HOUSEHOLD HAZARDOUS WASTE COLLECTION SA MAYNILA, SISIMULAN SA ABRIL 28

SISIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pag-iikot para kolektahin ang household hazardous waste sa mga kabahayan simula Martes, Abril 28. Sa pangunguna ng Department of Environment and Public Services (DEPS), layunin ng programa na maiwasan ang panganib sa kalusugan at kapaligiran, at matiyak ang tamang disposal ng mapanganib na basura. Babala ng DEPS sa publiko: huwag basta-basta itapon ang hazardous waste upang maiwasan ang sakit, polusyon, at posibleng sakuna. Kabilang sa mga kokolektahin ang lumang baterya, leftover na pintura at kemikal, sirang ilaw at fluorescent lamps, electronic waste gaya…

Read More

OFFICIAL STATEMENT NG MAYBAHAY NI EX-CONG. MIKE DEFENSOR KAUGNAY NG RAID NG NBI

Official Statement by Julie Defensor I am issuing this statement to categorically and forcefully deny the baseless, malicious allegations directed at me, my daughter, and our associated businesses. Let me be absolutely clear regarding the recent NBI operation: we have absolutely no connection to the targeted establishment or its operations. Any attempt to link our family to the abhorrent acts allegedly committed there is a deliberate, dangerous, and desperate lie. The motive behind this orchestrated smear campaign is painfully obvious. This is a fabricated pretext designed to artificially manufacture a…

Read More

PNP-CIDG OPERATIVES SASAMPAHAN NG KASONG KRIMINAL AT ADMINISTRATIBO

SERYOSO ang pamunuan ng Coliseo de Manila, isang cockpit arena sa Vitas, Tondo, Maynila, na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group NCR na inakusahang sumalakay nang walang kaukulang warrant at puwersahang nagpasara ng halos 20 araw sa sabungan. Ito ang inihayag kahapon ni Atty. Carl Jon P. Mucho ng Chavez Miranda Aseoche Law Offices, legal counsel ng nasabing cockpit arena, sa ginanap na pulong balitaan sa kanilang tanggapan sa Makati City kasunod ng kanyang pahayag na tuluyan nang ibinasura…

Read More

Para sa faculty, non-teaching personnel ALLOWANCE SA PUBLIC SCHOOLS DAPAT NAKAAYON SA INFLATION

ISINUSULONG ni Senador Joel Villanueva ang pag-amyenda sa mga regulasyon upang matiyak na nakabatay sa inflation ang allowance ng lahat ng faculty at non-teaching personnel sa pampublikong paaralan. Ayon kay Villanueva, ang dalawang panukala — Senate Bill No. 1605 at 1606 — na kanyang inihain noong nagdaang taon ay napapanahon, lalo na sa gitna ng patuloy na krisis sa langis na nagpapababa sa tunay na halaga ng allowance na natatanggap ng mga teaching at non-teaching personnel sa buong public education system. “These allowances are not just financial assistance but are…

Read More

GOBYERNO ALERTO SA POSIBLENG JET FUEL SHORTAGE — MALAKANYANG

IPINATUTUPAD ng pamahalaan ang mga hakbang upang maiwasan ang posibleng kakulangan sa jet fuel sa gitna ng umiiral na global uncertainties, ayon sa Malakanyang. Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na mahigpit na minomonitor ang sitwasyon at regular itong iniuulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. “Lagi naman po na inuulat sa Pangulo ito at lahat po ng paraan ay ginagawa para hindi magkulang ang supply ng produktong petrolyo sa atin,” ani Castro. Ang pahayag ay kasunod ng pagtaas ng fuel surcharge levels na itinakda…

Read More

RELIEF ACT PARA SA MGA MANGGAGAWA AT MSMEs SA GITNA NG ENERGY CRISIS, INIHAIN NI VILLAR

INIHAIN ni Senador Mark Villar ang Senate Bill No. 2032 o “Relief and Recovery Interventions for Low-Income Earners, Minimum Wage Earners, Self-Earning Individuals, and Micro, Small, and Medium Enterprises (RELIEF) Act” upang suportahan ang mga apektado ng pagtaas ng presyo ng langis. Batay sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), maaaring madagdagan ng hanggang 3.1 milyong Pilipino ang malulubog sa kahirapan dahil sa krisis sa enerhiya. Layunin ng panukala na magbigay ng tulong sa low-income households, minimum wage earners, self-earning individuals, at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).…

Read More

VIDA ‘DI TIYAK PAGBALIK SA PINAS; STAY SA CZECH REPUBLIC ‘INDEFINITE’ — DOJ

WALANG katiyakan kung kailan babalik sa bansa si Justice Secretary Fredderick Vida matapos ang kanyang pagbiyahe sa Czech Republic, ayon sa Department of Justice (DOJ). Umalis si Vida nitong Abril 23 kasama si Chief State Counsel Dennis Arvin Chan upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon kaugnay ng planong pag-uwi sa Pilipinas ni dating kongresista Zaldy Co. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, “indefinite” ang pananatili ni Vida at wala pang tiyak na petsa ng pagbabalik. Hindi rin masabi ng DOJ kung makakasabay pauwi si Co. Ani Martinez, wala pang…

Read More

5 MIYEMBRO NG CTG TIMBOG SA NEGROS OCCIDENTAL

TIMBOG ang hinihinalang mga miyembro ng communist terrorist group sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad noong Miyerkoles ng gabi sa Barangay Matab-ang, Talisay City, Negros Occidental. Nadakip ang nasabing mga rebelde sa isinagawang operasyon ng COPLAN “HEAD STRIKE” sa pangunguna ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office Negros Island Region, katuwang ang CIDG, iba pang police units, at 79th Infantry Battalion ng Philippine Army. Ayon sa ulat ng PRO NIR, ipinatupad lamang ang warrant of arrest laban kay alyas “Glem” na squad leader ng North Negros Front, para sa…

Read More

P100K TINANGAY SA SECURITY OFFICE

TINANGAY ang tinatayang P100,000 cash na pondo ng isang security office, ng hindi nakilalang lalaki sa Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles ng umaga. Ang nilooban ay ang Millennium Security Consultant Inc. na matatagpuan sa Platinum Commercial Bldg. E sa Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa empleyadong si alyas “Jayson”, dakong alas-7:15 ng umaga nang matuklasan ang nangyaring panloloob nang pumasok siya sa kanilang opisina at napansin na nagkalat ang mga gamit sa kitchen area. Nang puntahan ang kanilang tanggapan, napansin na puwersahang itong binuksan at nang ininspeksiyon ang…

Read More