HINDI lamang mga biktima ng trahedya ang iniwan ng Binaliw landfill landslide, kundi pati na rin ang isang tahimik na bayani na nag-alay ng lakas at oras para sa kapwa. Isang 50-taong gulang na volunteer responder mula sa Toledo City, Cebu ang pumanaw matapos makaranas ng malubhang impeksiyon na nauwi sa sepsis, ilang araw matapos siyang makilahok sa search-and-rescue operation sa mga natabunan ng landslide. Ayon sa ulat ng BFP 7 – Cebu City Fire Station, kinumpirma ni Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) head at Councilor…
Read MoreCategory: BALITA
18-ANYOS PATAY SA SAKSAK NG KAPWA ESTUDYANTE
BATANGAS – Patay ang isang 18-taong gulang na estudyante matapos saksakin ng kapwa mag-aaral sa harap ng kanilang paaralan sa Brgy. Poblacion Zone 2, sa bayan ng Taal sa lalawigan noong Martes ng hapon, Enero 20. Ayon sa Taal Municipal Police Station, isinugod ang biktima sa Our Lady of Caysasay Medical Center sa Lemery, Batangas dahil sa mga tama ng saksak sa tiyan ngunit idineklarang wala nang buhay ng attending physician. Lumabas sa imbestigasyon na bandang alas-3 ng hapon nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek sa…
Read MoreINDEX CRIME SA METRO MANILA BUMABA NG 24% — PNP-NCRPO
BUMABA ng 24 porsiyento ang index crime sa Metro Manila sa pagpasok ng taong 2026, ayon sa Philippine National Police–National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO). Ayon sa NCRPO, sa unang bahagi ng buwan ay naitala ang 32 porsiyentong pagbaba sa mga kaso ng murder, 10 porsyento sa physical injuries, at 4 porsyento sa theft o pagnanakaw. Malaki rin ang ibinaba ng iba pang krimen, kabilang ang 67 porsiyentong pagbaba sa mga kaso ng rape, 89 porsiyento sa carnapping ng motor vehicles, at 60 porsiyento sa carnapping ng mga motorsiklo. Idiniin…
Read MoreP33.1-M JACKPOT SA MEGALOTTO 6/45 PAGHAHATIAN NG DALAWANG MANANAYA
MAGHAHATI ang dalawang maswerteng mananaya sa jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa katatapos na draw nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” Robles, parehong nahulaan ng dalawang bettors ang winning combination na 28-12-02-15-23-13, na may kabuuang premyong P33,193,409.20. Nabili ang mga nanalong tiket sa Davao del Sur at Maynila, habang 92 iba pang mananaya ang tatanggap ng tig-P32,000 matapos makahula ng limang tamang numero. Isinasagawa ang MegaLotto 6/45 draws tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Upang makuha ang premyo, kailangang…
Read MoreDAY 2 NG NATIONAL DECONGESTION SUMMIT NG SC UMARANGKADA
HUSTISYANG Mapagpalaya sa Sistemang Makabago ang tema ng ikalawang National Decongestion Summit na inorganisa ng Justice Sector Coordinating Council o JSCC na sinimulan kahapon at magtatapos ngayong Araw ng Biyernes, Enero 23. Layon ng JSCC sa pangunguna ng Korte Suprema katuwang ang Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG), sa ikalawang araw ng ‘Decongestion Reintegration Summit, na maresolba ang nagsisiksikang mga piitan na sumisira sa layunin ng makabuluhang pagbabago. Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, mananatiling matatag ang Korte Suprema sa paglutas sa…
Read MoreMaleta ng reklamo bitbit ng grupo ni Defensor KARAPATAN NG PILIPINO NA PANAGUTIN SI MARCOS IPINAGKAIT NG KAMARA
IPINAGKAIT umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sambayanang Pilipino ang karapatan nitong panagutin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos tumangging tanggapin ng Office of the Secretary General ang ikatlong impeachment complaint laban sa Pangulo. Ito ang pahayag ng grupo na pinamumunuan ni dating congressman Mike Defensor matapos hindi tanggapin ng tanggapan ni House Secretary General Atty. Cheloy Garafil ang kanilang reklamo dahil wala umano sa bansa ang opisyal. “The refusal of the Office of the Secretary General of the House of Representatives to accept the impeachment complaint is…
Read MoreROMUALDEZ NATUTUMBOK NA SA FLOOD SCAM?
(BERNARD TAGUINOD) UNTI-UNTI na umanong natutumbok si dating House Speaker Martin Romualdez sa sinasabing anomalya sa flood control projects, kaugnay ng kumpanyang sinasabing bumili ng isang mamahaling bahay sa Forbes Park, Makati City. Ito ang paniniwala ni Navotas Rep. Toby Tiangco, na patuloy na nananawagan na dapat may mapanagot na “malaking isda” sa nasabing anomalya upang maibalik ang tiwala ng mga negosyante sa pamahalaan. Ayon kay Tiangco, natumbok na umano ni Sen. Panfilo Lacson ang isang mahalagang lead sa imbestigasyon nang matukoy na ang bumili ng ari-arian sa 30 Tamarind…
Read MoreMAHAHATULAN SA FLOOD SCAM ITATAPON SA SABLAYAN
HANDA ang pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) sakaling masentensiyahan ang mga sangkot sa umano’y flood control scam. Sa panayam ng media sa ginanap na Second National Decongestion Summit sa Manila Hotel, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na patuloy ang konstruksiyon ng isang “supermax” prison facility sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro para sa high-profile criminals. “Almost done. This first quarter, matatapos na ito—just in case kailanganin maglagay ng facility para sa mga involved sa flood control cases,” ayon kay Catapang. Dagdag pa…
Read MoreJOURNALIST, ISA PA HINATULANG GUILTY SA PAG-FINANCE NG TERORISMO
HINATULAN ng guilty verdict ng korte ‘for financing terrorism’ ang community journalist na si Frenchie Mae Cumpio at ang co-accused nitong si Mariel Domequil nitong Huwebes, na may parusang pagkakakulong ng 12 hanggang 18 taon. Subalit pinawalang-sala naman sa kasong illegal possession of firearms and ammunition ang dalawa dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magpapatunay sa nasabing paratang. Ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), wagi ang sambayanang Pilipino sa decisive legal victory laban sa terorismo at doon sa mga tumutustos dito. “The court has…
Read More