HINDI naitago ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagkadismaya sa Senate Blue Ribbon committee dahil mistulang tumitiklop na umano ang mga ito kapag nababanggit ang pangalan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at dating House Speaker Martin Romualdez. “Enough of the deception,” ani Duterte. Bukod aniya sa nilulunod na ngayon ang publiko sa half-baked impeachment case laban kay Marcos ay hindi pa rin ginagalaw ang mga nasa poder sa pag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects. “Why are Tambaloslos and Bangag Jr. permanently untouchable? Why does every investigation suddenly…
Read MoreCategory: BALITA
Complainant abogado ni FL Liza? IMPEACHMENT VS PBBM “LUTONG MACAU”
TINAWAG na “lutong Macau,” “drama series,” at “basura” ng ilang mambabatas ang kauna-unahang impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, kapansin-pansin umano na ang naghain ng impeachment complaint na si Atty. Andre De Jesus ay abogado rin ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa disbarment case laban kay dating Biliran Rep. Glen Chong. Sa kanyang social media post, nagpahayag ng pagkadismaya si Duterte at iginiit na tila may iisang “pattern” sa mga pangyayari. “Kita naman ta sa papeles. Kita…
Read MorePANGALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT VS PBBM IHAHAIN NGAYONG HUWEBES
KINUMPIRMA ng Makabayan bloc sa Kamara na ihahain nila ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ng Huwebes. Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, nakasentro sa betrayal of public trust ang ihahain nilang reklamo dahil hinayaan ni Marcos ang malawakang katiwalian sa flood control projects. Umaasa si Tinio na kabilang ang kanilang reklamo sa isasama ng liderato ng Kamara sa order of business pagbalik trabaho ng Kongreso sa Lunes, Enero 26. (BERNARD TAGUINOD) 157
Read More3 DAY NATIONAL DECONGESTIONS SUMMIT SINIMULAN NA
UMARANGKADA na sa Metro Manila ang ikalawang National Decongestion Summit sa pangunguna ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC, na binubuo ng Korte Suprema, Department of Justice at Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon. Layon ng tatlong araw na aktibidad na gaganapin sa Manila Hotel mula January 21-23, para paigtingin ang mga hakbang para sa pagpapaluwag ng mga piitan sa bansa. Kabilang sa mga pangunahing tatalakayin sa summit ang pagsasama o unification ng Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology sa isang integrated correctional…
Read MoreREPEAT OFFENDER, TIMBOG SA BARIL
INIULAT ni Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD) PCol. Randy Glenn Silvio ang matagumpay na pagkaaresto sa isang alias “Mark,” 42-taong gulang, residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City, sa kasong illegal possession of firearms sa isinagawang anti-criminality operation ng Talipapa Police Station (PS 3), sa pangangasiwa ni PLt. Col. Von DV Alejandrino. Sinabi sa ulat, bandang alas-11:00 ng gabi noong Enero 18, 2026, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng PS 3, sa isang eskinita sa Barangay Tandang Sora, nang mapansin nila ang isang lalaki…
Read MorePANIBAGONG PLUNDER, GRAFT ISINAMPA LABAN KAY VP SARA
NAGHAIN ng kasong plunder at graft si dating senador Sonny Trillanes, kasama ang mga miyembro ng civil society group na The Silent Majority, laban kay Vice President Sara Duterte sa Office of the Ombudsman nitong Miyerkoles, Enero 21, 2026. Ayon sa reklamo, inaakusahan si Duterte ng malawakang maling paggamit ng pondo ng bayan kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang Bise Presidente at bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd), gayundin noong siya ay alkalde ng Davao City. Kabilang dito ang kanyang P2.7 bilyon na confidential funds at ang pagtanggap umano niya…
Read MoreNAGPARAMDAM NA? ZALDY CO MAY ‘SURRENDER FEELERS’ – DOJ
KINUMPIRMA ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na may mga umano’y “feelers” na ipinaaabot si dating AKO Bicol Party-list rep. Elizaldy “Zaldy” Co para makipagdayalogo sa pamahalaan. Ayon kay Remulla, ang mga pahiwatig ay dumaan sa ilang pari na personal niyang kakilala. Gayunman, nilinaw ng kalihim na hindi pa beripikado ang nasabing impormasyon. Sa kabila nito, iginiit ni Remulla na sineseryoso ng pamahalaan ang anomang indikasyon ng pakikipagdayalogo ng dating mambabatas. Si Co ay pinaghahanap ng mga awtoridad kaugnay ng umano’y P96.5 milyong maanomalyang flood control project sa…
Read MoreBARZAGA SINAMPAHAN NG IKATLONG CYBER LIBEL
NAGHAIN ng reklamong cyber libel si 2nd District Representative Rolando Valeriano, kasama ang kanyang abogado, sa Office of the City Prosecutor laban kay Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay ng umano’y mapanirang pahayag nito sa social media. Tinanggap ang reklamo ni Senior Assistant City Prosecutor Cesar Ramon Margaret. Ang kaso ay kaugnay ng paratang ni Barzaga na umano’y binayaran ng National Unity Party (NUP) ang ilang mambabatas ng negosyanteng Enrique Razon upang suportahan si Cong. Martin Romualdez bilang House Speaker. Sa panayam ng Manila City Hall Press Club, iginiit…
Read MoreALLOWANCE NG SENIORS, PWDs, SOLO PARENTS SA MAYNILA INILABAS NA
INANUNSYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na maglalabas ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng kabuuang P476.488 milyon na allowance para sa senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs) mula Enero 28 hanggang 30, 2026. Ayon kay Domagoso, sasaklawin ng payout ang mga hindi pa naibibigay na allowance mula Setyembre hanggang Disyembre 2025 para sa mga solo parent at PWD, at mula Oktubre hanggang Disyembre 2025 naman para sa mga senior citizen. Tinatayang aabot sa 282,040 benepisyaryo — kabilang ang mga senior citizen, solo parent, adult…
Read More