DATING ERC COMMISSIONER ALFREDO NON, SINABON DAHIL SA DELAY NG RATE RESET NG NGCP AT MERALCO

Binatikos ng mga mambabatas si dating Energy Regulatory Commission (ERC) Commissioner Alfredo Non dahil sa pagkaantala ng rate reset ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Manila Electric Company (MERALCO), na parehong nakatanggap ng nasisi dahil sa umano’y kakulangan ng ahensya na dati niyang kinabibilangan. Sa isang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, kinuwestiyon si Non tungkol sa kawalan ng rate reset proceedings noong siya ay nanunungkulan pa sa ERC, na nagresulta sa lapsed period para sa NGCP at MERALCO. Binigyang diin ni Cagayan…

Read More

PAGBAGSAK NG CHOPPER SA NUEVA ECIJA, INIIMBESTIGAHAN

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tuloy-tuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pagbagsak ng isang helicopter na sinasabing sinakyan ni Senator Bato Dela Rosa, bago nag-crash sa Guimba, Nueva Ecija noong hapon ng Sabado na ikinamatay ng 25-anyos na babaeng piloto. Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio, maraming pag-aaralang factor sa pag-crash ng chopper tulad ng panahon, engine o makina ng helicopter, record ng piloto at ng mismong aircraft. Agad na nilinaw ng CAAP na mayroon…

Read More

POLICE VLOGGER KINASUHAN NG RAPE

ISANG tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang inilagay sa preventive custody dahil sa kinahaharap nitong kasong administratibo at kasong kriminal. Ayon kay PNP spokesperson at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, dinis-armahan na ng PRO4A ang police vlogger na inakusahan ng panggagahasa sa isang teller. Sinabi ni Fajardo, bukod sa dinidinig na kasong administratibo, sasampahan din ng kasong kriminal ang pulis at isa pang kasabwat na at-large. Ang biktimang teller ng sabungan sa Batangas, ay kasalukuyang nasa pagamutan dahil sa trauma na dinanas nito sa kamay ng nasabing police vlogger.…

Read More

Netizens napa-throwback sa pagyao ni Barbie Hsu WE WILL MISS YOU, SHAN CHAI

BROKENHEARTED ang Meteor Garden fans sa balitang pumanaw na si Barbie Hsu na siyang gumanap bilang San Cai sa naturang hit Asian series. Ang 48-anyos na si Hsu ay sinasabing nasawi sa komplikasyong dulot ng influenza. Kinumpirma ang balita ng kanyang nakababatang kapatid na si Dee Hsu, Taiwanese host, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag na ipinadala sa mga miyembro ng media sa Taiwan. Kwento ng kapatid ni Hsu, nagbakasyon ang kanilang pamilya sa Japan noong Chinese New Year ngunit sa kasamaang palad ay dinapuan ng influenza-related pneumonia ang…

Read More

TULAK LAGLAG SA DRUG BUST

HINDI nakapalag ang isang 25-anyos na umano’y tulak ng ilegal na droga nang arestuhin sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Conde Street malapit sa Bilibid Viejo St., sa Barangay 391, Quiapo, Manila noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Awit”, jobless, residente ng Quiapo, Manila. Batay sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo, Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa nabanggit na lugar na nagresulta…

Read More

TIRADOR NG KABLE AT BARIL, NASILO SA BINONDO

ISINELDA ng mga operatiba ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, ang isang 32-anyos na lalaki makaraang makitaan ng mga kable ng CCTV, at mahulihan ng improvised na baril sa Muelle Dela Industria malapit sa Numancia Street, Binondo, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Christian”, binata, jobless, tubong Pangasinan, at residente ng Sta. Cruz, Manila. Batay sa ulat ni Police Master Sergeant Bienvenida Rebaya kay Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang madakip ang suspek habang…

Read More

Ikinadismaya ni Former ES Rodriguez sa Marcos admin KORUPSYON, ‘KATAKAWAN’ NG PARTIDO FEDERAL

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TAHASANG sinabi ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez na ang talamak na korupsyon at panghihingi ng mga posisyon sa gobyerno ng mga kasama niya sa Partido Federal ng Pilipinas ang mga pangunahing dahilan ng kanyang pag-alis sa poder ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025,” sinabi ni Rodriguez na hindi niya masikmura ang korupsyon kaya siya nagpasyang umalis sa Malacañang. “Hindi ko masikmura ang korupsyon kung kaya’t ako ay umalis ng Malacañang. Ako ay binigyan pa ng isang…

Read More

Kaya takot ma-TRO 2025 budget AKAP, PORK BARREL NG KONGRESO MAHIHINTO

PINABULAANAN ni Atty. Vic Rodriguez sa isang panayam kamakailan ang pahayag na magsasara ang gobyerno sakaling panigan ng Korte Suprema ang petisyon nila laban sa 2025 national budget. Ayon sa dating executive secretary ng Marcos administration, tuloy-tuloy ang operasyon ng gobyerno at maging ang sahod ng mga empleyado ng estado gamit ang reenacted budget paboran man ng SC ang kanilang petisyon. “Ang matitigil lamang ay ‘yung political spending na nilalaman nitong 2025 budget. Doon sila takot. Mabibinbin ang kanilang ayuda, ang kanilang AKAP, yung kanilang AICS, yung kanilang pork barrel…

Read More

15% TARIFF: MALING PARAAN NG PAGTUGON SA KRISIS SA BIGAS – IMEE

BINANATAN ni Senator Imee Marcos ang pagbaba ng taripa sa bigas na isang maling konsepto upang matugunan ang krisis sa bigas. Sa pagdaraos kahapon ng 2nd National Assembly and Unification Summit PolPHIL Party (People’s Progressive Humanist Liberal Party), inihayag ni Sen. Marcos ang pagpuna sa hakbangin ng Department of Agriculture sa pagdagsa ng imported na bigas nang ibaba ang taripa nito sa 15 porsyento mula sa 35 porsyento. Paano makakaagapay ang magsasakang Pilipino dahil pinayayaman pa natin ang Vietnamese at Pakistani samantalang pinupulubi natin ang Pilipinong magsasaka, paalala ni Marcos.…

Read More