QC REP. PM VARGAS ‘DI PA SAFE SA DISCAYA PROJECT?

SA kabila ng patuloy na pagtanggi ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM” Vargas na may proyekto sa kanyang distrito ang mga kumpanyang iniuugnay sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, naglabas ng mga dokumento ang isang dating konsehal na pinasisinungalingan ang pahayag ng mambabatas.. Ayon kay former Quezon City Councilor Allan Butch Francisco, hawak niya ang mga opisyal na dokumento mula mismo sa Department of Public Works and Highways–National Capital Region, Quezon City First District Engineering Office (DPWH-NCR-QC1DEO) na nagpapakita ng isang proyekto sa QC District 5. Kabilang…

Read More

Araw-araw may ‘carmageddon’ LCSP SA MOTORISTA: MAGBAON NG PASENSYA

QUEZON CITY — Nagpaalala ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa mga motorista na asahan ang mas matinding pagsisikip ng trapiko ngayong kaliwa’t kanan na ang Christmas parties at dagsa ang pamimili ng mga tao. Kasabay nito, nanawagan ang LCSP sa mga taxi at TNVS driver na kung maaari ay huwag tumanggi sa mga pasahero at iwasan ang pagkansela ng bookings, dahil malinaw umanong franchise violations ang mga ito. Aminado ang LCSP na nauunawaan nila ang kalagayan ng mga driver na nais kumita nang mas malaki para sa…

Read More

DATING DPWH OFFICIAL NAGSOLI NG P40-M KICKBACK SA DOJ

ISA pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsoli sa Department of Justice (DOJ) ng bahagi ng umano’y kickback na nagkakahalaga ng P40 milyon kaugnay ng flood control scam. Ipinrisinta ni Acting Justice Secretary Frederick Vida sa media ang nasabing halaga na isinauli ni dating DPWH–National Capital Region Regional Director Gerard Opulencia bilang bahagi ng restitution process at ng memorandum of agreement para sa kanyang provisional admission sa Witness Protection Program (WPP). Ayon kay Vida, bahagi pa lamang ang P40 milyon sa kabuuang P150 milyong…

Read More

NATIONAL SECURITY THREAT SA KASO NI JOSEPH SY, HINDI NAPATUNAYAN SA SENATE PROBE

WALANG napatunayang banta sa pambansang seguridad kaugnay ng kaso ng mining executive na si Joseph Sy, sa pagdinig ng Senate Justice and Human Rights Subcommittee. Ito ay makaraang kumpirmahin ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na ang isyu laban kay Sy ay may kinalaman sa mga usaping legal at citizenship, at hindi sa seguridad ng bansa. Sa pagdinig na ginanap noong Lunes, Disyembre 15, sinabi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na nagsagawa sila ng imbestigasyon at monitoring sa kaso ni Sy. Gayunman, wala umanong natuklasang…

Read More

P748-M BUDGET NG NAVOTAS HINDI INSERTION – TIANGCO

NILINAW ni Navotas Rep. Toby Tiangco na hindi resulta ng anomang budget insertion ang mahigit P700 milyong halaga ng mga proyektong nakalaan sa kanyang distrito sa susunod na taon, kundi ibinalik lamang ang pondong nauna umanong ibinawas. “I could not have made any insertion because I am not even a member of the Committee on Appropriations,” paliwanag ni Tiangco matapos kuwestiyunin ang karagdagang P748 milyon na inilaan sa Navotas City. Ayon sa mambabatas, nakasaad sa 2026 National Expenditure Program (NEP) na P1.410 bilyon ang panukalang pondo para sa Navotas City.…

Read More

2 KUMPANYA NI REP. ANG NAKAKUHA NG 5 KONTRATA SA ANTIQUE

NAKAKUHA ng tatlong proyekto ang mga kompanyang inuugnay kay Uswag Ilonggo Partylist Rep. Jojo Ang Jr. sa Antique. Batay sa 20-pahinang listahan na nilabas ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, nakakuha ang Allencon Development Corp. ni Ang ng tatlong road maintenance contracts sa Antique na nagkakahalaga ng P86 milyon. Kabilang dito ang dalawang preventive maintenance at asphalt overlay projects sa Bantayan–San Pedro–Cubay Road sa San Jose de Buenavista, at isa sa kahabaan ng Bugo–Gen. Fullon Road sa San Remigio. Bukod pa riyan, nabigyan din ang International Builders Corporation…

Read More

PAG-ATAKE SA ESCODA SHOAL HAYAG NA KARAHASAN SA WPS – GOITIA

MANILA — Hindi maaaring ituring na karaniwang insidente ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng dalawang bangkang pangisda sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, isa itong hayagang pananakit at sinadyang karahasan laban sa mga Pilipinong legal at payapang naghahanapbuhay sa sarili nilang karagatan. “Hindi armado ang mga mangingisda. Wala silang nilalabag na batas. Maliit ang kanilang mga bangka at malinaw ang pakay—mangisda para may maipakain sa pamilya,” ani Goitia. “Pero hinarap sila ng high-pressure water cannons at mapanganib na…

Read More

Tuloy ang putukan DND, AFP TINABLA UNI CEASEFIRE NG CPP

WALANG balak ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na suspindihin ang kanilang operasyon sa kabila ng idineklarang unilateral yuletide ceasefire ng Communist Party of the Philippines (CPP). Ayon sa DND at AFP, tuloy-tuloy ang mandato ng militar at mananatili ang kanilang close coordination sa Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang mapayapa at maayos na holiday season. “The CPP statement should be taken as it is — a sad propaganda stunt of a terrorist organization,” ani DND Spokesperson Assistant Secretary Arsenio R. Andolong.…

Read More

RISA, ROMUALDEZ SUPPORTERS TUMITINDI ATAKE KAY TOBY TIANGCO SA SOCIAL MEDIA

PINAIGTING ng mga tagasuporta ni Senador Risa Hontiveros at Leyte Rep. Martin Romualdez ang pag-atake laban kay Navotas Rep. Toby Tiangco, sa pagsasabing wala siyang moral na posisyon para magsalita laban sa korapsyon at binansagan pa bilang traydor. Sa isang post sa social media, hinamon ni Jam Magno, isang kilalang tagasuporta ni Rep. Romualdez at endorser ng Tingog Partylist, si Tiangco na patunayan ang kanyang mga pahayag at ipinagtanggol ang rekord ng mga inisyatibang sinuportahan ni Romualdez. Kinuwestiyon din niya kung may maipapakitang kaparehong programa ang Navotas, sa pagsasabing nananatiling…

Read More