DESTAB SA SENATE SHOOTING TINABLA NI BRAWNER

ITINANGGI ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Romeo Brawner Jr. na may kinalaman ang militar sa anomang destabilization kaugnay ng kaguluhan at putukan sa Senado nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Brawner, batay sa initial assessment ng Armed Forces of the Philippines, walang indikasyon na bahagi ng destabilization attempt ang nangyari. “As far as the AFP is concerned, wala. Pero tinitingnan lahat ng anggulo,” ani Brawner. Tiniyak din nito na mananatiling propesyonal ang kasundaluhan at hindi makikilahok sa anomang destabilization move. Dagdag pa ng AFP chief, wala ring…

Read More

MALACAÑANG SA ‘SENATE SHOOTING’: APLASCA NG OSAA UNANG PUMUTOK

SINABI ng Malakanyang na si Senate Sergeant-at-Arms at retired Police Major General Mao Aplasca ang unang nagpakawala ng warning shot sa insidente ng putukan sa Senado noong Miyerkoles. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi nagsagawa ng anomang pag-atake ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation. “Nagpakilala na NBI agents at nung nagsabi sila ng kanilang pagkakakilanlan, agad nagpaputok ng warning shot si Sergeant-at-Arms Mao Aplasca. At dahil do’n, napilitan ding magpaputok ng warning shot ang NBI…

Read More

HINULI SA SENATE SHOOTING, VOLUNTEER NG NBI — MATIBAG

NILINAW ni National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag na hindi opisyal na empleyado ng National Bureau of Investigation ang inaresto kaugnay ng shooting incident sa Senado. Ang suspek umano na si Mel Oragon, 44-anyos, na nakasaad sa police report ay driver ng NBI. Ayon kay Matibag, base sa kanilang beripikasyon, lumabas na hindi empleyado ng NBI si Oragon kundi isang “volunteer” lamang na nagsisilbing driver ng grupong dineploy sa Senado. “Well, sa ngayon po, binalideyt iyong aming records ng aming mga ahente at employees, siya po ay hindi…

Read More

IMPEACHMENT ARTICLES MAAYOS NAIPASA SA SENADO

KINUMPIRMA ni House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na naging matagumpay at maayos ang paglilipat ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte patungong Senado nitong Miyerkoles ng gabi. Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Garafil na nanatiling nakatutok ang Kamara sa pagtupad ng tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon sa kabila ng mga kasabay na kaganapan sa Senado. “The transmittal of the Articles of Impeachment to the Senate last night was completed successfully and in an orderly manner despite the many developments unfolding simultaneously,” ani Garafil. Ayon…

Read More

CAYETANO: NBI PWEDENG MAGHAIN NG WARRANT PERO LOCAL COURTS DAPAT

TINIYAK ni Senate President Alan Peter Cayetano na maaaring magsilbi o maghain ng warrant of arrest laban sa sinoman basta ito ay nagmula sa korte sa Pilipinas. Ayon kay Cayetano, kailangang sundin ang tamang proseso at hindi maaaring basta na lamang magtungo sa Senado upang maghain ng warrant of arrest. Sa ngayon, sinabi ni Cayetano na ginagamit pa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang lahat ng legal remedies bago magpasya kung paano nito haharapin ang warrant laban sa kanya. Matatandaang inihayag ng National Bureau of Investigation na mayroon itong…

Read More

NEPOMUCENO PINURI MGA BOC PORT NA LAMPAS SA TARGET COLLECTION

PINAPURIHAN ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang mga collection district ng Bureau of Customs na lumampas sa itinakdang revenue targets mula Enero hanggang Abril 2026. Ayon kay Nepomuceno, ipinapakita nito ang patuloy na dedikasyon ng Aduana sa revenue generation, trade facilitation at operational efficiency alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Kabilang sa mga pantalan na lumampas sa cumulative revenue targets ang Manila International Container Port na nakakolekta ng ₱78.994 bilyon, Batangas na may ₱79.615 bilyon, Cebu na may ₱16.473 bilyon, Davao na may ₱17.730…

Read More

PNP NIRERESPETO ‘NATATANGING’ PANAWAGAN NI BATO SA PMA ALUMNI

INIHAYAG ng Philippine National Police na iginagalang nito ang “natatanging” paraan ng panawagan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng suporta mula sa kanyang kapwa alumni ng Philippine Military Academy. Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, itinuturing ng PNP na isang paraan lamang ng pagpapahayag ng saloobin ang ginawa ng senador. “Sa ngayon, itinuturing ng PNP na isang natatanging paraan ng pagpapahayag ng kanyang saloobin ang ginawa ni Sen. dela Rosa hinggil sa mga pangyayari sa kanya. Iginagalang ng PNP ang ganitong uri ng pagpapahayag,” ani Tuaño. Sa…

Read More

DOJ: AKUSADO MAAARING ISUKO NG PH GOV’T SA INTERNATIONAL COURT

NANINDIGAN ang Department of Justice (DOJ) na maaaring isuko ng pamahalaang Pilipinas ang isang akusado sa international court alinsunod sa umiiral na batas. Hindi umano nagbabago ang posisyon ng DOJ kaugnay sa legalidad ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court laban kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa. Ayon kay Justice spokesperson Atty. Polo Martinez, sa ilalim ng Republic Act No. 9851 o batas na nagpaparusa sa genocide, war crimes at crimes against humanity, may dalawang opsyon para maipasa ang isang akusado sa international court o tribunal. Kabilang…

Read More

HINDI LANG SI VP SARA ‘NASA TRIAL’ SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS – INTON

HINDI lamang si Vice President Sara Duterte ang nakasalang sa impeachment trial kundi maging ang mga demokratikong institusyon ng bansa. Ito ang pananaw ni Atty. Ariel Inton kaugnay ng muling pag-impeach ng House of Representatives kay VP Sara Duterte. Ayon kay Inton, tapos na ang proseso sa Kamara at nasa Senado na ang susunod na yugto ng impeachment proceedings. “Tapos na sa House. Ang laban ay sa Senado na. Pero hintayin natin ang magiging pasya ng Korte Suprema sa mga kaso na isinampa tungkol sa proseso ng impeachment,” ani Inton.…

Read More