NANAWAGAN ang isang opisyal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa lahat ng lider ng bansa na igalang at makinig sa dumaraming bilang ng mga Pilipino na walang tiwala sa China at itinuturing nilang pinakamalaking banta sa bansa. Ginawa ni Deputy Speaker Jay Khonghun ang panawagan matapos lumabas sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research na 13 lamang sa Pilipino ang nagsabi na dapat magtiwala sa China na kinontra ng 60% habang ang natitirang 26% ay walang posisyon sa nasabing isyu. “The numbers are very clear. This is no…
Read MoreCategory: METRO
OsTon, GINAWARAN NG GOLD AWARD SA REVENUE COLLECTION
TUMANGGAP ng Gold Award ang Ospital ng Tondo (OsTon) dahil sa mataas nitong revenue collection efficiency sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Edwin C. Perez. Ayon sa ulat, nakamit ng OsTon ang 114.3 percent revenue collection efficiency para sa taong 2025, dahilan upang kilalanin ito bilang huwaran sa maayos na pamamahala ng pondo. “Ang mahalagang tagumpay na ito ay patunay ng matibay na paninindigan ng ospital sa kahusayan sa pananalapi, transparency at pananagutan sa pamamahala ng pondo ng bayan,” pahayag ni Perez. Dagdag pa ng direktor, ang paglampas sa revenue…
Read MoreAFP: 2024 COA AUDIT REPORT BINALUKTOT SA SOCIAL MEDIA
MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga pahayag sa social media na umano’y nagpapakita ng talamak na katiwalian sa hanay ng militar, kasunod ng paglabas ng 2024 Commission on Audit (COA) Annual Audit Report. Ayon sa AFP, sadyang binaluktot ang ilang audit observations upang palabasing may korupsyon, kahit malinaw sa ulat ng COA na layon ng mga obserbasyon na palakasin ang accounting procedures, internal controls at financial management ng ahensya. Nilinaw ng AFP na ang mga bank account na tinukoy bilang “unauthorized” ay ginamit para sa…
Read MoreKAPALPAKAN NG SOLAR PH NI LEVISTE SINISI SA NAWALANG OPORTUNIDAD NG PILIPINAS SA DATA CENTER
ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang pagkabigo ng Pilipinas na umusbong bilang isang regional data center hub. Ayon kay Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, nabigo ang Solar Philippines na tuparin ang halos 12 gigawatts ng ipinangako nitong renewable energy capacity mula sa power projects na nakuha nito. Dahil sa kabiguan ng kumpanya na tuparin ang pangako nito sa Department of Energy (DOE), sinabi ni Gustilo na nararamdaman na ng sambayanang Pilipino ang epekto dahil…
Read MoreBYSTANDER SA SEPT. 21 RALLY NAGSUMITE NG COUNTER-AFFIDAVIT SA DOJ
NAGSIMULA na kahapon ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors sa reklamong inihain ng PNP–Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga lumahok sa malawakang September 21 rally kontra korupsyon sa Maynila. Kabilang sa mga nagsumite ng counter-affidavit ang 18-anyos na kliyente ni Atty. Katherine Panguban ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) upang pabulaanan ang kasong sedition at inciting to sedition. Iginiit ng abogada na walang kinalaman sa kilos-protesta ang kanyang kliyente at nagkataon lamang na isa itong bystander na nasa gilid ng kalsada…
Read MoreMANILA LGU PALALAKASIN ANG LABAN KONTRA BAHA
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ng Flood Monitoring Command Center ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Manila North Cemetery. Layong palakasin ng bagong pasilidad ang kahandaan ng lungsod laban sa pagbaha sa pamamagitan ng real-time flood monitoring at mas maayos na koordinasyon ng pagtugon tuwing may bagyo at malalakas na pag-ulan. Magsisilbi ang command center bilang sentro ng pagmamanman sa mga ilog, estero, at iba pang flood-prone areas sa Maynila upang mas mapabilis ang pagdedesisyon ng mga awtoridad sa oras…
Read MoreMGA MAKABAYANG GRUPO KINONDENA PAMBABARAKO NG CHINA SA WEST PH SEA
NAGDAOS ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at kasapi ng iba’t ibang makabayang organisasyon at non-government organizations, sa harap ng Chinese Embassy upang kondenahin ang patuloy na pananakot at agresibong kilos ng China sa West Philippine Sea. Kinondena ng grupo ang paggamit ng water cannon, pangha-harass, at iba pang coercive actions laban sa mga sundalo at mangingisdang Pilipino. Ayon sa FDNY, malinaw na paglabag ang mga ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral Award,…
Read MorePAGPROSESO NG BAGONG BUSINESS PERMIT SA MAYNILA, TUMAAS NG 40%
TUMAAS ng 40% ang pagproseso ng bagong business permits sa Maynila, kasabay ng malakas na renewal activity na indikasyon ng matatag na kalagayan ng negosyo sa lungsod. Iniulat ito ni Bureau of Permits Director Levi Facundo kay Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso. Hanggang Enero 25, 2026, nakaproseso ang lungsod ng 384 bagong business permits, mas mataas kumpara sa 176 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon. Sa bilang na ito, 159 permits na ang bayad—kapantay na ng naitalang bayad noong nakaraang taon kahit mas marami ang aplikante ngayon. Samantala, umabot sa…
Read MoreMAS MATAPANG NA TUGON SA CHINESE EMBASSY, IGINIIT SA KAMARA
NANAWAGAN ang mga miyembro ng minority bloc sa Mababang Kapulungan ng mas matapang at mas malakas na tugon mula sa pamahalaan laban sa umano’y pang-iinsulto ng Chinese Embassy sa mga opisyal at institusyong nagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ito’y matapos ihain ang House Resolution No. 680 na humihimok sa executive department, partikular sa Department of Foreign Affairs (DFA), na kumilos nang mas mariin. “Nakita natin na naglabas na ng statements ang DFA, pero naniniwala tayo na dapat mas malakas at mas matapang pa ang tugon…
Read More