SEGURIDAD SA MGA ESKWELAHAN SA METRO EAST PINAIGTING NG EPD

PINAIGTING ng Eastern Police District (EPD) ang seguridad sa mga eskuwelahan sa kanluraning bahagi ng Kalakhang Maynila matapos ang madugong insidente sa nangyaring pamamaril sa isang high school sa Tacloban City noong Hunyo 22. Ang nasabing insidente ay kinasangkutan ng dalawang menor de edad na mga lalaking estudyante kung saan tatlo ang namatay at lima ang sugatan. Ayon kay District Director PBGen. Melecio Buslig Jr., nagsagawa ang EPD ng strategic deployment sa iba’t ibang mga paaralan sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan o mas kilala bilang PaMaMariSan. Layon ng…

Read More

PCG, NAVY PINAG-IINGAT SA ‘GALAW’ NG CHINA SA BAJO DE MASINLOC

NANAWAGAN si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) na manatiling mapagbantay sa mga aktibidad ng China sa paligid ng Bajo de Masinloc at huwag magpakampante sa mga ikinikilos nito sa lugar. Ayon kay Barbers, maaaring gamitin ng China sa Bajo de Masinloc ang kaparehong taktika na ginawa nito sa Mischief Reef o Panganiban Reef noong 1995. Ipinaalala niya na unang ipinakita ng China ang mga istrukturang itinayo nito sa Mischief Reef bilang simpleng “fishermen’s shelter” ngunit kalaunan ay pinalawak…

Read More

SOCMED ACCESS NG 15-ANYOS PABABA PINAHIHIGPITAN

NABUHAY sa Senado ang panukalang higpitan ang paggamit ng social media ng mga batang wala pang 15 taong gulang kasunod ng madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Ayon kay Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, mahalagang suriin hindi lamang ang mismong insidente kundi maging ang iba pang salik na maaaring nakaimpluwensya sa pag-uugali ng mga kabataan. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, sinabi ni Villanueva na dapat ding pagtuunan ng pansin ang epekto ng pagkakalantad ng mga…

Read More

Reporma itinutulak ng liderato ng Kamara DYNASTIES, GOV’T CONTRACTORS TARGET MA-DISQUALIFY SA PARTY-LIST

ISINULONG ni House Speaker Faustino Dy ang isang panukalang batas na magpapataw ng mas mahigpit na regulasyon sa party-list system upang mapigilan ang pagpasok ng political dynasties, government contractors at iba pang may posibleng conflict of interest. Sa ilalim ng House Bill No. 9906 o New Party-List System Act, ipagbabawal ang pagnomina at pagsisilbi bilang party-list representative ng mga indibidwal na may relasyon hanggang second degree of consanguinity o affinity sa kasalukuyang senador o kongresista. Saklaw din ng diskwalipikasyon ang mga incumbent elective officials at mga taong nabigyan ng government…

Read More

BAM AQUINO DUMALO SA SPECIAL SCREENING NG HOME ALONG DA RILES DA REUNION

SA pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television franchise sa mga sinehan, dumalo si Senador Bam Aquino sa espesyal na screening ng Home Along Da Riles Da Reunion sa SM Mall of Asia Cinema 5. Nakasama ni Aquino ang ilan sa mga miyembro ng cast ng pelikula — kabilang sina Vandolph Quizon, Boy 2 Quizon, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Maybelyn Dela Cruz, at Dang Cruz — sa muling pagbabalik-tanaw sa masasayang alaala ng sikat na sitcom at panonood ng reunion film kasama ang mga tagahanga. “Hindi kumpleto ang pagiging Batang…

Read More

Bringing Hope to Mindanao: COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

In the difficult days following the recent earthquake in Mindanao, COSOVA took immediate action to support affected communities by donating a full truckload of single mattresses and pillows through Angat Buhay, a trusted organization known for its transparent and efficient disaster response efforts.The donation, officially turned over on June 13, 2025, was carefully prepared at COSOVA’s warehouse in Bulacan with the help of employees and volunteers. Each mattress and pillow was packed with one goal in mind: to bring comfort and relief to families staying in evacuation centers and temporary…

Read More

ATTY INTON: MGA ISYU SA IMPEACHMENT TRIAL DAPAT MUNANG LINAWIN PARA HINDI PAGDUDAHAN

MULING nagpahayag ng kanyang pananaw si Atty. Ariel Inton hinggil sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Inton, maraming isyung legal at procedural ang kinakailangang malinawan upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa magiging takbo ng paglilitis. Binanggit niya ang resulta ng survey kung saan 19 porsiyento lamang umano ng mga respondent ang naniniwalang magiging patas ang impeachment trial. Kabilang sa mga isyung kanyang tinukoy ang usapin kung sino ang dapat mamuno bilang presiding officer sa impeachment court. Ayon kay Inton, mungkahi nila sa…

Read More

MAY IPAGMAMALAKI PA BA SI BBM SA KANYANG 2026 SONA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NALALAPIT na naman ang isa sa pinakamahalagang araw sa kalendaryong pampulitika ng bansa. Sa darating na Hulyo 27, 2026, muling haharap si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa sambayanang Pilipino upang ihatid ang kanyang State of the Nation Address o SONA. Bilang huling buong SONA bago matapos ang kanyang termino, marami ang nag-aabang kung ano ang magiging sentro ng kanyang talumpati. Noong SONA 2024, buong pagmamalaki niyang inihayag na nakapagtayo ang kanyang administrasyon ng humigit-kumulang 5,500 flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Inilarawan…

Read More

PALIT ULO PARA IWAS BULILYASO

Syanong detektib ANG dignidad na itinaguyod sa loob ng maraming taon, gumuho sa loob lang ng isa’t kalahating buwan dahil sa walang puknat na hidwaan sa hanay ng mga tinatawag na kagalang-galang. May mga nanindigan sa katotohanan. Meron din naman nakikiramdam lang. Pero sadyang katangi-tangi ang mga tulad ni Chiz Cake at Lord Joel na mas pinili talikdan ang prinsipyo para makaiwas sa kasong katiwalian sa likod ng tinaguriang flood control scandal. Si Chiz Cake ang isa sa mga kapural sa likod ng budget insertions na nagbigay-daan sa budget insertions…

Read More