INILAGAY na sa restrictive custody ang policewoman na tiyahin ng isa sa dalawang menor de edad na suspek sa pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City. Ito ang kinumpirma ng National Police Commission (Napolcom) habang iniimbestigahan ang posibleng administrative liability ng pulis na umano’y may-ari ng baril na ginamit sa madugong insidente. Ayon kay Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, magsasagawa sila ng motu proprio investigation kasabay ng imbestigasyon ng Philippine National Police. “I have directed our Napolcom Regional Director of Region…
Read MoreCategory: METRO
ANGGULO NG VIOLENT EXTREMISM, SINISILIP NG DOJ SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING
SINISILIP na ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na hindi lamang simpleng kaso ng bullying ang nasa likod ng naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, kabilang sa mga tinitingnang anggulo ng mga imbestigador ang posibleng impluwensya ng violent extremism, katulad ng mga naganap na school shootings sa ibang bansa. Paliwanag ni Martinez, madaling maimpluwensyahan ang mga kabataan, lalo na sa mga nilalamang napapanood at nakikita nila online. Binigyang halimbawa niya ang Columbine High School shooting noong…
Read MoreATTY INTON: MGA ISYU SA IMPEACHMENT TRIAL DAPAT MUNANG LINAWIN PARA HINDI PAGDUDAHAN
MULING nagpahayag ng kanyang pananaw si Atty. Ariel Inton hinggil sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Inton, maraming isyung legal at procedural ang kinakailangang malinawan upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa magiging takbo ng paglilitis. Binanggit niya ang resulta ng survey kung saan 19 porsiyento lamang umano ng mga respondent ang naniniwalang magiging patas ang impeachment trial. Kabilang sa mga isyung kanyang tinukoy ang usapin kung sino ang dapat mamuno bilang presiding officer sa impeachment court. Ayon kay Inton, mungkahi nila sa…
Read MorePNP: WALA PANG WARRANT OF ARREST LABAN KAY SEN. MARCOLETA
NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang natatanggap na warrant of arrest laban kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng mga reklamong may kinalaman sa flood control projects. Ayon kay PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahigpit na susundin ng PNP ang lahat ng legal na proseso at hindi kikilos nang walang direktang kautusan mula sa hukuman. Ito ay kasunod ng pahayag ni Marcoleta na mayroon umano siyang impormasyon na posibleng maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong may kaugnayan sa umano’y hindi pagsisiwalat…
Read MoreMGA EV BRAND SUPORTADO DOE SA PAGSUSULONG NG ELECTRIC MOBILITY
NAGPAHAYAG ng suporta ang iba’t ibang electric vehicle (EV) brands sa kampanya ng Department of Energy (DOE) para palawakin ang paggamit ng electric vehicles sa bansa. Patunay rito ang malawakang partisipasyon ng EV manufacturers sa ika-10 Philippine International Motor Show (PIMS) 2026 na ginanap sa World Trade Center sa Maynila. Ayon kay Energy Utilization and Management Bureau Director Patrick Aquino, mahalagang plataporma ang PIMS upang maipakita ang mga inobasyon at pag-unlad sa sektor ng transportasyon tungo sa mas episyente at makabagong mobility solutions. Naging sentro ng eksibisyon ang electric mobility…
Read MoreCAMILLE VILLAR NANAWAGAN NG MAS MAHIGPIT NA SEGURIDAD SA MGA PAARALAN
NANAWAGAN si Senator Camille Villar ng mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan at mas pinalawak na mental health support matapos ang madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Nagpahayag ang senador ng matinding kalungkutan sa insidente na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pa. “Bilang isang ina at bilang senador, labis akong nasasaktan sa nangyaring trahedyang ito. Walang magulang ang dapat makatanggap ng balitang ang anak na pumasok sa paaralan upang mag-aral ay hindi na makakauwing muli,” ani Villar. Iginiit niya na dapat…
Read More‘NO WORK, NO PAY’ DIN DAPAT SA GOV’T OFFICIALS — TULFO
ISUSULONG ni Senador Erwin Tulfo ang isang panukalang batas na magpapatupad ng “no work, no pay” policy para sa matataas na opisyal ng gobyerno na lumiliban sa trabaho nang walang sapat na dahilan. Sa panayam, sinabi ni Tulfo na saklaw ng panukala ang Pangulo, Bise Presidente, mga senador, kongresista, iba pang elected officials, cabinet secretaries at department heads. “Nakakahiya naman na ang mga ordinaryong government employees ay walang sweldo kapag absent, pero kami na mga opisyal, kahit ilang linggo o buwan na absent ay may sweldo pa rin,” ani Tulfo.…
Read MoreMANILA CITY COUNCIL MAY ‘PANGIL’ NA SA PAGDIDISIPLINA NG MGA OPISYAL — ATIENZA
IGINIIT ni Manila Vice Mayor Chi Atienza na hindi na lamang limitado sa pagpasa ng mga ordinansa ang ginagampanan ng 13th City Council dahil ginagamit na rin nito ang quasi-judicial powers sa pagdidisiplina sa mga opisyal ng lungsod. Sa pakikipagpulong sa Manila City Hall Press Club (MCHPC), ipinaliwanag ni Atienza na ang quasi-judicial function ay tumutukoy sa kapangyarihan ng konseho na magsilbing hukom sa pagdinig at pagresolba ng mga administrative cases laban sa mga opisyal ng lungsod. Ayon sa bise alkalde, mayroon nang ilang opisyal na napatawan ng parusa dahil…
Read MorePILIPINAS NO. 1 PA RIN SA BUDGET TRANSPARENCY SA SOUTHEAST ASIA – Batay sa survey sa panahon ng liderato ni DBM Sec. Pangamdaman
NAGAWANG mapanatili ng Pilipinas ang pagiging number one sa Southeast Asia pagdating sa budget transparency, batay sa pinakahuling Open Budget Survey (OBS). Ang OBS ay isang pandaigdigang pagsusuri na sumusukat sa antas ng transparency, accountability at public participation ng mga pamahalaan sa 86 bansa sa buong mundo. Isinagawa ang survey noong 2025 sa panahon ng panunungkulan ni dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman. Batay sa resulta, nakamit ng Pilipinas ang ika-10 puwesto sa buong mundo at nanatiling nangunguna sa Southeast Asia matapos makakuha ng fiscal transparency…
Read More