SUGATAN ang 15 katao matapos tumagilid ang pampasaherong jeep na kanilang sinasakyan malapit sa Ruiloba Street at Mabini Bridge sa Sampaloc, Maynila, nitong Biyernes ng umaga. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang lasing na pasahero ang sumakay sa tabi ng tsuper at bigla umanong hinawakan ang manibela, na naging sanhi ng pagtagilid ng jeep. Agad namang rumesponde ang mga rescue team at dinala ang mga sugatan sa Philippine Orthopedic Center, Jose Reyes Memorial Hospital, at Ospital ng Sampaloc para sa karagdagang gamutan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente…
Read MoreCategory: METRO
TAX EVASION CASE VS DISCAYA COUPLE IPINAGPALIBAN NG DOJ
IPINAGPALIBAN ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong tax evasion laban sa mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon umano ng prima facie evidence na may reasonable certainty of conviction ang reklamong inihahanda sanang ihain ng DOJ sa Court of Tax Appeals. Sa isang press briefing nitong Biyernes, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na naghain ng motion for reconsideration si Curlee Discaya, dahilan upang maantala ang pagsasampa ng kaso. Ayon kay Martinez, kinakailangang sagutin muna ng Bureau of Internal…
Read MoreTESTIGONG NAGSABI NA BINAYARAN NI HONTIVEROS KINASUHAN NG CYBER LIBEL NG DOJ
KINUMPIRMA ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na naihain na sa korte ang reklamong cyber libel na isinampa ni Senador Risa Hontiveros laban sa kanyang testigo na si Michael Maurilio, alyas Rene. Sa ulat, sinasabing tumanggap umano si Maurilio ng ₱1 milyong piso bilang suhol mula sa senadora kapalit ng pagtestigo sa Senado. Layunin umano ng umano’y bayad ang pagdiin sa mga kasong kriminal laban kina KOJC Founder Pastor Apollo Quiboloy, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at anak nitong si Vice President Sara Duterte. Ayon kay Fadullon, isinampa ang reklamo noong…
Read More12-TAON KULONG SA BABAENG GUILTY SA ‘BABY FOR SALE’ ONLINE – DOJ
HINATULANG guilty ng Quezon City Regional Trial Court Branch 99 ang isang babae matapos mapatunayang nagbenta ng 11-araw-gulang na sanggol online sa halagang ₱50,000. Kinilala ng Department of Justice (DOJ) ang nahatulan na si Mary Grace y Dalayday, na umamin sa dalawang bilang ng paglabag sa Republic Act 7610 o ang batas laban sa child abuse, exploitation at discrimination. Nag-ugat ang kaso sa pagbebenta umano ni Dalayday ng bagong silang na sanggol sa social media. Dahil sa guilty plea, sinentensyahan ang babae ng anim na taong pagkakakulong sa bawat bilang…
Read MoreAFP SA PUBLIKO: BAWAT LIKE AT SHARE MAY RESPONSIBILIDAD
NANAWAGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na maging mapanuri sa paggamit ng social media, lalo na sa mga impormasyong may kinalaman sa pambansang seguridad. “Sa gitna ng mabilis na pagdaloy ng impormasyon online, ang pagiging mapanuri ay hindi na lamang opsyon kundi tungkulin,” ayon sa pahayag ng mga tagapagsalita ng iba’t ibang major services ng AFP. Ipinaalala ni AFP Public Information Office Chief Col. Xerxes Trinidad na may kaakibat na responsibilidad ang bawat “like” at “share” sa social media. “Ang maling impormasyon ay banta na maaaring…
Read MoreDILG MAGLULUNSAD NG CRACKDOWN SA MULTI-BILYONG TOBACCO MODUS
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na paiigtingin ng pamahalaan ang crackdown laban sa smuggling, bentahan at iligal na pagmamanupaktura ng sigarilyo sa bansa. Ito’y kasunod ng pagkakasamsam ng humigit-kumulang ₱400 milyong halaga ng sigarilyo, makinarya at tax stamps sa sinalakay na ilegal na cigarette manufacturing warehouse sa Barangay Panipuan, Mexico, Pampanga. “Nagsama-sama ang joint task force ng PNP, Bureau of Customs at BIR para matigil na ang ganitong ilegal na aktibidad,” ani Remulla matapos inspeksyunin ang sinalakay na bodega. Inihayag din ng…
Read MoreMIRO QUIMBO MULING NAG-VIRAL SA PAGIGING ‘EPAL’
MULING nag-viral si Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo dahil sa kanyang pagga-grandstand habang iniinspeksyon ang isang proyekto, sa kabila ng ipinatutupad ng pamahalaan na “Anti-Epal” policy. Kamakailan, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga tanggapan nito at ng local government units na agarang alisin ang mga pangalan, larawan, at pagkakahawig ng mga opisyal ng gobyerno mula sa lahat ng proyektong pinondohan ng gobyerno, mga programa, aktibidad, at ari-arian. Sa isinagawang inspeksyon sa konstruksyon ng gusali ng Nangka High School, nakita si Quimbo…
Read MorePNP-HPG NAGHAHANDA NG KASO VS P1.1-B YOSI SMUGGLERS
PINATITIBAY na ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Batangas, sa kanyang asawa, at iba pang sangkot sa tangkang pagpupuslit ng tinatayang ₱1.1 bilyong halaga ng mga sigarilyo. Ayon sa PNP, kabilang sa posibleng ikaso ang paglabag sa Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isang non-bailable offense na may parusang habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang guilty. Matatandaang noong Disyembre 31, nakumpiska ng PNP-HPG ang 14 container vans…
Read MoreKahit hirap matunton DOJ POSITIBONG NASA PH PA RIN SI ATONG ANG
NANINDIGAN ang Department of Justice (DOJ) na nasa loob pa rin ng bansa ang gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang. Ayon kay DOJ Acting Secretary Fredderick Vida, patuloy ang koordinasyon ng DOJ sa mga enforcement agencies upang matunton ang itinuturing na pugante. Nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang RTC ng Sta. Cruz, Laguna at Lipa City, Batangas laban kay Ang sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention. Wala pa namang inilalabas na warrant ang RTC San Pablo, Laguna kaugnay sa kaso ng mga…
Read More