MARIING iginiit ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nanggugulo ang Pilipinas sa rehiyon sa patuloy nitong pagtatanggol sa maritime rights at sovereign rights ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, hindi uurong ang Pilipinas sa paninindigan nito sa WPS at iba pang lugar na inaangkin o pilit na inaangkin ng China. Giit ni Teodoro, ang China ang dapat managot sa mga tensiyon sa rehiyon dahil sa mga kilos nito na kinukuwestiyon ng Pilipinas at iba…
Read MoreCategory: BALITA
AKTIBONG PULIS AT EX-ARMY, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG BARIL
DINAMBA ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang aktibong pulis at dating sundalo sa ikinasang buy-bust operation. Ayon sa ulat ng pulisya, inaresto ang dalawang suspek noong Martes ng hapon sa Barangay Puelay, Villasis, Pangasinan. Ang isang suspek ay may ranggong police chief master sergeant at nakatalaga sa Cuyapo Municipal Police Station sa Nueva Ecija, habang ang isa pang suspek ay 41-anyos na dating miyembro ng Philippine Army. Nakuha sa operasyon ang isang Bushmaster 5.56-millimeter rifle, isang caliber .45 pistol, mga magazine, bala at boodle…
Read More₱605,208 PONDO NG SK SA SJDM, BULACAN, ISINUMBONG SA OMBUDSMAN DAHIL SA ‘GHOST SCHOLARSHIP’ AT IBA PANG IREGULARIDAD
Isinumbong sa Office of the Ombudsman ang apat na kasalukuyan at dating opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Fatima V sa San Jose del Monte (SJDM), Bulacan dahil sa umano’y mga iregularidad sa paggamit ng ₱605,208 na pondo, kabilang ang kuwestiyonableng pamamahagi ng educational assistance at mga transaksiyon sa procurement. Batay sa reklamong inihain ng Barangay Advocates and Network of Taxpayers and Accountable Youth (BANTAY), nakabatay ang mga alegasyon sa Audit Observation Memorandum ng Commission on Audit (COA) na may petsang Oktubre 14, 2024, na tumukoy umano sa kakulangan…
Read MoreWalang mali sa pakikipag-ugnayan – Malacañang TERITORYO LANG ISYU NG PH SA CHINA
IGINIIT ng Malacañang na walang problema sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Tsina sa pamamagitan ng mga diplomatikong paraan, ngunit hindi ito nangangahulugang isasantabi ng bansa ang pagtatanggol sa teritoryo at pambansang interes nito sa West Philippine Sea. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nananatili ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina, lalo na sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan. “And we are also dealing with China in a very diplomatic manner. So, walang hindi magandang relasyon sa China,” ani Castro. Tugon ito sa pahayag…
Read MoreSa pagpuna sa anti-drug ops ng admin MALACAÑANG BUMUWELTA KAY VP SARA
KINUWESTIYON ng Malacañang ang naging reaksyon ni Vice President Sara Duterte sa pagkakasabat ng mga ilegal na droga sa mga operasyon ng awtoridad sa Southeast Asia, na sinabing tila hindi nito nabigyang-pansin ang mga pagsisikap ng administrasyong Marcos na pigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nakapagtataka ang mabilis na reaksyon ni Duterte sa pagkakasabat ng droga sa ibang bansa, samantalang hindi umano ito nagpapakita ng kaparehong atensiyon sa mga operasyon laban sa ilegal na…
Read More6.49M PINOY PASOK SA FIRST TRANCHE NG UPLIFT AID
TINATAYANG 6.49 milyong Pilipino ang makatatanggap ng unang tranche ng tulong sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program ng pamahalaan. Ayon sa Office of the Executive Secretary (OES), umabot na sa kabuuang P19.55 bilyon ang naipamahagi ng gobyerno para sa implementasyon ng programa, batay sa datos hanggang Oktubre 7. Pinalawig ang UPLIFT sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matulungan ang 7.5 milyong pamilyang bulnerable sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at ng mga pangunahing bilihin. Sa…
Read MoreP4.19M DROGA NAKUMPISKA SA REGION 6
UMABOT sa halagang P4.19 milyong hinihinalang droga ang nakumpiska ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa loob ng isang linggo. Ayon kay Regional Director PBGen Randulf T. Tuaño, mula Oktubre 5 hanggang 11, nagsagawa ng 23 anti-illegal drug operations ang PRO6. Kabilang dito ang walong operasyon sa High-Value Individuals (HVIs), 13 operasyon sa Street-Level Individuals (SLIs), at apat na nakatala bilang “Not Listed”. Sa nabanggit na operasyon, nakakumpiska ng 616.31 gramo ng hinihinalang shabu, 25.57 gramo ng hinihinalang kush, at dalawang gramo ng hinihinalang marijuana, na may kabuuang Standard Drug…
Read MoreSUICIDE SINISILIP SA PAGKAMATAY NG ESTUDYANTE
PALAISIPAN sa mga imbestigador kung nagpakamatay ang isang 21-anyos na estudyante na natagpuang may sugat sa ulo at walang buhay sa kanyang kuwarto sa Southville Subd., Brgy. Inocencio, Trece Martires City noong Lunes ng hapon. Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) ang biktimang si alyas “Edwin”, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite subalit idineklarang patay na ito. Ayon sa ulat, bandang alas-4:35 ng hapon nang pumasok ang ina sa kuwarto ng biktima at bumulaga sa kanya ang anak na nakahiga ngunit wala nang buhay at may…
Read MoreSa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal SUSPENDIDONG KAPITAN NAG-IWAN NG P2.1M BAYARIN
IBINUNYAG ni Acting Punong Barangay Arky Manning ang mabibigat na problemang kinahaharap ng Barangay San Isidro sa Taytay, Rizal kabilang ang mahigit P2.1 milyong utang, pagkaputol ng suplay ng tubig, at iba pang isyu sa operasyon at pananalapi ng barangay. Nang umupo si Manning noong Oktubre 2, natuklasan na lamang na P88,000 ang natitirang pondo ng barangay, habang ang mga obligasyon nito sa mga supplier at iba pang bayarin ay lumalampas sa P2.1 milyon. Kasama sa mga hindi nababayarang obligasyon ang singil sa tubig na umabot sa P160,000 sa loob…
Read More