MISMONG ang Manila Regional Trial Court na ang naghain ng ‘not guilty’ plea para kay dating Negros Oriental representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. sa mga kinakaharap na kaso nito sa Branch 12 ng Manila Regional Trial Court. Ito’y dahil sa pananatiling tahimik ni Teves sa mga kasong illegal possession of firearms at explosives ng iharap siya sa korte para basahan ang sakdal kaugnay sa umanoy mga baril at pampasabog na nakuha sa kanyang bahay sa Bayawan City, sa Negros Oriental noong salakayin ng mga awtoridad. Mismong ang mga abogado ng…
Read MoreCategory: BALITA
PAGDARAOS NG BARMM ELECTION HINILING ITULOY
HINILING ng grupo ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman Mohagher Iqbal ang pagsasagawa ng Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao o BARMM election sa October 13. Dumalo si Iqbal kasama si Senadora Imee Marcos sa Kapihan sa Senado upang iparating ang panawagan ng kanilang grupo na ituloy ang eleksyon. Ayon kay Iqbal, nakakuha sila ng impormasyon na may mga nagsusulong na muling suspendihin sa ikatlong pagkakataon ang halalan sa BARRM kung kaya’t nagtungo sila sa Senado upang iparating ang panawagan ng mamamayan ng BARMM na ituloy ang halalan…
Read MorePULIS BAWAL NA TUMAMBAY SA MGA PCP
POSIBLENG mabuwag na ang mga Police Community Precinct (PCP) ngayong nakatutok ang pamunuan ng pambansang pulisya sa police visibility upang maagapan ang posibleng krimen. Matatandaang kabilang sa tagubilin ni PNP Chief General Nicanor Torre lll, na hindi kailangang manatili sa mga PCP ang mga pulis kundi nasa kalye. Ayon sa hepe, mas mainam kung sa lansangan mananatili ang kapulisan sa halip nakatambay sa mga Police Community Precinct. Sinang-ayunan naman ito nina Police Brigadier General Bonifacio Guzman at NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin. Bukod dito, pinaboran din ang walong…
Read MorePCP BOXES ISASARA PARA WALANG PULIS NA TAMBAY
UPANG matiyak ang pag-iikot ng mga pulis sa komunidad ay ipasasara ni PNP chief PGen. Nicolas Torre III, ang ilang police boxes at police community precincts. Ito ay bilang bahagi ng kampanya para paigtingin ang presensya ng mga pulis sa lansangan. Nabatid na karaniwang ginagawang tambayan ng mga pulis ang PCP. Sinabi ni Torre, dapat hawak ng mga pulis ang kanilang radyo habang nagpapatrolya, kung wala rin namang imbestigasyon sa PCP. Upang matiyak ang serbisyo publiko, kasabay ng pagpapalakas ng 911 hotline, inihayag ni Torre na pulis na mismo ang…
Read MoreEPEKTO NG PAGSASAPRIBADO SA NAIA SISILIPIN SA KAMARA
NAGHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang magiging epekto sa mga Pilipino ng pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Base sa House Resolution (HR) 2316 ina inakda nina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, ACT Teacher party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, inaatasan ng mga ito ang House committee on transportation na imbestigahan ang isyu. Unang isinapribado ang NAIA noong September 2024 kung saan ibinigay ang kontrata sa San Miguel Corporation-SAP Consortium na kinabibilangan ng San Miguel Corporation ni…
Read MorePANUKALANG P200 DAGDAG SAHOD IPINASA NA SA KAMARA
PINAGTIBAY na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na dagdagan ng P200 ang sahod ng mga manggagawa sa buong bansa kada araw. “With One hundred seventy one members voting in affirmative, one negative and zero abstention, the chair declares House Bill (HB) 11376, An Act Providing for P200 Daily Wage Increase for the minimum wage workers in private sector is hereby approved in third reading,” deklara ni presiding speaker Rep. Raymond Democrito Mendoza. Pasado alas-singko y medya ng hapon kahapon nang isalang ang nasabing panukalang batas sa ikatlo…
Read MoreSa pagtalikod sa constitutional mandate SENADO GARAPAL – SOLON
GARAPAL ang Senado sa planong idismis ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte nang hindi man lamang dinidinig ang articles of impeachment na tinanggap nila. Paglalarawan ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos kumalat kahapon ang draft ng resolusyon ng Senado na layong idismis ang impeachment case laban kay Duterte sa gitna ng debate kung itutuloy o hindi ang pag-convene sa Impeachment court. “Napakagarapal naman na gawin ‘yan ng Senado sa ngayon dahil alam naman natin ang panawagan, ang umiingay na panawagan ngayon ay put the vice…
Read MoreCOPS KILLER PATAY SA ENGKWENTRO
DEAD on the spot ang sinasabing responsable sa pagpatay sa dalawang Bulacan police noong Marso 8, 2025, kasunod ng sagupaan sa Zone 7, Barangay Bacagan, Baggao, Cagayan nitong Miyerkoles, Hunyo 4, 2025. Kinilala ang suspek na si alyas “Xander”, may kinahaharap na warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang kina PSSg. Dennis G. Cudiamat at PSSg. Gian George N. Dela Cruz, parehong miyembro ng Bocaue Municipal Police Station. Nabatid na napatay ang suspek sa isinagawang law enforcement operation ng pinagsanib na puwersa ng Baggao Police Station (lead unit), Regional Intelligence Division…
Read More4 COMMUNIST-TERRORIST GROUP MEMBERS NAPATAY, 7 FIREARMS NABAWI
PATAY ang apat na mga miyembro ng Communist-Terrorist Group (CTG) matapos ang magkakasunod na engkwentro sa mga tauhan ng Philippine Army sa Barangay Nagoocan, Catubig, Northern Samar. Ayon sa ulat ng 8th Infantry Division at Joint Task Force Storm ng Philippine Army, tinatayang nasa 30 rebelde ang nakasagupa ng mga sundalo sa nasabing lugar. Una rito, nakatanggap ng intelligence information ang 8th ID hinggil sa presensya ng mga armadong rebelde na umano’y nangingikil sa komunidad. Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng napatay na mga rebelde na pinaniniwalaang kasapi ng NPA…
Read More