IPINAHAYAG ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang buong suporta sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at tiniyak na handang makipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pambansang pamahalaan upang maisakatuparan ang mga programang makikinabang ang mamamayan. Sa inilabas na pahayag matapos ang SONA, sinabi ni Domagoso na malinaw na kinikilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng kaunlaran ng bansa. Ayon sa alkalde, ang ipinakitang tiwala ng Pangulo sa local government units (LGUs)…
Read MoreAuthor: admin 3
PANUKALANG PAGGAMIT NG ALTERNATIVE DATA PARA MAS MARAMING PINOY MAKAKUHA NG FINANCIAL SERVICES, ISINUSULONG
MANILA, Philippines — Isinusulong ng pamahalaan ang pagtatatag ng kauna-unahang komprehensibong legal framework sa bansa para sa consumer-directed financial data sharing, kung saan maaaring magamit ang araw-araw na digital transactions ng mga Pinoy bilang patunay ng kanilang creditworthiness. Layunin ng House Bill No. 9149, o ang Open Finance and Consumer Data Empowerment Act of 2025, na tugunan ang gap sa pagitan ng aktuwal na partisipasyon ng mga Pilipino sa digital economy at ng paraan ng mga pormal na financial institution sa pag-assess ng kanilang credit standing. Kapag naisabatas, bibigyan nito…
Read MoreSENIOR CITIZENS NAITSAPWERA SA SONA?
IKINALUNGKOT ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes nang hindi marinig sa State of the Nation Address ang mga konkretong plano para sa nakatatandang populasyon ng bansa. Inamin ni Ordanes, inasahan niya na bibigyang-suporta ni Marcos Jr. ang pagbibigay ng P1,000 universal social pension sa lahat ng senior citizens anoman ang katayuan sa buhay. Gayundin aniya, inasam niya na mababanggit ang pagsusulong ng Geriatric Act, na magiging daan sa pagpapatayo ng National Center for Geriatric Health (NCGH). “Wala man lang malinaw at partikular na programa na nabanggit para sa…
Read MoreUNANG AI-POWERED SALON SA BANSA, BINUKSAN SA ANTIPOLO
OPISYAL nang binuksan ang kauna-unahang salon sa bansa na gumagamit ng artificial intelligence (AI) sa ilalim ng Ricky Reyes Hair Clinic, kasabay ng pagbubukas ng ika-10 franchise branch nito sa Robinsons Antipolo noong Martes, Hulyo 28. Pinangunahan ang inagurasyon at pagbabasbas ni hair guru Ricky Reyes kasama ang franchisee na si Joanne Uy. Dumalo rin sa pagbubukas sina Ivy Balmaceda, mga opisyal ng PhilHair Association, mga beauty queen, celebrity at iba pang personalidad mula sa industriya ng kagandahan. 231
Read MoreINISPLUK NI TRILLANES: BALIGOD, 18 BODYGUARDS KAKASUHAN NG DOJ
INIHAYAG ni dating Senador Antonio Trillanes IV na nakatakdang sampahan ng Department of Justice (DOJ) ng mga kasong kriminal si Atty. Levi Baligod at ang 18 umano’y bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co. Batay sa kopya ng resolusyon ng DOJ prosecutors na inilabas ni Trillanes, inirekomenda ang pagsasampa ng mga kasong cyberlibel at perjury laban sa mga respondent. Nag-ugat ang reklamo sa isinagawang press conference, mga social media posts at iba pang pahayag nina Baligod at ng iba pang respondent. Nauna nang naghain si Trillanes ng magkakahiwalay na reklamo laban…
Read MorePBBM DETERMINADONG IPATUPAD LAHAT NG NILAGDAANG PEACE AGREEMENTS — OPAPRU CHIEF
DETERMINADO ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maipatupad ang lahat ng ipinangako ng pamahalaan sa ilalim ng mga nilagdaang peace agreements sa iba’t ibang rebel groups sa bansa. Ito ang binigyang-diin ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Mel Senen S. Sarmiento kasunod ng naging pahayag ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City. “The President has made it clear in his SONA this year that he is…
Read MoreKONTRA SONA NI CAYETANO: MALAKI POTENSYAL NG BANSA KUNG MAY IISANG NATIONAL VISION
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga Pilipino na magkaisa sa iisang national vision na magsisilbing gabay sa mga polisiya at reporma ng pamahalaan. Sa kanyang Kontra-SONA, isang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ni Cayetano na kailangang magkasundo muna ang bansa sa direksiyong nais nitong tahakin bago makabuo ng mga programang maghahatid ng pangmatagalang solusyon sa mga suliranin. “Vision is contingent on actions. Kailangan [natin] ng national discussion, pag-uusap tungo sa isang vision or pinagkaisahang vision.…
Read MoreSENADO PINAG-AARALAN PAGBUO NG AD HOC COMMITTEE PARA MATUGUNAN LEGISLATIVE BOTTLENECK – SALCEDA
KINUMPIRMA ni Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Joey Salceda na pinag-aaralan ng Senado ang pagbuo ng isang ad hoc committee upang matugunan ang tinatawag na legislative bottleneck na nagiging dahilan ng pagkaantala ng ilang mahahalagang panukala. Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Salceda na layunin ng panukalang komite na pabilisin ang pagtalakay at pag-apruba sa mga priority bills na may kaugnayan sa ekonomiya, imprastraktura, enerhiya, maliliit na negosyo at reporma sa halalan. Inamin ni Salceda na may mga priority bills na naaprubahan na ng Kamara ngunit hindi pa…
Read MoreMas Gusto ng Taumbayan ang Solusyon, Hindi Palakpakan
At Your Service Ni Ka Francis BAWAT State of the Nation Address (SONA) ay itinuturing na pinakamahalagang talumpati ng Pangulo sa buong taon. Dito inilalahad ang kalagayan ng bansa, mga nagawa ng administrasyon, at direksiyong tatahakin sa mga susunod na buwan. Ngunit sa pagkakataong ito, malinaw ang mensahe ng maraming Pilipino—hindi na sapat ang listahan ng mga nagawa; ang hinahanap nila ay kongkretong solusyon sa araw-araw nilang pinagdaraanan. Ayon sa survey ng EON, halos kalahati ng mga respondent ang mas gustong marinig ang mga konkretong hakbang ng pamahalaan upang resolbahin…
Read More