ARESTADO ang isang 43-anyos na lalaki matapos umanong mahuli sa akto ng iligal na pagkukumpuni at pagkonekta ng mga kable ng kuryente o jumper sa West Riverside, Barangay San Antonio, Quezon City, nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 15. Kinilala ang suspek sa alyas na “Jon.” Nakumpiska mula sa kanya ang mga hinihinalang ninakaw na kable ng kuryente, isang martilyo, pliers at dalawang improvised na pait. Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon matapos makipag-ugnayan ang Manila Electric Company (Meralco) kaugnay ng mga nawawalang kable at iba pang pasilidad ng kuryente sa…
Read MoreCategory: BALITA
DOJ, MULING IGINIIT PAGTUTOL SA DEATH PENALTY
MULING tiniyak ng Department of Justice (DOJ) ang paninindigan ng Pilipinas laban sa parusang kamatayan kasunod ng pagbisita ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga, sa kagawaran. Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez, bumisita si Arroyo upang talakayin ang mga hakbang na maaaring isulong upang mahikayat ang iba pang bansa sa Asya na talikuran ang death penalty. Nagsisilbi si Arroyo bilang commissioner ng International Commission Against Death Penalty at naging facilitator ng trilateral dialogue sa pagitan ng Pilipinas, Timor-Leste at Cambodia. Layunin ng dayalogo na palakasin…
Read More11 PERSONS OF INTEREST SA 521 KILONG SHABU NA NASABAT SA LAOS, KINILALA NG DILG AT PDEA
Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 11 persons of interest na umano’y may kaugnayan sa tangkang pagpupuslit sa Pilipinas ng 521 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang ₱3.5 bilyon, na nasabat ng mga awtoridad sa Laos noong Oktubre 1, 2026. Sa isang press briefing, ipinakita ni Interior Secretary Jonvic Remulla, kasama si PDEA Director General Isagani Nerez, ang link diagram na nag-uugnay sa mga persons of interest, kabilang ang mga hinihinalang nagpondo at nag-ayos ng pag-upa sa pribadong…
Read MoreSPEAKER DY, NAKIISA KAY PBBM SA IKA-125 ANIBERSARYO NG PHILIPPINE COAST GUARD
NAKIISA si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes sa Eva Macapagal Super Terminal sa South Harbor, Maynila. Binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang palakasin ang kakayahan ng PCG sa gitna ng lumalawak na hamon sa seguridad at kaligtasan sa karagatan. Dumalo rin sa pagdiriwang sina Department of Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez, Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, at PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos…
Read MoreTAX CREDITS SA MGA NEGOSYONG NAGBIBIGAY NG DISKUWENTO SA SENIOR CITIZENS AT PWDs, ISINULONG NI VILLAR
NAGHAIN si Senator Mark Villar ng panukalang batas na naglalayong magkaloob ng tax credits sa mga negosyong nagbibigay ng mandatoryong diskuwento sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs), upang mabawasan ang pinansiyal na pasanin ng mga establisimyento habang napapanatili ang mga benepisyo ng mga naturang sektor. Sa ilalim ng Senate Bill No. 2494, o ang panukalang “Tax Credit for Senior Citizens and Persons with Disability Discount Act,” layong amyendahan ang Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010, at Republic Act No. 7277 o Magna Carta…
Read MoreFace to face classes sa 7 paaralan sinuspinde 3 SUNDALO PATAY SA SAGUPAAN SA MINDORO
SIMULA nitong Huwebes, pansamantalang sinuspinde ang klase sa ilang paaralan sa Mindoro at pinaalalahanan ang mga residenteng malapit sa iniulat na encounter site sa pagitan ng Philippine Army at Communist Terrorist Group sa Bulalacao, Oriental Mindoro na sinasabing ikinasawi ng tatlong sundalo. Dahil sa madugong sagupaan sa pagitan ng Philippine Army at New People’s Army, ipinag-utos ng municipal government ng Bulalacao na suspendihin ang face-to-face classes sa pitong paaralan. Sa Memorandum Order No. 10-289, series of 2026, dated Oct. 14, iniutos ni Mayor Lumelito M. Cabagay ang suspensyon ng in-person…
Read MoreBRGY. CHAIRMAN ITINUMBA SA SARILING BAHAY
PATAY ang isang barangay chairman ng Barangay Sta. Anastasia sa Sto. Tomas City, Batangas matapos ratratin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa kanyang bahay dakong alas-6 ng umaga nitong Huwebes. Kinilala ang biktimang si Brgy. Chairman Dennis Tenorio Austria, ang dating number one kagawad na pumalit sa dating barangay chairman, na naging municipal administrator ng lungsod. Kaugnay nito, nananawagan ng hustisya ang pamilya at komunidad para kay Chairman Austria, 50-anyos, matapos pagbabarilin sa kanyang bahay. Ayon sa Sto. Tomas Police, riding in tandem ang hinihinalang mga suspek sa krimen.…
Read MoreDATING PULIS, 4 PA ARESTADO SA P2.5M DROGA
KALABOSO ang limang indibidwal kabilang ang isang dating pulis, sa ikinasang drug buy-bust operation noong Martes ng hapon sa Barangay Cahaguikican, Pototan, Iloilo. Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang Iloilo Provincial Drug Enforcement Team 2 (PDEU2) sa Barangay Cahaguikican na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek. Nakumpiska sa kanila ang 415 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na mahigit P2.5 milyon. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Garry”, 46; “Rolly”, 47, dating pulis; “Bert”, 48; “Warren”, 23, at “Arnick”, 37-anyos.…
Read More109 LUGAR NASA STATE OF CALAMITY NA DAHIL SA EL NIÑO
HINDI pa ganap na nararanasan ang matinding epekto ng El Niño phenomenon sa bansa subalit nasa 109 lugar na ang nagdeklara ng state of calamity, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa ibinahaging situational report ng NDRRMC, umakyat na sa 109 ang bilang ng mga lungsod at munisipalidad sa bansa na nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño. Batay sa datos ng ahensya, nadagdagan ng dalawang lugar ang dating 107 na nasa ilalim ng state of calamity matapos magdeklara ang mga…
Read More