeant-at-Arms at retired Police Major General Alfred Sotto Corpuz kasama ang mga opisyal ng PNP Police Security and Protection Group (PSPG). Nagdeploy na rin ang PNP ng karagdagang mga pulis sa paligid ng Senado upang…

Read More

BAM PABOR ISAPUBLIKO LAHAT NG EBIDENSIYA SA VPSD IMPEACHMENT

IGINIIT ni Senador Bam Aquino na dapat isapubliko ang lahat ng ebidensiyang ihaharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sinabi ni Aquino na maghahain siya ng mosyon sa unang linggo ng paglilitis upang hilingin na ilabas sa publiko ang lahat ng ebidensiyang ihaharap sa impeachment court. “Sa unang linggo, magpa-file po tayo ng motion to release all presented evidence to the public,” ani Aquino. Ayon sa senador, mahalagang malaman ng taumbayan ang lahat ng detalye ng paglilitis habang dinidinig ng mga senator-judges ang impeachment case laban sa Bise…

Read More

ESTUDYANTENG NAGLIGTAS SA 2 BATANG NALUNOD, BINIGYAN NG SCHOLARSHIP

ISANG kabayanihan ang hindi pinalampas na kilalanin ng isang paaralan sa Lucena City. Ginawaran ng Inter Global College Foundation Inc. (IGCFI) ng full scholarship ang dating Marine transportation student nitong si Cadet Von Untalan bilang pagkilala sa kanyang katapangan matapos mailigtas ang dalawang batang muntik nang malunod sa baybayin ng Catanauan, Quezon. Nauna nang naging laman ng balita ang insidente nang magsagawa si Von ng cardiopulmonary resuscitation o CPR sa isa sa mga batang nawalan ng malay matapos malunod. Dahil sa mabilis niyang pagresponde at tamang kaalaman sa lifesaving procedures,…

Read More

2 LALAKI SUGATAN SA PAMAMARIL SA CAVITE

TINUTUGIS ng pulisya ang suspek sa pamamaril sa dalawang kalalakihan sa Noveleta, Cavite Sabado ng gabi. Kapwa nilalapatan ng lunas sa magkahiwalay na ospital ang mga biktimang si alyas “Sebidio”, 40, at alyas “Prince”, 25, dahil sa tama ng bala sa katawan mula sa pamamaril ng suspek na si alyas “Jeric”. Ayon sa ulat Noveleta Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Sta Rosa 1, Noveleta, Cavite bandang alas-11:47 ng gabi. Mabilis na nagresponde ang pulisya at naabutan ang mga biktimang may…

Read More