2025 BUDGET NA ‘DINOKTOR’ SA BICAM IDINETALYE

HINIMAY ng dating chairman ng House committee on appropriations na si Davao City Rep. Isidro Ungab ang mga iregularidad na ginawa aniya sa 2025 national budget sa Bicameral Conference committee na isang paglabag sa Saligang Batas. Sa kanyang privilege speech noong Lunes ng hapon, tila ipinaliwanag ng mambabatas sa mga baguhang miyembro ng Kamara na ang 2025 national budget ay binubuo ng Programmed New Appropriations (PNA) na nagkakahalaga ng P4.247 trillion at Automatic Appropriations na P2.105 trillion kaya may kabuuang P6.352 trillion ang total expenditure Program ngayong taon. Kasama aniya…

Read More

Publiko pinalilipat sa ibang ospital ER NG PGH APAW NA SA PASYENTE

HINIMOK ng Philippine General Hospital (PGH) ang publiko na humanap ng ibang ospital dahil ang kanilang emergency room o ER ay humaharap ngayon sa ‘overcapacity’. Ayon sa PGH, lumagpas na sila sa capacity na 400% na may higit sa 300 pasyente na nagsisiksikan sa pasilidad na nakadisenyo lamang sa 75. Dahil dito, hindi muna sila tatanggap ng pasyente sa ER maliban na lamang sa mga nasa kritikal na kondisyon. Kinumpirma ni PGH spokesperson /coordinator for public affairs Dr. Jonas Del Rosario ang nakaaalarmang sitwasyon. Upang malimitahan ang pagtanggap ng mga…

Read More

“HEALTH IS WEALTH”

 KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MAHIRAP ngayon ang magkasakit o magkaroon ng anumang karamdaman. Malaking gastos. Kailangan ang kuwartang pambayad sa doctor na magsusuri, iba’t ibang eksaminasyon na ipapagawa (hindi katulad noon na tingin lang ng doktor na may stethoscope at thermometer, alam na agad ang sakit), at pambili sa botika ng ireresetang gamot na bakit ang tataas naman ng presyo. Yes, may generic. Pero parang walang tiwala ang marami sa bisa nito. Nawala na ang gamot-albularyo na patapal-tapal lang ng mga dahong ligaw mula sa bukid, hilot…

Read More

HUWAG NAMANG BASTUSIN ANG SUPREME COURT

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAHALAGANG panatilihin na malaya, iginagalang, at pinagkakatiwalaan ang Korte Suprema dahil ito ang huling takbuhan ng taumbayan. Dito umaasa ang ordinaryong Pilipino kapag binigo na siya ng mga nasa poder. Kaya nakalulungkot ang mga batikos ngayong natatanggap ng Kataas-taasang Hukuman. Hindi lang mula sa mga ‘tagalabas’ kundi sa ilang dating miyembro pa mismo ng SC. Gaya na lamang nina dating Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio at Adolfo Azcuna na kasama sa pagbira sa institusyong minsan nilang pinangalagaan. Lantaran na ang kanilang pagkontra sa desisyon ng…

Read More

‘YANG MGA PEKENG PINOY

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA POSIBLE nga ba ang ‘Silent Chinese Invasion’ na hindi gaanong pinapansin at binibigyan ng atensyon ng ating pamahalaan? Ilang beses ko rin naman na itong tinalakay sa pitak na ito e mukhang dedma or wako sey ang ating pamahalaan. Narinig n’yo na marahil ang kwento ng ating mga Lolo at Lola sa biglang pagdating noon ng mga Japanese sa maraming dako ng bansa noong taong 1940s na ‘di gaanong pinansin at binigyan ng atensyon ng ating mga lider noon. Tulad ng mga ginawa ng…

Read More

SERBISYO NI ENGR. RONNEL TAN NA MAY LAYUNIN AT PANUKALA NG 4K PARTY-LIST NA MAKABULUHAN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang makabuluhang pananalita sa ginanap na 56th Commencement Exercises ng Southern Luzon State University, pinaalalahanan ni Engr. Ronnel Tan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga nagtapos na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa diploma, kundi sa kung paano nila ginagamit ang kanilang natutunan upang makapaglingkod sa kapwa. Hindi aniya sapat ang mataas na lipad kung hindi nakikita ang tunay na kalagayan sa lupa. Aniya, hindi sapat ang pagiging edukado kung walang layunin at malasakit sa kapwa. Dahil sa…

Read More

Pinakamahal na uri ng kahoy P31.65-M AGARWOOD NASABAT NG BOC-NAIA

BIGO ang tangkang pagpupuslit ng halagang P31.6 milyong halaga ng agarwood palabas ng Pilipinas nang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang nasabing kargamento. Ayon sa ulat, nasabat ang outbound cargo na naglalaman ng rare and highly valued agarwood na tinatayang aabot sa P31,650,000 ang halaga, sa isang warehouse sa Pasay City. Sa ulat na ibinahagi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ang nasabing shipment ay idineklarang “Mahogany Wood Hand Carving Design” at pakete ng “Dried Sibukaw Woodstock.” Subalit nang sumailalim sa masusing physical examination,…

Read More

8.1 KG SHABU, 78K MARIJUANA PLANTS NASAMSAM

UMABOT sa 8.1 kilo ng umano’y shabu at mahigit sa 78.800 marijuana plants ang nasamsam sa pinagsanib na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang government agency sa inilunsad na 56 high impact operations na nagresulta sa pagkakadakip sa 97 drug personalities sa loob ng nakalipas na linggo. Ang high-impact operations na inilunsad mula Hulyo 25 hanggang Agosto 1, 2025, ay nagresulta ng pagkasamsam sa 8,196.65 gramo ng shabu (crystalline methamphetamine); 78,800 fully grown marijuana plants at 4,256 gramo ng tuyong dahon ng marijuana; at 52 ecstasy…

Read More

IBA’T IBANG GRUPO NANGALAMPAG PARA SA IMPEACHMENT

KINALAMPAG kahapon ng mga grupong Tindig Pilipinas, NAGKAISA! Labor Coalition, Kalipunan ng Kilusang Masa at ilang indibidwal ang Korte Suprema at kanilang hiniling na baligtarin ang naunang desisyon na nagsabing unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Iginiit nila na tahasang binalewala ng Supreme Court ang Konstitusyon dahil sa pakikialam sa eksklusibong kapangyarihan ng Kamara sa pagtukoy sa legalidad ng impeachment complaint. Nanindigan ang grupo na dapat bawiin o baligtarin ng Supreme Court ang kanilang desisyon para maprotektahan ang demokrasya at maipatupad ang rule of law. Kasabay…

Read More