ISA PANG WARRANT VS. ATONG ANG NAKATENGGA PA – DOJ

KINUMPIRMA ng DOJ na may isa pang warrant of arrest laban kay gaming tycoon Charlie “Atong” Ang na hanggang ngayon ay hindi pa nailalabas ng korte. Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, inaalam pa ng DOJ kung bakit hindi pa naglalabas ng warrant ang Regional Trial Court ng San Pablo, Laguna kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Hindi rin masabi ni Fadullon kung may inihaing mosyon ang kampo ni Ang upang ipawalang-bisa ang warrant kaya ito naantala. Nauna nang naglabas ng warrant ang RTC ng Sta. Cruz, Laguna…

Read More

DEATH TOLL SA MV KERSTIN 3 UMAKYAT SA 40; SEARCH OPS TULOY

UMAKYAT na sa 40 ang kumpirmadong nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 matapos marekober ang tatlo pang bangkay nitong Linggo ng umaga sa karagatang sakop ng Basilan. Ayon kay Hadji Muhtamad Mayor Arsina Kahing-Nanoh, namataan ng Bantay Dagat ang mga bangkay na palutang-lutang sa bahagi ng Baluk-Baluk Island. Patuloy ang search, rescue and retrieval operations ng mga awtoridad katuwang ang local volunteers sa pag-asang may marekober pang biktima mula sa lumubog na RO-RO. Nauna nang kumalat online ang listahan ng 49 missing passengers, kabilang umano ang isang hukom.…

Read More

Kaso ng Lipa apparition tinuldukan CA IBINASURA PERJURY CASE VS CABADING

IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang kasong perjury laban kay Dominican exorcist Winston Cabading kaugnay ng kontrobersiya sa mga diumano’y pagpapakita ng Birheng Maria sa Lipa, Batangas. Sa 37-pahinang desisyon na inilabas noong Enero 26, pinaboran ng appellate court ang petisyon ni Cabading para sa certiorari, dahilan upang pawalang-bisa ang kasong perjury at maglabas ng permanent injunction laban sa pagpapatupad ng mga naunang kautusan ng Quezon City RTC Branch 96 na naghatol sa kanya ng guilty. Nag-ugat ang kaso sa isang Facebook livestream noong Mayo 2022 kung saan tinalakay…

Read More

Target ng komite ni Sen. Erwin Tulfo LABIS NA REQUIREMENTS, PULITIKA SA AYUDA IBABASURA

TATANGGALIN na ng Senate committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, sa ilalim ng pamumuno ni Senador Erwin Tulfo, ang mga “unnecessary requirements” at pulitika sa pagkuha ng ayuda mula sa gobyerno. Ipinahayag ito ni Tulfo sa nagdaang pagdinig ng komite hinggil sa kanyang panukalang batas na gawing permanente o institutionalized ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). “Ang gagawin natin ay lilimitahan ang mga requirement sa dalawa na lamang. Sisiguraduhin nating matatanggal ang mga hindi kailangang requirement gaya…

Read More

BISHOP ALMINAZA SA LABOR ASSEMBLY: KRISTO NASA PANIG NG ANAKPAWIS

SA paglulunsad ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” Alminaza, pangulo ng Caritas Philippines, iginiit ang katotohanan na ang usapin sa paggawa ay hindi lang pang-ekonomiya kundi laban para sa dignidad ng tao. Sa harap ng halos 500 labor leaders at union members, iniugnay ni Alminaza ang paninindigan ng Simbahan sa paggawa sa pariralang biblikal na Dilexi Te—Latin para sa “Minahal Kita” (Revelation 3:9). Ayon sa obispo, ang mensahe ay tuwirang patungkol sa mga manggagawang dumaranas ng kawalan ng seguridad, diskriminasyon, at pagsasamantala, paalala na ang kanilang…

Read More

42K BAGONG BARANGAY OFFICIALS, SASANAYIN NG DILG

IHAHANDA ng Department of the Interior and Local Government ang mahigit 42,000 bagong halal na barangay officials kasunod ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 6, 2026. Sa pamamagitan ng Local Government Academy, isasailalim ang mga bagong opisyal sa Barangay Newly Elected Officials Program simula Enero 2027. Ayon kay LGA Assistant Director Daphne Purnell, may orientation, localized at needs-based training, at pamamahagi ng printed reference materials sa bawat barangay. Layunin ng DILG ang tuloy-tuloy na pagsasanay upang matiyak ang maayos at epektibong serbisyo sa komunidad. (JESSE KABEL) 132

Read More

PNP-IAS SINIMULAN NA PRE-CHARGE PROBE VS 6 MPD COPS SA ROBBERY-EXTORTION

pulis

PINASIMULAN na ng Philippine National Police–Internal Affairs Service ang pre-charge investigation laban sa anim na pulis ng Manila Police District na inaresto sa Makati City kaugnay ng umano’y robbery-extortion. Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, inihahanda na ang mga kasong administratibo laban sa mga mapatutunayang sangkot. Mariing iginiit ng PNP at NCRPO na hindi kukunsintihin ang kriminal na gawain ng sinomang pulis sa serbisyo. Saklaw ng imbestigasyon ang command responsibility, lalo na kung may pagkukulang sa pangangasiwa ng mga opisyal. Matatandaang pansamantalang sinibak ang hepe ng MPD Malate…

Read More

‘ZERO BILL’ SA KURYENTE PARA SA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, INANUNSYO NG ERC

MILYUN-MILYONG Pilipino ang inaasahang makararanas ng zero billing sa buwanang singil sa kuryente sa ilalim ng pinalawak na lifeline subsidy program. Inihayag ng Energy Regulatory Commission na ang marginalized end-users na kumokonsumo ng 0–50 kWh kada buwan ay karapat-dapat na sa 100% diskwento sa buong electric bill—mula generation hanggang VAT. Magkakabisa ang bagong Lifeline Subsidy Rate 15 araw matapos mailathala ang resolusyon na inaasahang sa susunod na buwan. Kwalipikado ang mga benepisyaryo ng 4Ps at mga sertipikadong nasa ilalim ng poverty threshold ng PSA. Ayon sa DoE, awtomatikong rehistrado ang…

Read More

ISKO PINANGUNAHAN HIGH-TECH QUAKE DRILL SA INTRAMUROS

GAMIT ang makabagong teknolohiya, pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kahandaan laban sa posibleng malakas na lindol o “The Big One.” Biyernes ng umaga, pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang kauna-unahang sabayang Intramuros-wide earthquake drill sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall. Sa pag-ugong ng earthquake drill alarm, ipinakita ang lawak ng saklaw ng sistema na may hanggang limang kilometrong radius mula City Hall na sakop ang buong Intramuros. Ayon sa alkalde, isasagawa ang earthquake drill sa random day at random time, walang end date, upang…

Read More