BINUWAG na ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang Task Force Disiplina kasunod ng insidente ng pamamaril ng isang miyembro nito sa tatlong magkakaibigan sa Barangay Batasan Hills noong Lunes, Oktubre 12. Iniutos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa lahat ng miyembro ng Task Force Disiplina na bumalik sa kanilang orihinal na yunit, ang Department of Public Order and Safety (DPOS). Bago muling manatili sa DPOS, kailangang sumailalim ang bawat tauhan sa mahigpit na background check, neuropsychological examination at drug test, gayundin ang pagsusumite ng National Bureau of Investigation…
Read MoreCategory: BALITA
HEPE NG QC POLICE CLEARANCE SINIBAK
INALIS sa puwesto ang hepe ng Police Clearance Section ng Quezon City Police District (QCPD) habang iniimbestigahan ang viral na reklamo sa social media tungkol sa umano’y pagkaantala ng serbisyo sa pagkuha ng police clearance sa Quezon City Hall noong Oktubre 12. Batay sa ulat, nag-viral ang reklamo ng isang aplikante na nagsabing naantala umano ang pagproseso ng police clearance dahil sa pagdiriwang ng kaarawan ng ilang tauhan ng tanggapan. Sa isang pahayag, sinabi ng QCPD na seryoso nitong tinutugunan ang insidente at nagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang matukoy…
Read MoreKAPANSANAN HINDI DAPAT GAWING ‘PUNCHLINE’ — TULFO
KINONDENA ni Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, ang pangungutya kay Joshua Aquino sa isang podcast ng “Machong Chismisan,” kung saan tinawag umano itong “walang kuwenta.” Ayon kay Tulfo, kabalintunaan na ang mga taong walang kapansanan ay sila pang nagpapakita ng kakulangan sa pang-unawa at pagiging sensitibo sa mga pinagdaraanan ng mga persons with disabilities (PWDs). Kung nakararanas ng ganitong pagtrato ang mga PWD mula sa mga kilalang pamilya, mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ang diskriminasyong kinahaharap ng mga ordinaryong Pilipinong…
Read MorePIRMA SA SALN NI VP SARA SANDIGAN NG KASO SA UNEXPLAINED WEALTH — CHUA
IGINIIT ni Rep. Joel Chua na hindi basta maituturing na gawa-gawa lamang ang mga ebidensyang ginagamit laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman, dahil nakabatay ang mga ito sa kanyang pirmadong deklarasyon ng ari-arian at iba pang rekord pinansyal. Ayon kay Chua, na kabilang sa prosekusyon sa impeachment trial ni Duterte, nagmula ang mga dokumentong ginamit sa pagsusuri sa sariling mga deklarasyon at rekord pinansyal ng bise presidente, ng kanyang asawa at ng kanilang mga interes sa negosyo. Ginamit umano ng prosekusyon ang…
Read More14 NA PAGYANIG NAITALA SA MAYON
NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 14 na volcanic earthquake sa Bulkang Mayon sa gitna ng patuloy na aktibidad nito noong Huwebes, Oktubre 15, 2026. Ayon sa Phivolcs, nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, na nagpapahiwatig ng katamtamang antas ng pagkabalisa at posibilidad ng mapanganib na aktibidad. Namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa taas na 600 metro. Iniulat din ng ahensya ang pamamaga ng bulkan, na sinundan ng panandaliang pag-impis sa hilagang-silangang bahagi nito. Mahigpit na ipinagbabawal…
Read MoreNgayong ‘ber’ months BOC DOBLE-KAYOD VS SMUGGLING, ABERYA SA BALIKBAYAN BOXES
DOBLE-KAYOD ang Bureau of Customs (BOC) ngayong ber months sa harap ng inaasahang pagdami ng mga inaangkat na produkto para sa Pasko at Bagong Taon, kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga ipinadadalang balikbayan box mula sa ibang bansa. Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, pinaigting ng Aduana ang operasyon sa mga pantalan habang patuloy na ipinapatupad ang mga regulasyon, inspeksyon at kampanya laban sa smuggling upang matiyak ang maayos na pagproseso ng mga kargamento sa panahon ng dagsaan ng mga padala. Tiniyak ni Nepomuceno na sisikapin ng BOC…
Read MorePOLITIKO ININGUSO SA NASABAT NA 521 KILO NG SHABU SA LAOS
ISANG politikong mula sa Mindanao ang hinihinalang sangkot sa nabigong pagpupuslit ng 521 kilo ng shabu mula sa Laos papasok ng Pilipinas. Ayon sa PDEA, sa kanilang imbestigasyon, isang politiko mula sa Mindanao ang nagpondo sa chartered private jet na gagamitin sana para magpuslit ng 521 kilo ng shabu (nagkakahalaga ng P3.54 bilyon) mula sa Laos patungong Pilipinas. “We have identified the financier behind this drug operation. This politician is based in the South, in Mindanao,” ani PDEA spokesperson, Atty. Joseph Frederick Calulut, sa panayam ng media nitong Huwebes. Subalit…
Read MoreBOC PINASALAMATAN PH NAVY SA ₱4-B NASAMSAM NA KONTRABANDO
PINASALAMATAN ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang Philippine Navy-Naval Command Western Mindanao (NCWM) sa matagumpay na mga operasyon laban sa smuggling na nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit ₱4 bilyong halaga ng hinihinalang kontrabando at mga puslit na produkto sa Western Mindanao mula Setyembre 11 hanggang Oktubre 3, 2026. Kabilang sa mga operasyon ng NCWM ang pagharang sa dalawang barkong may kargang 20,000 metric tons ng bigas mula Vietnam na tinatayang nagkakahalaga ng ₱700 milyon. Naharang ang mga barko dahil sa mga kwestyonableng dokumento at kinanselang permit. Ayon kay Nepomuceno,…
Read MoreIMPEACHMENT TRIAL ‘DI PAG-AAKSAYA NG PONDO- PROSEC
PINABULAANAN ng House prosecution panel ang akusasyong nag-aksaya ito ng pondo ng bayan sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, sa kabila ng desisyong bawiin ang tatlo sa apat na artikulo ng impeachment laban sa Bise Presidente. Ito ang tugon ni House Prosecutor Terry Ridon ng Bicol Saro Party-list kay Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, na nagsabing nasayang ang 38 araw ng paglilitis matapos ibasura ng prosekusyon ang tatlong artikulo ng impeachment. “Pero alam po ninyo, walang presyo ‘yung hustisya, walang presyo ‘yung pananagutan, walang…
Read More