P278-M SHABU NASABAT SA MICP; 41 KILO ITINAGO SA BAKAL

NASABAT ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine National Police (PNP) ang tinatayang P278 milyong halaga ng shabu sa Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor, Maynila. Ayon kina BOC Commissioner Ariel Nepomuceno at PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, nasa 41 kilo ng crystal meth ang nakumpiska sa operasyon, na itinuturing na isa sa pinakamalaking joint anti-narcotics interdiction ng mga ahensya. Batay sa ulat, nasa 131 pakete ng shabu na idineklarang “marble” mula Afghanistan ang nadiskubre na itinago sa…

Read More

REPORMANG PANG-LABOR, ITINUTULAK NI CAYETANO SA GITNA NG PAGDAMI NG WALANG TRABAHO

NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng agarang reporma sa labor sector kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 2.26 milyon ang bilang ng walang trabaho noong Disyembre 2025 mula sa 2.25 milyon noong Nobyembre. Mas mataas din ito kumpara sa 1.63 milyon na naitala noong Disyembre 2024. Ayon kay Cayetano, kabilang sa nakikita niyang solusyon ang reporma sa sahod, mas matibay na proteksyon sa manggagawa, at pagtugon sa matagal nang problema sa labor system…

Read More

AFP WALANG ISUSUKONG KAHIT ISANG PULGADA NG TERITORYO NG PILIPINAS

MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anomang mungkahing isuko ang alinmang bahagi ng teritoryo ng bansa sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Ito ang pahayag kahapon ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad kasunod ng mungkahi ni Senador Rodante Marcoleta na mas mainam umanong isuko na lamang ang Kalayaan Island Group (KIG). “Throughout history, the Armed Forces has never wavered in performing this mandate and we have proven it time and again,” pahayag ni RAdm.…

Read More

GOITIA NANAWAGAN NG MATIBAY NA PANININDIGAN SA SOBERANYA NG PILIPINAS

NANAWAGAN si Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia sa publiko na maging mapanuri sa mga kumakalat na pahayag sa social media kaugnay ng West Philippine Sea na umano’y nagpapahina sa soberanya ng bansa. Binigyang-diin ni Goitia na panahon na umano ngayon ng linaw at matibay na paninindigan sa gitna ng mga naratibong nagdudulot ng pagdududa sa karapatan ng Pilipinas sa karagatan. “Kapag ang pagdududa na walang batayan ay tinatanggap bilang normal, ang pag-iingat ay nagiging anyo na ng pagsuko,” ani Goitia. Ipinaliwanag niya na magkaiba ang West Philippine Sea at ang…

Read More

‘WADER’ IKINASA SA MAYNILA LABAN SA LEPTOSPIROSIS

BILANG paghahanda sa paparating na tag-ulan, naglaan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng karagdagang proteksyon laban sa leptospirosis para sa mga kawani at frontline workers. Sa flag-raising ceremony nitong Lunes, Pebrero 9, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na nag-acquire ang lungsod ng mga tinatawag na “wader” upang mabawasan ang panganib ng exposure sa nakamamatay na sakit lalo na sa panahon ng baha. “May nakita akong ginagamit sa Europa na nagbibigay ng additional protection sa ating mga kapwa manggagawa at lingkod bayan,” ani Domagoso. Aminado ang alkalde na may kamahalan…

Read More

GOITIA: PILIPINAS WALANG ISUSUKONG TERITORYO

IGINIIT ni Dr. Jose Antonio Goitia na hindi dapat umatras ang Pilipinas sa usapin ng soberanya at karapatang pandagat ng bansa, lalo na sa harap ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea. Ayon kay Goitia, hindi maaaring palampasin ang mga pag-atake laban sa legal na posisyon ng Pilipinas at sa mga institusyong tulad ng Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP). “Ang mga pag-atake sa legal na posisyon ng Pilipinas, lalo na laban sa PCG at AFP, ay hindi maaaring palampasin. Kapag pinahihina ang mga…

Read More

SARAH DISCAYA KINASUHAN NG TAX EVASION

SINAMPAHAN na ng Department of Justice (DOJ) ng apat na bilang ng kasong tax evasion ang kontraktor na si Sarah Discaya sa Court of Tax Appeals kaugnay ng umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, isinampa ang mga kaso noong Pebrero 3, 2026 matapos umanong makitaan ng prima facie evidence with certainty of conviction si Discaya sa paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997. Batay sa imbestigasyon, pinaniniwalaang itinago umano ni Discaya ang tunay na kita sa kanyang…

Read More

FLOOD CONTROL CASES VS CO, VILLANUEVA ‘FOR RESO’ NA – DOJ

ISINUMITE na para sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong isinampa laban kina Senador Joel Villanueva at dating Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, nahaharap si Villanueva sa tatlong magkakahiwalay na reklamong malversation of public funds na walang piyansa. Sinabi ni Martinez na nakapaghain na ang senador ng kanyang counter-affidavit upang pabulaanan ang mga alegasyon na una na niyang tinawag na katawa-tawa. Nilinaw naman ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon…

Read More

ERWIN TULFO HINIMOK MGA KAPWA MAMBABATAS NA IPASA NA WPS EDUCATION BILL

NANAWAGAN si Senate committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahang mambabatas na pabilisin ang pagpasa ng Senate Bill No. 1625, o ang “West Philippine Sea (WPS) Education Act.” Layunin ng panukalang ito na gawing bahagi ng kurikulum sa basic at higher education ang pag-aaral tungkol sa mga teritoryong pandagat ng bansa. “Bagama’t ito ay isang kritikal na usapin sa soberanya ng Pilipinas, tila marami pa ring mga Pilipino ang walang sapat na kaalaman tungkol sa West Philippine Sea at iba pang teritoryo ng bansa. Kaya naman…

Read More