LALAKING NANISID NG TALABA, PATAY

WALA nang buhay ang isang 56-anyos na lalaki nang iahon matapos sumisid upang kumuha ng pang-ulam at pangbentang talaba sa Kawit, Cavite noong Lunes ng hapon. Dineretso ang biktimang si alyas “Alejandro”, may asawa, ng Brgy. Toclong, Kawit, Cavite, sa isang punerarya matapos ideklarang wala nang pintig ang kanyang pulso ng nagrespondeng mga tauhan ng MDRRMO ng Kawit, Cavite Ayon sa ulat, sumisid ang biktima upang kumuha ng mga talaba sa Tulay Malamok sa Tirona Highway, Brgy. Kanluran, Kawit, Cavite, bandang alas-2:00 ng hapon pero hindi na ito lumutang. Sinisid…

Read More

MERALCO 24/7 NA NAGTATRABAHO PARA MAIBALIK ANG SERBISYO NG KURYENTE SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG HABAGAT

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na walang tigil ang pagtatrabaho ng mga crew at personnel ng kumpanya para ligtas na maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Habagat. Makikita sa larawan ang mga crew ng Meralco na nagsasaayos ng mga pasilidad ng kuryente sa Meycauayan, Bulacan. “Nagpapasalamat kami sa aming mga customer sa kanilang pang-unawa at tulong na maiparating sa amin ang mga alalahanin sa serbisyo ng kuryente para mabilis namin itong maaksyunan. Makakaasa ang aming mga customer na hindi titigil ang aming mga…

Read More

NASAAN NGA BA SI BATO?

Kurdapyo ni Toto Nabaja NAG-VIRAL sa social media ang umano’y pagkakaaresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa kamakailan. Agad naman itong itinanggi ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) at nilinaw na wala silang hawak na anomang lehitimong impormasyon sa kumalat na balita. Sa kabila nito, hindi pa rin naawat ang samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizen, may mga natuwa at may mga nangamba, baka raw kasi isinisikreto lang at itinatago si Sen. Bato sabay biyahe sa The Hague. Aray naku! Pakak!…

Read More

HABANG BUMABAHA, GALIT NA GALIT ANG MGA PINOY SA MGA POLITIKONG MAGNANAKAW

PUNA ni JOEL O. AMONGO MULING nagngingitngit sa galit ang maraming Pilipino habang walang humpay ang pag-ulan at sunod-sunod na pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan. Sa bawat kalsadang nilulubog ng baha, bawat tahanang pinapasok ng tubig, at bawat pamilyang napipilitang lumikas, muling bumabalik ang isang tanong: Nasaan ang mga proyektong dapat sana’y pumipigil sa ganitong kalaking pagbaha? Taon-taon ay bilyun-bilyong piso ang inilalaan ng pamahalaan para sa mga flood control at iba pang imprastrakturang pangontra sa baha. Ngunit sa tuwing dumarating ang malalakas na…

Read More

4 Dating Sundalo Umatras sa Testimonya: Takot o Binayaran?

At Your Service Ni Ka Francis MULING umiinit ang kontrobersiya sa imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa flood control projects matapos umatras sa kanilang mga naunang testimonya ang apat na dating sundalo. Ayon sa kanilang mga pahayag, ang kanilang pagbaligtad ay may kaugnayan sa mga kasong isinampa laban sa kanila at umano’y mga pananakot na kanilang natanggap. Ngunit sa halip na matapos ang usapin, lalo lamang itong nagbukas ng mas mabibigat na tanong: Ano ba talaga ang nangyari sa likod ng kanilang pag-atras? Sa isang banda, may karapatan ang sinomang…

Read More

P11.6-M HALAGANG SHABU, NASAMSAM NG BOC SA PORT OF CLARK

TINATAYANG P11.6 milyong halaga ng shabu na itinago sa mga piyesa ng sasakyan ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC)–Port of Clark sa pakikipag-ugnayan sa Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs. Ayon sa BOC, ang kargamento mula South Africa na nakatakdang ihatid sa Angeles City, Pampanga ay naglalaman ng 1,706 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu. Nadiskubre ang kontrabando matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe ang shipment sa X-ray Inspection Project at magpositibo sa K-9 sniff test, dahilan upang isailalim ito sa 100% physical inspection. Natagpuan ng mga awtoridad ang…

Read More

MANHUNT SA GRUPONG NAKAPATAY NG PDEA AGENT, UTOS NI NEREZ

INUTOS ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Isagani Nerez ang masinsing manhunt laban sa grupong nakapatay ng isang PDEA agent at nakasugat sa isang senior Philippine Marine officer sa isinagawang joint anti-drug operation sa Bongao, Tawi-Tawi. Ayon sa PDEA, target ng operasyon sina alias Antonio, alias Nasser, alias Abon at dalawa pang hindi nakikilalang lalaki na nakatakas matapos ang halos tatlong oras na engkuwentro. Nauwi sa matinding bakbakan ang joint operation ng PDEA-BARMM at Philippine Marine Battalion Landing Team-4 laban sa grupo ni Jimhar Jawadil, alyas “Boss…

Read More

Nalunod sa rescue operation; BENEPISYO NG PAMILYA NI PMS MARFA INAAYOS NA

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Pambansang Pulisya sa pagkasawi ni Police Master Sergeant Fernando Marfa ng Cadiz Component City Police Station. Si Marfa ay nasawi noong Agosto 7 makaraang iligtas ang kanyang dalawang kasamahan na muntik nang malunod habang nagsasagawa ng seaborne patrol sa Cadiz City, Negros Occidental. Ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Allen Rae Co, inaayos na ng Philippine National Police ang mga benepisyong matatanggap ng pamilya ni Marfa. Aniya, kinikilala at pinahahalagahan ng PNP ang tapang at sakripisyo ni Marfa. (TOTO NABAJA) 186

Read More

PBBM SA GOV’T AGENCIES: MANATILING ‘HEIGHTENED ALERT’

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na manatiling naka-“heightened alert” habang patuloy na nararanasan ang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat. Ito’y bunsod ng pagbaha sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon dahil sa malakas na pag-ulan nitong Linggo. “The President is closely monitoring the impact of the Habagat, particularly the situation in flood-prone areas and the rising water levels in dams and reservoirs,” ayon sa Malacañang. “He has directed concerned agencies to remain on heightened alert, closely coordinate on water releases, and…

Read More