P2.6-M ILLEGAL DIESEL NASAMSAM SA DRIVER AT HELPER SA MARINDUQUE

ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) SA Boac, Marinduque ang isang truck driver at helper mula sa Tiaong, Quezon matapos mahulihan ng 8,000 litro ng diesel na walang kaukulang lisensya mula sa Department of Energy (DOE). Kabilang sa kinumpiska ng mga awtoridad ang tanker truck na gamit sa transaksyon. Nahaharap ang mga mga suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33 (Illegal Trading of Petroleum Products). (NILOU DEL CARMEN) 259

Read More

BUHAWI MULING NANALASA SA TABING DAGAT SA QUEZON

NAYANIG ang mga residente at bakasyunista sa Barangay Libjo, Infanta, Quezon nang biglang mamuo at humagupit ang isang malakas na buhawi mula sa dagat noong Linggo dakong alas-6:20 ng gabi. Sa lakas ng hangin, may mga bangkang inangat at inihagis, habang pinsala naman ang inabot ng ilang kabahayan, cottages, at may natumbahang mga puno. Agad namang nag-utos si Mayor LA Ruanto ng assessment para sa agarang tulong sa mga apektadong residente. Ayon sa ulat, ito ang magkakasunod na insidente ng buhawi sa lugar nitong mga nakalipas na buwan kaya’t labis…

Read More

10 ARESTADO SA KAMPANYA KONTRA KRIMEN SA NUEVA ECIJA

PEÑARANDA, Nueva Ecija – Sa loob lamang ng isang buwan sa pamumuno ni Officer-in-Charge PCPT Silvestre C. Colanza, nakapagtala ang Peñaranda Municipal Police Station (MPS) ng mahahalagang operasyon laban sa kriminalidad kabilang ang kampanya laban sa ilegal na droga, pag-aresto sa mga wanted person, pagkahuli ng loose firearms, at pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa, na nakatulong sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa munisipalidad. Nabatid na mula Mayo 21 hanggang Hunyo 21, 2026, pinaigting ng Peñaranda MPS ang kampanya nito laban sa mga wanted person, na nagresulta…

Read More

HOUSE PROSECUTION UUNAHIN ASSASSINATION PLOT ARTICLE SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

ILALATAG muna ng House prosecution panel ang artikulo hinggil sa assassination plot, grave threats at inciting to sedition sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Z. Duterte. Ito ang nakasaad sa isinumite nilang preferred sequence of evidence sa Senate impeachment court noong Hunyo 22. Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, nakabatay ang pagkakasunod-sunod sa trial strategy at sa layuning mas madaling maunawaan ng publiko ang mga alegasyon at ebidensya. “The sequence, according to the presentation of evidence, Article 4, assassination…

Read More

PH NAVY CONTINGENT NASA HAWAII NA PARA SA RIMPAC 2026

DUMATING na sa Joint Base Pearl Harbor sa Hawaii ang Philippine Navy contingent sakay ng BRP Miguel Malvar (FFG-06) para lumahok sa malakihang Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise 2026. Pormal na sinalubong ni Philippine Consul General Arman Talbo at ng Philippine Consulate General sa Honolulu ang delegasyon ng Pilipinas para sa pagsasanay na gaganapin mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 31. Pangungunahan ng BRP Miguel Malvar, ang pinakabagong guided-missile frigate ng Philippine Navy, ang Naval Task Group 84 sa multinational military exercise. Kasama rin sa delegasyon ang humigit-kumulang 45 miyembro…

Read More

POLICEWOMAN NA MAY-ARI NG BARIL SA TACLOBAN SHOOTING, NASA RESTRICTIVE CUSTODY NA

INILAGAY na sa restrictive custody ang policewoman na tiyahin ng isa sa dalawang menor de edad na suspek sa pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City. Ito ang kinumpirma ng National Police Commission (Napolcom) habang iniimbestigahan ang posibleng administrative liability ng pulis na umano’y may-ari ng baril na ginamit sa madugong insidente. Ayon kay Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, magsasagawa sila ng motu proprio investigation kasabay ng imbestigasyon ng Philippine National Police. “I have directed our Napolcom Regional Director of Region…

Read More

ANGGULO NG VIOLENT EXTREMISM, SINISILIP NG DOJ SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING

SINISILIP na ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na hindi lamang simpleng kaso ng bullying ang nasa likod ng naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, kabilang sa mga tinitingnang anggulo ng mga imbestigador ang posibleng impluwensya ng violent extremism, katulad ng mga naganap na school shootings sa ibang bansa. Paliwanag ni Martinez, madaling maimpluwensyahan ang mga kabataan, lalo na sa mga nilalamang napapanood at nakikita nila online. Binigyang halimbawa niya ang Columbine High School shooting noong…

Read More

TACLOBAN SHOOTING HIGIT 1-BUWAN PINAGPLANUHAN — PNP

MAHIGIT isang buwan umanong pinagplanuhan ng dalawang menor de edad ang naganap na pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City, ayon kay Police Regional Office-8 (PRO-8) Director PBGen Jason Capoy. Sa panayam sa telepono ng mga mamamahayag sa Camp Crame, sinabi ni Capoy na noong Mayo 1 pa lamang ay pinag-uusapan na ng dalawang suspek ang kanilang balak na isagawang krimen. Ayon sa opisyal, pinag-usapan din ng mga suspek kung kailan pinakamainam isagawa ang pamamaril at maging ang posibleng kahihinatnan ng kanilang kaso matapos ang…

Read More

P1.76-B PUSLIT NA SIGARILYO NASABAT SA MAYNILA

NASABAT ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI), ang tinatayang P1.76 bilyong halaga ng puslit na sigarilyo sa isang industrial compound sa Vitas Tondo, Manila. Ayon sa ulat, nagtungo ang NBI, Bureau of Customs (BOC), at iba pang katuwang na ahensiya, sa isang industrial compound sa Vitas Street sa Tondo, kung saan dumaong ang kargamentong naglalaman ng mga pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo. Pagdating sa lugar bandang alas-8:28 ng gabi, agad siniguro ng pinagsanib na puwersa ang seguridad ng lugar at nagsagawa ng mga kaukulang inspeksyon.…

Read More