AIPA INILUNSAD NA SA KAMARA

PORMAL nang inilunsad kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pamumuno ng Pilipinas sa ika-47 Association of Southeast Asian Inter-Parliamentary Assembly o AIPA. Bilang Speaker of the House, si Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III ang tumatayong presidente at host parliament ng AIPA 2026, na dinaluhan ng mga mambabatas mula sa 11 bansang kasapi ng ASEAN, kabilang ang Timor-Leste bilang bagong miyembro ng asosasyon. “Our guiding theme is clear: Parliaments Securing a Peaceful, Prosperous, and People-Centered ASEAN. It reflects a fundamental truth: communities endure not on aspiration alone, but on…

Read More

KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA TONDO, MAPAYAPA — MPD

pulis

NAGING mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila, ayon sa Manila Police District (MPD). Batay sa datos ng MPD, umabot sa 8,500 deboto ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa mga misa ng alas-6 at alas-7 ng gabi, kung saan nakapagsagawa ng 30 misa ang Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo. Samantala, 218 indibidwal ang nabigyan ng tulong medikal ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Medical Response Team, katuwang ang mga volunteer sa kapistahan. Tumulong din ang…

Read More

WALANG SORRY-SORRY: PCG SPOKESMAN TARRIELA NAGMATIGAS SA CHINA

WALANG balak na humingi ng paumanhin si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa kabila ng diplomatic protest na inihain ng Chinese Embassy kaugnay ng kanyang mga post sa social media. Ang protesta ng Beijing ay kasunod ng mga post ni Tarriela na tumutuligsa sa umano’y agresyon ng China sa West Philippine Sea, kabilang ang isang larawan mula sa kanyang talumpati sa De La Salle–College of Saint Benilde SDG Dialogue Series, kung saan makikita sa background ang mga comical images ni Chinese…

Read More

LISENSYA NG RIDER NA NANUTOK NG KUTSILYO SA VIRAL ROAD RAGE, SINUSPINDE NG LTO

SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) sa loob ng 90 araw ang driver’s license ng isang motorcycle rider na nahuling nanunutok ng kutsilyo sa gitna ng isang road rage incident na nag-viral sa social media. Ayon sa LTO, malinaw na paglabag sa batas at banta sa kaligtasan ng publiko ang pagdadala at paggamit ng anomang uri ng patalim sa kalsada. “Ang paggamit ng patalim sa lansangan ay isang malinaw na banta sa buhay at kaligtasan ng lahat. Walang lugar ang road rage sa ating mga kalsada,” pahayag ni LTO Chief…

Read More

SEN. ERWIN TULFO, NAGHATID NG TULONG SA PAMILYA NG MGA BIKTIMA NG LANDFILL LANDSLIDE SA CEBU

AGAD umusad ang tulong ng pamahalaan para sa mga biktima ng pagguho ng landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City matapos personal na bisitahin ni Sen. Erwin Tulfo ang lugar ng trahedya nitong Sabado, Enero 18. Bilang chairman ng Senate Committee on Social Justice and Rural Development, siniguro ni Tulfo na may tulong na makukuha mula sa gobyerno ang pamilya ng mga nasawi. Bukod sa personal na paunang tulong pinansyal sa ilang pamilya ng mga nasawi, agad din tumawag ang Senador sa Department of Social Welfare and Development upang matiyak na…

Read More

MALALA NA? CONGMEOW PATATALSIKIN NG NUP

POSIBLENG mapalawig ang suspensyon ni Cavite 4th District Congressman Francisco “Kiko” Barzaga kapag nagsampa ng panibagong ethics complaint ang National Unity Party (NUP) laban sa kanya. Si Barzaga ay unang pinatawan ng 60 days suspension noong December 2025 matapos katigan ng House committee on ethics and privileges ang isinampang reklamo ng NUP dahil sa kanyang mga hindi magandang asal sa loob ng Kamara at maging sa social media. “Unless there’s a new ethics complaint again that would fall (under any violation). But definitely, yung ginawa niya after na-impose ‘yung una…

Read More

Sa pagbibitiw ng dalawang ‘kume’ ICI AMINADONG PARALISADO

AMINADO ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na hindi nito magawang ipagpatuloy ang opisyal na operasyon kasunod ng pagbibitiw ng dalawang commissioner. Nagbitiw sa puwesto bilang mga miyembro ng ICI sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at Rosanna Fajardo, dahilan upang si ICI Chairperson Justice Andres Reyes Jr. na lamang ang maiwan sa komisyon. Sa isang kalatas, ipinaliwanag ng ICI na ayon sa Executive Order No. 94, ang komisyon ay dapat binubuo ng isang chairperson at dalawang miyembro. Bilang isang collegial body, maaari lamang…

Read More

RICKY REYES PINANGUNAHAN GRAND OPENING NG HAIR CLINIC SA FAIRVIEW

PINANGUNAHAN ni Ricky Reyes, kinikilalang beauty innovator ng Pilipinas, ang grand opening ng Ricky Reyes Hair Clinic Fairview sa Quezon City noong Biyernes, Enero 16. Ang kaganapan ay isinagawa sa pangunguna ng Kanishia Salon at dinaluhan ng mga may-ari ng klinika na sina Ms. Kanishia Santos at Ms. Flor Santos. Nakibahagi rin sa selebrasyon ang ilang kilalang personalidad sa industriya ng kagandahan at showbiz, kabilang si Miss Earth Liz Mabao, Bambi Fuentes, kilalang make-up artist ng mga bituin, at Ms. Joann Uy, franchisee ng Ricky Reyes Hair Clinic sa Robinsons…

Read More

SANGGOL TINANGKANG IBENTA ONLINE SA HALAGANG P8K; INA, ARESTADO SA PASIG

NASAGIP ng mga awtoridad ang isang taong gulang na sanggol matapos umanong tangkain itong ibenta online ng sariling ina sa halagang P8,000 sa Pasig City. Ayon kay Anti-Cybercrime Group (ACG) Director BGen. Wilson Asueta, nadiskubre ang iligal na gawain sa pamamagitan ng pinaigting na cyber patrol, matapos matunton ang isang Facebook post na nag-aalok ng bata para sa “adoption” kapalit ng pera. Isang cyber patroller ang nakipag-ugnayan sa suspek at nagkunwaring interesado, hanggang sa mapagkasunduan ang personal na transaksyon sa Pasig City kapalit ng ₱8,000. Dito ikinasa ang entrapment operation,…

Read More