NAMFREL: ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL NG KAMARA, KAPOS

TINAWAG ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na isang “kulang na tagumpay” ang pagpasa ng House Bill No. 8389 o Anti-Political Dynasty Act sa Kamara de Representantes. Bagama’t kinilala ng grupo ang makasaysayang hakbang ng Kamara matapos ang halos apat na dekada mula nang iatas ng 1987 Constitution ang pagpasa ng anti-political dynasty law, iginiit nitong hindi sapat ang kasalukuyang bersyon ng panukala. Ayon sa NAMFREL, sa halip na buwagin ang mga dinastiyang pampulitika, nililimitahan lamang ng HB 8389 kung sinu-sinong miyembro ng pamilya ang maaaring sabay na…

Read More

ANTI-TICKET SCALPING BILL, ISINUSULONG NI SEN. VILLAR

NANAWAGAN si Senador Mark Villar para sa agarang pagpasa ng Senate Bill No. 1989 o Anti-Ticket Scalping Act upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa mapagsamantalang bentahan ng tiket para sa mga konsiyerto, palaro at iba pang pampublikong kaganapan. Ayon kay Villar, lumalala na ang problema sa ticket scalping kung saan maraming tiket ang binibili nang maramihan at muling ibinebenta sa sobrang taas na halaga. “Marami na sa ating mga kababayan ang nakaranas na maubusan ng tiket dahil binibili ito nang maramihan at muling ibinebenta sa napakataas na presyo sa…

Read More

Cayetano bloc nagpasaklolo JUNE 3 HEARING NG SENADO PINABABASURA SA SC

ISANG araw bago ang special session ng Kongreso, naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang kampo ni Senador Alan Peter Cayetano upang ideklarang null and void ang naganap na June 3 session ng Senado. Sa kanyang 87-pages na petition for certiorari, nais ng kampo ni Cayetano na magpalabas ng status quo ante order ang Korte Suprema kaugnay sa mga naging aksyon ng grupo ni Senador Sherwin Gatchalian noong June 3. Hiling ng grupo sa Supreme Court na atasan ang Gatchalian bloc na itigil ang pagganap sa tungkulin bilang Acting Senate…

Read More

SECURITY SURVEY AND INSPECTION REGULAR NA ISASAGAWA SA SENADO

PATULOY na magsasagawa ang Philippine National Police ng komprehensibong security survey and inspection o SSI sa Senado bunsod ng nakumpirmang evolving security concern dito. Batay ito sa advisory para sa lahat ng mga senador at tanggapan sa Senado na inisyu ni acting Senate President at Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian. Ayon kay Gatchalian, bahagi ito ng heightened security measures na ipinatutupad sa senado batay sa kanyang memorandum noong June 9. Sinabi ni Gatchalian na makatutulong ang SSI para ma-evaluate ang kasalukuyang security measures sa senado, matukoy ang potensyal na…

Read More

NGCP NANGAKONG PABIBILISIN MGA KRITIKAL NA PROYEKTO SA POWER GRID

TINIYAK ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Malakanyang ang patuloy na pagpapalakas ng transmission network ng bansa upang masuportahan ang lumalaking pangangailangan sa enerhiya. Ayon sa NGCP, nananatili ang kanilang commitment na maghatid ng matatag, maaasahan at mas malakas na power system para sa bansa. Sinabi ng korporasyon na nagpapatuloy ang implementasyon ng mga kritikal na transmission projects upang matugunan ang tumataas na demand sa kuryente at masuportahan ang integration ng mga bagong planta at renewable energy sources. Malugod din umanong tinatanggap ng NGCP ang patuloy na…

Read More

LALAKING NAGJA-JUMPER, ARESTADO SA MAYNILA

Arestado ang isang lalaking nakunan ng video na lantarang nagkakabit ng jumper sa Sta. Cruz, Maynila nitong Lunes, Hunyo 15, 2026. Timbog ang suspek sa agarang pag-aksyon ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Meralco na magkasamang nagsagawa ng entrapment operation sa kanto ng Tomas Mapua at Bambang. Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity Pilferage Act ang nasabing suspek. Ang pagnanakaw ng kuryente at mga pasilidad ay may parusang hindi bababa sa 12 taon na pagkakakulong at multang aabot sa hanggang P100,000. Samantala, isinasaayos naman…

Read More

RESCUED DOGS SHELTER POSIBLENG MAGSARA SA KAKULANGAN SA TUBIG

MALUNGKOT na inanunsyo ng Aspin Academy Corp., ang grupong kumakalinga sa rescued dogs sa Tayabas City, Quezon, na posibleng tuluyan nang isara ang kanilang shelter dahil sa matagal nang problema sa kakulangan sa maaasahang water source. Ayon sa grupo, taon na nilang dinaranas ang hirap sa suplay ng tubig na kritikal sa araw-araw na pangangalaga sa mahigit 70 asong na-rescue mula sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON. Giit nila, mula pa noong 2024 ay paulit-ulit na silang humihingi ng tulong at nagsisikap na makalikom ng pondo para makapagpatayo ng deep…

Read More

Maayos pang kalsada binabakbak DPWH PINAGPAPALIWANAG SA P140-M PROYEKTO SA LAGUNA

UMALMA ang ilang motorista at residente sa ginagawang pagbabakbak at rehabilitasyon sa bahagi ng Cavinti-Caliraya Road sa Laguna na ayon sa kanila ay nasa maayos pang kondisyon. Batay sa naka-post na project billboard, aabot sa mahigit P140.4 milyon ang halaga ng proyekto para sa nasa 3 kilometrong asphalt overlay ng ilang bahagi ng naturang kalsada, na pinondohan sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act at ipinatutupad ng DPWH Regional Office IV-A. Sa mga kumakalat na video at pahayag sa social media, kinuwestiyon ng ilang mamamayan kung bakit isinailalim sa…

Read More

MISIS NI CHAIRMAN, ISA PA PATAY SA AMBUSH

AGAD ipinag-utos ang malawakang manhunt operation laban sa armadong kalalakihan na responsable sa pananambang na ikinasawi ng dalawa katao kabilang ang common law wife ng isang barangay chairman, at ikinasugat ng tatlong iba pa nitong Lunes ng umaga sa Barangay Salvacion, Albuera, sa lalawigan ng Leyte. Ayon sa Leyte Police Provincial Office, nasawi sa ambush sina Maria Noya Velos, 51; at Sherwin Villones Gumop-As, 23, kapwa residente ng Brgy. Salvacion. Si Velos ay sinasabing live-in partner ni Walter Taripe, punong barangay ng Salvacion. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng…

Read More