NAGTAAS ng alerto ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine National Police (PNP) sa Cebu kaugnay ng nalalapit na 48th ASEAN Leaders’ Summit. Ayon sa NDRRMC, itinaas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (RDRRMC)–Central Visayas ang alert status nito sa Red Alert simula Abril 30. Nabatid na naglabas ng Memorandum No. 22, Series of 2026 si RDRRMC Central Visayas Chairperson Director Joel Mamon upang ihanda ang mga kinakailangang hakbang para sa inaasahang pagdagsa ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.…
Read MoreCategory: BALITA
11 POLICE OFFICERS SINIBAK SA KASO NG MISSING SABUNGEROS
IPINAG-UTOS ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang dismissal ng 11 tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (RDEU-NCRPO) kaugnay sa mga kaso ng nawawalang sabungero. Ayon sa NAPOLCOM, napatunayan ang administrative liability ng mga akusado sa dalawang bilang ng grave misconduct at dalawang bilang ng conduct unbecoming of a police officer kaugnay ng mga kasong kidnapping. Kabilang sa pinatawan ng parusa ang mga sumusunod: Police Lieutenant Colonel Ryan Jay E. Orapa, Police Major Mark Phillip S. Almedilla, Police Senior Master Sergeant Mark Anthony A. Manrique,…
Read MoreHIGIT 2K TRABAHO TAMPOK SA LABOR DAY JOB FAIR SA SM MARILAO
LIBU-LIBONG naghahanap ng trabaho ang dumagsa sa SM City Marilao sa isinagawang job fair kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day nitong Mayo 1. Ang aktibidad ay inorganisa katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang bahagi ng ika-124 na Labor Day, sa ilalim ng temang “Disenteng Trabaho Para sa Lahat: Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas Sama-samang Mararating,” kasama ang Provincial Public Employment Service Office (PESO) at Marilao Municipal PESO. Aabot sa 2,054 na bakanteng trabaho ang inalok sa mga aplikante mula sa iba’t ibang sektor. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito,…
Read MorePAYAPANG LABOR DAY PROTEST SA MAYNILA
ITINURING ng Philippine National Police na generally peaceful ang mga kilos-protesta kaugnay ng Labor Day sa Maynila. Ayon kay National Capital Region Police Office Director, Police Major General Anthony Aberin, walang naitalang untoward incident sa mga aktibidad ng iba’t ibang grupo. Libo-libong manggagawa ang nagtipon sa España Boulevard at Welcome Rotonda, na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ang protesta, kasama ang iba pang labor groups at transport organizations. Kabilang sa kanilang panawagan ang pagbasura sa Oil Deregulation Law, rollback sa presyo ng langis,…
Read MoreAWAY-NEGOSYO, MOTIBO SA PAMAMARIL SA QC
POSIBLENG away sa negosyo ang motibo sa pamamaril sa Quezon City na ikinasawi ng dalawa katao. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf Tuaño, maaaring may nakaalitang katunggali sa negosyo ang biktimang si Perry Mariano. Maliban sa pagiging billiards figure, may-ari rin umano ito ng ilang bar at may kaugnayan sa Small Town Lottery operations. Dalawang persons of interest ang kasalukuyang tinututukan ng pulisya, ngunit hindi pa tukoy ang kanilang pagkakakilanlan sa kabila ng mga CCTV footage. Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng mga awtoridad upang maresolba ang krimen. (TOTO NABAJA)…
Read MoreGRADUATES NG RICKY REYES LEARNING INSTITUTE, KINILALA
KINILALA ang mga nagsipagtapos sa unang batch ng Ricky Reyes Learning Institute sa ginanap na graduation ceremony noong Huwebes, Abril 30 sa Anonas, Quezon City. Isinagawa ang programa katuwang ang Asia-Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association, at pinangunahan ni Ricky Reyes. Sumailalim ang mga trainee sa mga kursong may international standards, kabilang ang first aid, sanitasyon at kalinisan, customer relations, beauty culture and care, pangangalaga sa bata at matatanda, at special performing arts. 301
Read MorePROTESTA KONTRA FOSSIL FUEL
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo sa harap ng Embassy of Japan in the Philippines noong Abril 30. Kinondena ng mga raliyista ang umano’y patuloy na suporta ng Japan sa fossil fuel initiatives at pagpapalawak ng presensyang militar sa Asia-Pacific. Binatikos din nila ang mga programang “POWERR Asia” at “AZEC,” na ayon sa kanila ay nagpapalalim sa pagdepende sa fossil fuels at pumapabor sa malalaking korporasyon. Nanawagan ang mga grupo para sa makatarungang transisyon tungo sa community-led renewable energy at pagtigil sa militarisasyon sa rehiyon. (EDD CASTRO) 360
Read MoreBUKO JUICE MABISANG PANLABAN SA TAG-INIT – DOH
BUKOD sa tubig, tanging buko juice lang ang inirekomenda ng Department of Health (DOJ) sa publiko para sa kahalagahan ng sapat na hydration at pagpapanatili ng electrolytes sa katawan kasabay ng matinding init ng panahon. Ayon sa DOH, ang electrolytes tulad ng sodium at potassium ay mahalaga sa tamang hydration, galaw ng muscles at maayos na paggana ng katawan. Bukod sa bisa ng tubig sa kalusugan, inirekomenda rin ng ahensya ang pag-inom ng mga natural na pinagkukunan ng electrolytes gaya ng buko juice at tubig na may halong calamansi, lemon…
Read MoreRIDING-IN-TANDEM SA QC AMBUSH, TUKOY NA
TUKOY na ng Quezon City Police District ang pagkakakilanlan ng riding-in-tandem na suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Ceferino ‘Perry’ Mariano at kanyang driver sa Quezon City. Ayon sa QCPD, narekord sa CCTV ang galaw ng mga suspek na nag-ikot pa sa Scout area bago isinagawa ang krimen, at iniwan pa ang unang motorsiklong ginamit. Nasawi sa insidente si Mariano, 75, dating pangulo ng Association of Club, Karaoke, Disco Owners and Operators (ACKDO), at ang kanya umanong driver na si Norberto Orimaco, 51. Lumalabas sa imbestigasyon na nagpalit pa umano…
Read More