PNP, NBI PINAGPAPALIWANAG NI TULFO SA PATULOY NA OPERASYON NG E-SABONG

NAIS ni Senate committee chairman on Games and Amusement Sen. Erwin Tulfo na magpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa susunod na hearing kung bakit patuloy na nag-ooperate ang mga online sabong gayong idineklara na itong ilegal ng pamahalaan noong nakaraan pang administrasyon. Sinabi ni Sen. Tulfo, “Nakakasira na nga ng buhay, hindi pa nagbabayad ng buwis sa gobyerno itong dalawang operator ng illegal online sabong sa bansa”. Humihingi umano ang Philippine Amusement ang Gaming Corporation (Pagcor) ng tulong sa PNP at NBI para…

Read More

HIGIT 7K KATAO SA 17 REHIYON NABIGYAN NG LIBRENG TB SCREENING AT SERVICES NG DOH

PINANGUNAHAN ng Department of Health (DOH), kasama ang iba’t ibang organisasyon, ang Nationwide Simultaneous Active Case Finding at iba pang serbisyo para sa mahigit 7,000 katao sa 17 na rehiyon. Nagkaloob sila ng libreng: ✅TB screening – chest X-ray ✅Tuberculin Skin Test (TST) ✅TB confirmatory testing – sputum testing ✅HIV testing at counselling ✅Health education Layon ng DOH na mapalawak at mapabilis ang Tuberculosis Preventive Treatment (TPT) coverage na napatunayang epektibong proteksyon laban sa TB. Karaniwang binibigay ang TPT sa: ✅Taong naexpose sa pasyenteng may TB. ✅Persons Living with HIV…

Read More

KABATAAN NAGISING NA AT HANDANG LUMABAN PARA SA WPS – GOITIA

NANINIWALA si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na ang tunay na tagumpay ng dokumentaryong “Food Delivery: Fresh From the West Philippine Sea” ay hindi nasusukat sa dami ng manonood kundi sa naging epekto nito sa damdamin at kamalayan ng kabataan. Sa block screening ng dokumentaryo, inilarawan ni Goitia ang matinding emosyon ng mga kabataang nakapanood—galit, pagkadismaya, at pagkabahala—na kalaunan ay nauwi sa paninindigan at tapang na lumaban para sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. “Hindi lang sila galit, handa na sila. Ayaw na nilang manatiling tahimik. Alam…

Read More

SC KINALAMPAG PARA MATULOY BANGSAMORO ELECTION

KINALAMPAG kahapon ng ilang grupo ang Korte Suprema para hilingin na ituloy ang Bangsamoro elections sa Oktubre. Gayundin, nagpasaklolo ang grupong Truth and Justice Coalition, kasama si dating Presidential Anti-Corruption Commission Chairperson Greco Belgica upang himukin ang mga mahistrado ng SC na ikonsidera ang tuluyang pagresolba sa isyu ng Impeachment. Una nang nagprotesta ang isang grupo upang idulog ang kanilang hinaing at maging ang pagsuporta sa gaganaping Bangsamoro Parliamentary Elections 2025. Ayon kay Atty. Lanang T. Ali, Jr, Member of the Parliament ng Bangsamoro Transition Authority na dapat itong matuloy…

Read More

4 SUGATAN SA DEMOLISYON SA ‘PULONG DIYABLO’

BINALOT ng tensyon ang demolisyon sa 39 pamilya sa Jose Abad Santos Avenue malapit sa Old Antipolo St., Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga nang pumalag ang mga pinaaalis na residente at mambato ng bote. Sa ulat ng Jose Abad Santos Police Station 7 ng Manila Police District, umaga pa lamang ay tensiyonado na ag paligid. Nang magsimula ang pambabato ay agad tumulong ang mga miyembro ng District Mobile Force Batallon, mga kawani ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU) Special Weapon’s and Tactics ( SWAT) kasama ang mga…

Read More

APLIKASYON NI PATIDONGAN SA WPP UMUSAD NA

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na pasado na sa evaluation process ang mga reklamong nakapaloob sa mga salaysay ng whistleblower sa missing sabungeros na si Julie Patidongan alyas Totoy. Kinumpirma ito ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa isang panayam kung saan inihayag nito na sinimulan nang iproseso para sa ebalwasyon ang mga affidavit ni Totoy para tuluyan na siyang maipasok sa custody ng Witness Protection Program (WPP). Sa kasalukuyan, habang wala pa sa WPP si Patidongan nananatili muna ito sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) para…

Read More

TULAK NABINGWIT SA P74K SHABU

NABINGWIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Baseco Station 13 ng Manila Police District, ang isang 55-anyos na lalaki sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Block 9 Tambacan, Baseco Compound, Port Area Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si “Taib” alyas “Ama”, tubong Cotabato City at naninirahan sa naturang lugar. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Mark Jason Ramos, hepe ng SDEU, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, station commander, bandang alas-11:30 ng gabi nang isagawa ang operasyon…

Read More

10th URBAN GARDENING, COOKING CONTEST SA LAS PINAS

NAGPAGALINGAN ang mga lokal na kusinero mula sa iba’t ibang barangay ng Las Piñas sa ika-10 Urban Gardening and Cooking Competition na inorganisa ng Villar Foundation nitong Agosto 29, 2025, sa Pulang Lupa Uno. Layunin ng taunang paligsahan na itampok ang pagsisikap ng lungsod tungo sa sapat na suplay ng pagkain at urban agriculture, sa pamamagitan ng paghikayat sa mga residente na gawing produktibong taniman ang maliliit na espasyo. Hinahamon din ang mga kalahok na maghanda ng mga putahe gamit ang mga sangkap na mula mismo sa kanilang bakuran o…

Read More

KASO NG MISSING SABUNGEROS PASOK SA EJK – SOLON

PASOK sa Extrajudicial killings (EJK) ang kaso ng mga nawawalang sabungero na sinimulang silipin ng House committee on human rights at nakatakdang isalang sa full blown investigation ng Quad Committee. Ito ang nabatid kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa isang panayam kung saan nilinaw nito na hindi lamang ang mga biktima ng EJK sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pwedeng ipasok sa kategoryang ito. “The means by which these people are being killed and murdered and disposed off, again that’s the classic case…

Read More