PALALAKASIN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang food security at food sufficiency sa pamamagitan ng teknolohiya, tamang pagpaplano at makabagong inobasyon sa agrikultura. Ito’y matapos ang lakbay-aral ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa Singapore, kung saan personal niyang inaral ang mga teknolohiya at pamamaraan sa urban farming, partikular ang rooftop greenhouse farming ng Comcrop—isang sistemang epektibo kahit sa high-density urban areas. Ayon kay Mayor Isko, isa sa mga pangunahing layunin ng biyahe ay alamin kung paano maiaangkop sa Maynila ang mga makabagong urban farming technologies. “Tinitingnan po natin ang posibilidad…
Read MoreCategory: METRO
ABOGADO NI ATONG ANG, IWAS MUNA SA MEDIA INTERVIEWS; OMNIBUS MOTION ISUSUMITE
PANSAMANTALANG iiwas sa media interviews ang abogado ni Charlie “Atong” Ang habang isinasagawa ang mga legal na hakbang para sa kanyang kliyente. Ayon kay lead counsel Atty. Gabriel Villareal, lilimitahan muna niya ang kanyang mga pahayag sa opisyal na media releases upang hindi maapektuhan ang mga legal na remedyo ng depensa. Kasabay nito, inanunsyo ni Villareal na magsasampa ang kampo ni Ang ng Omnibus Motion upang ipawalang-bisa ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Laguna, kaugnay pa rin ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Giit ng depensa, minadali…
Read MoreBATANGAS COURT NAGLABAS DIN NG WARRANT OF ARREST LABAN KAY ATONG ANG, IBA PA
NAGLABAS na ng panibagong warrant of arrest ang korte sa Batangas laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at iba pa kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Kinumpirma ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na ang Lipa City Regional Trial Court Branch 13, sa ilalim ni Presiding Judge Pamela Torres Chavez Izon, ay nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Ang para sa anim na bilang ng kidnapping with homicide, isang non-bailable offense. Batay sa warrant, wala umanong inirekomendang piyansa laban kay Ang na una nang itinuring na fugitive…
Read MoreBOC OFFICIALS IPATATAWAG SA PAGDINIG NG KAMARA SA ISYU NG SMUGGLING
IPATATAWAG ng komite sa Kamara ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng reklamong pagtaas ng insidente ng tobacco smuggling. Padadalhan ng imbitasyon ng House Committee on Ways and Means si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno at iba pang BOC officials sa sandaling magsimula ang pagdinig ng komite para talakayin ang large-scale tobacco smuggling at epekto nito sa public health at national revenues. Ayon kay Marikina City Rep. Romero “Miro” Quimbo bukod kay Nepomuceno, iimbitahan din ang mga Deputy Commissioner na sina: Romeo Allan Rosales (Intelligence Group), Nolasco Bathan…
Read MoreFUGITIVE NA: P10 MILYON PABUYA ALOK NG DILG SA IKADARAKIP NI ATONG ANG
NAG-ALOK ng P10 milyong reward money ang Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes para sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon o magtuturo sa ikaaaresto ng online gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang, na itinuturing na most wanted fugitive ng kagawaran. Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na handa ang DILG na magbigay ng naturang pabuya para sa impormasyong magreresulta sa pag-aresto kay Ang, na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa kidnapping ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Remulla, layunin ng reward money…
Read More4 DATING OPISYAL AT KONTRATISTA, TINANGGAP BILANG STATE WITNESS SA KASO NG FLOOD CONTROL PROJECTS
TINANGGAP ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ang apat na dating opisyal at kontratista bilang state witness kaugnay ng mga umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ang mga tinanggap bilang state witness ay ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Roberto Bernardo, Henry Alcantara at Gerard Opulencia, gayundin ang contractor na si Sally Santos, matapos makapasa sa masusing ebalwasyon ng programa. Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, dahil sa kanilang pagiging state witness, inalis na ang…
Read MoreBAGONG POLISIYA SA MEDICAL ASSISTANCE, DAPAT TIYAKING KLARO SA PUBLIKO
NANAWAGAN si Senate Committee on Health Chairperson Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na gawing malinaw ang mga bagong polisiya para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Persons (MAIFIP). Sinabi ni Hontiveros na dapat matiyak ng DOH na ang binabalangkas na administrative order para sa medical assistance ay tuluyang mag-aalis sa political patronage at malinaw na mailalatag ang proseso at requirements na kailangan para sa pagtanggap ng tulong. Iginiit pa ng senador na dapat mas mapadali na ang access para sa financial aid ng mga pasyente at…
Read MoreDOJ TINABLA KAMPO NI SEN. BATO SA ICC WARRANT
TINANGGIHAN ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na magbigay ng impormasyon kaugnay ng sinasabing warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya. Sa isang online post, isinapubliko ng abogado ni Dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon ang liham ng DOJ, na aniya’y inilabas upang malaman ng publiko ang opisyal na posisyon ng ahensya hinggil sa isyu. Ayon kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, hindi maaaring magbigay ang DOJ ng anomang payo, gabay, o impormasyon…
Read MoreIpinaaaresto na ng korte TRACKER TEAM VS ATONG ANG, 17 PA IKINASA NG PNP
HANDA na ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. Ito ay kasunod ng paglabas ng warrant of arrest ng Regional Trial Court (RTC) Branch 26 ng Sta. Cruz, Laguna laban kay Ang at iba pa kaugnay ng kasong kidnapping with homicide, isang non-bailable offense, na may kaugnayan sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero. Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Nartatez na nakikipag-ugnayan na ang PNP sa RTC Sta.…
Read More