Ilegal na nakapasok sa bansa 2 DAYUHAN TIMBOG SA PANUNUHOL AT PEKENG PLAKA

KALABOSO ang isang Chinese at isang Malaysian national dahil sa pekeng plaka at panunuhol sa Roxas Blvd. sa Pasay City. Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP-HPG spokesperson, PLt. Nadame Malang, nahuli ang dalawang dayuhan na lulan ng isang mamahaling sasakyan. Una rito, ininspeksyon ng mga awtoridad ang mamahaling sasakyan kung saan nakasakay ang mga suspek, at tumambad sa kanila ang mga pekeng plaka, bonnet, airsoft gun at bala nito. Sinabi ni Malang, inaalam pa ng mga awtoridad kung posibleng konektado ang dalawa sa kidnapping group. Batay…

Read More

SUSPENSION NG EXCISE TAX ITINULAK SA BITIN NA ROLLBACK

BAGAMA’T welcome development ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na mas malaki ang magiging ginhawa sa publiko kung sususpendihin ang excise tax sa langis. Sinabi ni Hontiveros na bagama’t positibong hakbang ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipatutupad ang rollback, kailangan pa ring bantayan ang mga oil firm sa pagpapatupad nito. Dumarami anya ang reklamo mula sa publiko kaugnay sa labis na singil o profiteering sa gitna ng krisis sa enerhiya. Ipinaliwanag pa niya na malayo pa rin ang kasalukuyang…

Read More

LIGTAS NA PAGBABALIK NI ZALDY CO, TINIYAK NG PALASYO

TINIYAK ng Malakanyang na magbibigay ang pamahalaan ng kinakailangang proteksyon sa puganteng si dating Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co sa oras na maibalik ito sa bansa. Ito ang naging tugon ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa pahayag ni Senador JV Ejercito na isang hamon sa gobyerno ang ligtas na pagpapauwi kay Co, kasabay ng babala na may mga grupong umano’y ayaw itong makabalik at tumestigo sa kontrobersiya. Ayon kay Castro, kailangan munang patunayan kung may umiiral ngang banta sa buhay ni Co…

Read More

MALAKANYANG NAGPASALAMAT SA PUBLIKO SA PAGTAAS NG TRUST AT PERFORMANCE RATING NI PBBM

NAGPASALAMAT ang Malakanyang sa publiko kasunod ng pagtaas ng trust at performance rating ni Ferdinand Marcos Jr. sa unang quarter ng 2026, batay sa non-commissioned survey ng OCTA Research na isinagawa noong Marso 19–25. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nagpapakita ito na nakikita ng publiko ang ginagawa ng pamahalaan. “Magandang nakikita at nararamdaman ng ating mga kababayan kung ano ang ginagawa ng gobyerno para sa kanila,” ani Castro. Gayunman, iginiit niya na patuloy na magtatrabaho ang Pangulo anuman ang maging resulta ng…

Read More

PANUKALANG ‘BTS FOR STUDENTS AND LEARNERS ACT’, INIHAIN SA SENADO NI MARK VILLAR

NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng Senate Bill No. 2048 o ang “Boosted Technology Subsidy (BTS) for Students and Learners Act,” na layong palawakin ang akses sa teknolohiya at digitization ng mga mag-aaral. Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng subsidiya ang mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa pampublikong paaralan, State Universities and Colleges (SUCs), Alternative Learning System (ALS), at iba pang institusyon para sa gadgets, internet connectivity, at subscription sa artificial intelligence (AI) tools. Ayon sa senador, tugon ang panukala sa mga natuklasan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM…

Read More

EROPLANO NG PAL NAGSAGAWA NG EMERGENCY DIVERSION, MGA PASAHERO LIGTAS

LIGTAS ang lahat ng sakay ng isang eroplano ng Philippine Air Lines na nagsagawa ng emergency diversion sa Iloilo City, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). “All 175 passengers on board, including three infants, disembarked safely,” ayon sa CAAP. Nitong Lunes, kinumpirma ng CAAP na nagsagawa ng emergency diversion ang PAL Express flight patungong Manila, sa Iloilo dahil sa pressurization issue. Sa pahayag, sinabi ng CAAP na ang Flight GAP2544, na mula Dumaguete, ay nakaranas ng problema noong Linggo ng hapon, Abril 19. Bilang pag-iingat ay nagdeklara…

Read More

HIGIT 10 NPA NALAGAS SA SERYE NG ENGKWENTRO SA NEGROS OCCIDENTAL

NALAGASAN nang husto ang hanay ng nalalabing New People’s Army, ang armadong galamay ng Communist Party of the Philippines, nang maglunsad ng focus tactical operation ang mga tauhan ng pamahalaan matapos ang anim na sunod-sunod sa engkwentro sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Sa ibinahaging ulat ng AFP Visayas Command (VISCOM), mahigit sa sampung communist terrorists ang kanilang naneyutralisa habang pitong high-powered firearms, kasama ang ilang war materiel at personal belongings ang nasamsam ng mga elemento ng 79th Infantry Battalion na nasa ilalim ng 303rd Infantry Brigade ng Joint Task…

Read More

BLACK HAWK DINEPLOY SA FOREST FIRE SA HOMONHON

PATULOY ang operasyon ng mga awtoridad upang apulahin ang grass at forest fire sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar na nagsimula ilang araw na ang nakalipas. Ayon kay Col. Ma. Christina Basco ng Philippine Air Force, nagdeploy ng S-70i Black Hawk helicopter ang PAF upang magsagawa ng aerial firefighting operations gamit ang heli bucket system. Layunin ng operasyon na mapigil ang paglawak ng sunog, lalo na sa mga lugar na hindi naaabot ng ground responders dahil sa matarik na terrain. Sa kasalukuyan, nakapagsagawa na ng siyam na sorties ang…

Read More

P30.78-M KETAMINE NASABAT SA CLARK, ISINALIN NG BOC SA PDEA

TIMBOG! Iprinisenta nina (mula sa kaliwa) BOC Port of Clark District Collector Jairus S. Reyes, PDEA Region III Director Jigger B. Montallana at BOC Enforcement Group Deputy Commissioner Nolasco K. Bathan sa media ang nasamsam na P30.780 milyong halaga ng “relaxant” Ketamine na diumano ay hinahalo sa iba pang ilegal na droga at ginagamit tuwing may mga wild party. (JUNEX DORONIO) ANGELES CITY — Pormal na isinalin kahapon (Abril 20) ng Bureau of Customs – Port of Clark sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabat na shipment ng Ketamine…

Read More