PINURI at pinasalamatan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “Atin Ito” Coalition kaugnay ng isinagawa nitong civilian-led mission sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea na si Navy Reservist retired Rear Admiral Roy Vincent T. Trinidad, kinikilala ng militar ang naging matagumpay at matapang na paglalayag ng grupo patungong Pag-asa Island. “The Armed Forces of the Philippines (AFP) extends its heartfelt commendations to the ‘Atin Ito’ Coalition for their successful and courageous civilian-led mission to Pag-asa Island,” ani Trinidad. Sinabi ng…
Read MoreCategory: METRO
SUBSIDY AT DISKWENTO SA FUEL PINAUUNA BAGO TAAS-PASAHE
HINIMOK ni House Committee on Transportation Chair at Quezon City Representative Franz Pumaren ang mga regulator na unahin muna ang mga tulong ng gobyerno bago aprubahan ang anumang taas-pasahe sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis. Sa ginanap na Saturday News Forum, iginiit ni Pumaren na dapat maging maingat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil parehong apektado ang mga operator at commuter. Sa kasalukuyan, may mga petisyon na nakahain sa LTFRB para itaas ang minimum na pamasahe sa jeep hanggang P25. Gayunman, sinabi ni Pumaren na…
Read MoreTULFO, KINONDENA MGA NEGOSYANTENG LUMALABAG SA PRICE FREEZE; DTI HINIMOK MAGSAGAWA NG ON-SITE INSPECTION
KINONDENA ni Senador Erwin Tulfo ang mga mapang-abusong negosyanteng lumalabag sa price freeze na pinaiiral ng Department of Trade and Industry (DTI) hanggang Mayo 10, upang magsilbing proteksyon ng mga mamimili sa gitna ng tensyon sa Middle East. Napuna ni Tulfo na tila naging kampante ang ilang negosyante na magtaas ng presyo kahit may price freeze dahil sa paniniwalang hindi maaabot ng monitoring ng gobyerno ang mga lokal na pamilihan, lalo na ang maliliit na pwesto. “Iniisip siguro ng ilang negosyante, maliit lang ang pwesto ko sa palengke at hindi…
Read MoreG2G OIL PROCUREMENT, IGINIIT
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa pamahalaan na agarang isulong ang direktang government-to-government (G2G) oil procurement at palawakin ang pinagkukunan ng suplay ng langis upang mabawasan ang epekto ng patuloy na global oil shock. Iginiit ni Marcos na dapat maging mas agresibo ang gobyerno sa pagtugon sa krisis na dulot ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran na patuloy na nagpapataas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Ayon sa senadora, maaaring direktang bumili ang pamahalaan ng langis mula sa mga bansang supplier at ibenta ito sa mas…
Read MorePAYAPANG LABOR DAY PROTEST SA MAYNILA
ITINURING ng Philippine National Police na generally peaceful ang mga kilos-protesta kaugnay ng Labor Day sa Maynila. Ayon kay National Capital Region Police Office Director, Police Major General Anthony Aberin, walang naitalang untoward incident sa mga aktibidad ng iba’t ibang grupo. Libo-libong manggagawa ang nagtipon sa España Boulevard at Welcome Rotonda, na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ang protesta, kasama ang iba pang labor groups at transport organizations. Kabilang sa kanilang panawagan ang pagbasura sa Oil Deregulation Law, rollback sa presyo ng langis,…
Read MoreAWAY-NEGOSYO, MOTIBO SA PAMAMARIL SA QC
POSIBLENG away sa negosyo ang motibo sa pamamaril sa Quezon City na ikinasawi ng dalawa katao. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf Tuaño, maaaring may nakaalitang katunggali sa negosyo ang biktimang si Perry Mariano. Maliban sa pagiging billiards figure, may-ari rin umano ito ng ilang bar at may kaugnayan sa Small Town Lottery operations. Dalawang persons of interest ang kasalukuyang tinututukan ng pulisya, ngunit hindi pa tukoy ang kanilang pagkakakilanlan sa kabila ng mga CCTV footage. Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng mga awtoridad upang maresolba ang krimen. (TOTO NABAJA)…
Read MoreGRADUATES NG RICKY REYES LEARNING INSTITUTE, KINILALA
KINILALA ang mga nagsipagtapos sa unang batch ng Ricky Reyes Learning Institute sa ginanap na graduation ceremony noong Huwebes, Abril 30 sa Anonas, Quezon City. Isinagawa ang programa katuwang ang Asia-Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association, at pinangunahan ni Ricky Reyes. Sumailalim ang mga trainee sa mga kursong may international standards, kabilang ang first aid, sanitasyon at kalinisan, customer relations, beauty culture and care, pangangalaga sa bata at matatanda, at special performing arts. 253
Read MorePROTESTA KONTRA FOSSIL FUEL
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo sa harap ng Embassy of Japan in the Philippines noong Abril 30. Kinondena ng mga raliyista ang umano’y patuloy na suporta ng Japan sa fossil fuel initiatives at pagpapalawak ng presensyang militar sa Asia-Pacific. Binatikos din nila ang mga programang “POWERR Asia” at “AZEC,” na ayon sa kanila ay nagpapalalim sa pagdepende sa fossil fuels at pumapabor sa malalaking korporasyon. Nanawagan ang mga grupo para sa makatarungang transisyon tungo sa community-led renewable energy at pagtigil sa militarisasyon sa rehiyon. (EDD CASTRO) 301
Read MoreCURLEE DISCAYA SASALANG SA OPERASYON
INILABAS kahapon ng umaga sa gusali ng Senado ang contractor na si Pacifico ‘Curlee’ Discaya para dalhin sa pagamutan dahil sa kanyang schedule na operasyon sa kanang balikat. Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, posibleng tumagal sa pagamutan si Discaya ng apat hanggang pitong araw bago muling ibalik sa Senado para sa kanyang recovery. Hindi na nakaposas nang isinakay si Discaya sa ambulansya at inilabas sa compound ng Senado na may police escorts. Tiniyak naman nina Mendoza at Senate Sgt At Arms Rene Samonte na bantay sarado pa rin…
Read More