INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ), nakamit na ang hatol na guilty laban sa limang akusado sa kasong kidnapping for ransom with homicide kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Jose Saribong noong 2013. Sa 39-pahinang desisyon na may petsang Abril 16, 2026, hinatulan ng Regional Trial Court Branch 138 sa Antipolo City, sina Mark Stanly Banghulot y Subejano, Romeo Baluran, Rudy Benega, Teody Maghuyop at Adam Paulin ng reclusion perpetua na walang posibilidad ng parole. Inatasan din ang mga akusado na magbayad ng kabuuang P990,000 bilang civil indemnity…
Read MoreCategory: BALITA
PH HANDA NA SA ASEAN SUMMIT
“ALL systems go” na ang Pilipinas sa pagho-host nito ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit, ayon sa Malacañang. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, “on track” na ang preparasyon ng bansa bago ang regional gathering na gaganapin mula Mayo 7 hanggang 8. Sinabi ni Castro na nagbigay na ng briefing si Executive Secretary Ralph Recto, na siyang chairman ng ASEAN National Organizing Committee, kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa kalagayan ng paghahanda. “All systems go po. Handa po tayo,”…
Read MoreMALAKANYANG TATALIMA SA SC ORDER HINGGIL SA HEALTH, DRUG TEST NI PBBM
TINIYAK ng Malakanyang na susunod sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Acting Executive Secretary Ralph Recto sa direktiba ng Supreme Court na magsumite ng komento sa loob ng 10 araw kaugnay sa petisyong inihain laban sa kanila. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, tutugunan ng Pangulo at ni Recto ang kautusan ng Korte Suprema. “Kung utos po ng Supreme Court iyan ay gagawa po kami ng kaukulang komento,” ani Castro. Ang petisyon para sa writ of mandamus ay inihain nina Pantaleon Alvarez at iba pang indibidwal upang hilingin ang paglalabas…
Read MoreICC DECISION SA KASO NI DIGONG POSIBLENG MAGPAHINA SA SOBERANYA NG PH?
NAGDULOT ng pangamba sa usapin ng soberanya ng bansa ang pinakahuling desisyon ng International Criminal Court (ICC) na naninindigan sa hurisdiksyon nito sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senador Imee Marcos. Ayon sa senadora, ipinapakita ng hakbang na hindi kinikilala ng ICC ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong 2019. Binigyang-diin niya na maaaring magdulot ito ng paghina sa prinsipyo ng pambansang soberanya at sa paninindigan na dapat unahin ang mga lokal na institusyon ng hustisya kung may kakayahan ang mga ito. Iginiit din ni Marcos…
Read MoreLALAKING ILIGAL NA NAGSUSUPPLY NG KURYENTE SA 20 KABAHAYAN, ARESTADO SA MAKATI
Arestado ang isang lalaking nagkakabit ng jumper at iligal na nagsusupply ng kuryente sa tinatayang 20 bahay sa lungsod ng Makati nitong Martes, Abril 21. Ayon sa Philippine National Police, nagpakilala umano bilang isang barangay volunteer ang 32 anyos na suspek na nahuli pasado ala-1:20 ng madaling araw sa Barangay Palanan. Nakuha mula sa suspek ang mga kable ng kuryente na ginagamit sa iligal na gawain. Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity Pilferage Act ang nasabing suspek. Muli namang nagbabala ang Meralco laban sa pagnanakaw…
Read MoreKapag hindi na tumanggap ng sahod ETHICS COMPLAINT VS ‘BATO’ DELA ROSA PWEDENG MA-DISMISS
POSIBLENG maibasura ang ethics complaint laban kay Senador Ronald Bato dela Rosa kung kusa niyang hindi na tatanggapin ang kanyang sweldo at allowances habang absent pa rin siya sa Senado. Ipinaliwanag ni Senate Ethics Committee chairman JV Ejercito, ang pagtanggap niya ng sahod at allowances sa kabila ng hindi pagpasok simula pa noong Nobyembre ang batayan ng ethics complaint laban sa kanya. Gayunman, binigyang-diin ni Ejercito na nasa pasya pa rin ito ng mga miyembro ng komite. “Di natin sinasabi, depends on the members, ako naman facilitator lang, ang miyembro…
Read MoreSUMMER PROGRAMS PINALAWIG NG DEPED
INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalawig ng summer remediation programs mula Mayo 6 hanggang Hunyo 3, 2026 upang matulungan ang mga mag-aaral na nanganganib na bumagsak. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng programa na matiyak na walang mag-aaral ang mapag-iiwanan. “Tungkulin nating siguruhin na ang bawat mag-aaral ay may sapat na suporta,” ani Secretary Angara. Kabilang sa mga programa ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL), na tutulong sa 3.7 milyong mag-aaral mula Grade 2 hanggang 11, at ang Senior High School Remediation Program para sa…
Read More“DIGITAL-BY-DEFAULT” BILL ITINUTULAK SA KAMARA
INIHAIN sa Kamara ang panukalang “Digital-by-Default Rule Act” na naglalayong gawing pangunahing paraan ang online platforms sa paghahatid ng serbisyo ng gobyerno. Sa ilalim ng House Bill 8794, inaatasan ang mga ahensya na gawing ganap na available online ang kanilang mga pangunahing serbisyo bago sumapit ang Disyembre 31, 2028. Ayon kay 1Tahanan Party-list Rep. Nathan Oducado, layunin ng panukala na mapabilis ang serbisyo at mabawasan ang red tape. Mananatili pa rin ang pisikal na serbisyo para sa mga sektor na nangangailangan nito, kabilang ang persons with disabilities, senior citizens, at…
Read MoreIVANA ALAWI PINURI ANG BRILLIANT SKIN SA PAGKUHA NG PWD BILANG EMPLEYADO
PINURI ng aktres at content creator na si Ivana Alawi ang Brilliant Skin Essentials Inc., na pagmamay-ari ng skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, mas kilala bilang “Miss Glenda,” dahil sa pagsusulong nito ng inclusivity sa pamamagitan ng pagkuha ng mga persons with disabilities (PWDs) bilang bahagi ng mahigit 1,000 empleyado nito. Ginawa ni Alawi ang pahayag matapos ang kanyang pagbisita sa isa sa mga production facility ng kumpanya, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang mga manggagawa nito. “Isa sa mga nakakatuwa dito sa Brilliant…
Read More