ERWIN TULFO, NAALARMA SA P17-B BUDGET HIKE PARA SA FARM-TO-MARKET ROADS NA INAPRUBAHAN SA BICAM

NAGPAHAYAG si Senador Erwin Tulfo ng pag-aalinlangan sa P33 bilyong pondo para sa Farm-to-Market Roads (FMR) sa 2026 o P17 bilyong dagdag mula sa orihinal na mungkahi sa National Expenditure Program (NEP) dahil sa kawalan ng katiyakan na maayos itong maipatutupad. “Mayroon din akong pag-aalinlangan dito dahil P33 bilyon ito. Napakalaking halaga nito. Bagaman alam kong kailangan ito ng ating mga magsasaka, ang problema ay baka isipin ng publiko na inalis natin ang mga flood control projects, pero pinalitan naman namin ng farm-to-market roads,” pahayag ni Tulfo sa unang araw…

Read More

PNP SA PAMUMUNO NI NARTATEZ: DISIPLINA, AKSYON AT KONGKRETONG RESULTA

MULING pinatunayan ng liderato ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaroon ng disiplina, koordinasyon at kongkretong resulta ng trabaho ng kapulisan sa isa na namang matagumpay na operasyong isinagawa noong Disyembre 13, 2025, bandang ala-1:00 ng hapon, sa C6 Aura Duterte Street sa Barangay Napindan, Taguig City kung saan nadakip ang limang high value targets. Kinilala ang mga suspek na sina John Walter Bernaldo Carlos, Danny San Jose Ordoñez, Joniel Coricor Almeda, Alvin Zabala Escovidal, at Elmer Rabanes. Pinangunahan ang operasyon ng PNP Drug Enforcement…

Read More

VILLAR FOUNDATION AWARDS: 18 COMMUNITY ENTERPRISES, KINILALA SA PAGTULONG SA KABUHAYAN

PINANGUNAHAN ni dating Senador Cynthia Villar ang pagkilala sa mga natatanging community-based organizations sa Villar Foundation Awards on Poverty Alleviation, na ginanap noong Disyembre 12 sa The Tent, Las Piñas City. Mula sa 120 nominado, 30 ang na-validate na mga entry, at 18 community enterprises ang itinanghal bilang natatanging awardee, na tumanggap ng tropeo at tig-₱250,000 bawat isa. Dalawa ring Special Awardee ang kinilala, na tumanggap ng tig-₱150,000 at sertipiko ng pagkilala. Ayon sa Villar Foundation, layon ng taunang parangal na itaguyod ang pagpapababa ng kahirapan, pangangalaga sa kapaligiran, at…

Read More

Para ma-institutionalize ang proseso sa national budget: PAGLIKHA NG G-HIVE ITINULAK NI REP. BENITEZ

INIHAIN ni Negros Occidental 3rd District Representative Javier Miguel Benitez ang House Bill No. 6761 na layong ma-institutionalize ang bukas at may pananagutang proseso ng pambansang budget sa pamamagitan ng paglikha ng “Government Hub for Information and Verified Expenditures (G-HIVE). Ipag-uutos ng panukala ang konsolidasyon ng lahat ng mga dokumento ng pambansang budget, kabilang ang pagpaplano, pagsasabatas, pagsasagawa, pagbili at pag-audit ng mga rekord sa isang solo, secure, at bukas sa publiko na digital portal, pati na ang pagtugon sa mga puwang sa publikasyon, accessibility, at traceability ng mga impormasyon…

Read More

50% BAWAS SA SURGE PRICING POSIBLENG MAGPAHINA SA TNVS AVAILABILITY NGAYONG HOLIDAYS

SUSUNDIN ng Grab Philippines ang utos ng gobyerno na pansamantalang bawasan ng 50 percent ang surge pricing sa Transport Network Vehicle Service (TNVS), pero nagbabala ang kumpanya na maaari itong makaapekto sa kita ng mga driver at sa availability ng biyahe sa gitna ng dagsa ng pasahero ngayong holiday season. “Grab has always been a partner of the government, and we share its commitment to easing the daily burdens of our kababayan. It is in this spirit that we respect and accept the recent DOTr–LTFRB decision to temporarily reduce surge…

Read More

PAGLILIPAT NG NCSC SA DSWD, PINALAGAN NG SENIOR CITIZEN PARTY-LIST

TINUTULAN ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pagkakalipat ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa Department of Social Welfare and Development mula sa Office of the President (OP). Sa kanyang privilege speech, nagpahayag ng pagdududa ai Ordanes na mapagtutuunan ng pansin ng DSWD ang mandato ng NCSC. Sinabi ng mambabatas na masyado nang maraming programa ang DSWD na may kaugnayan sa pagbibigay ayuda at tulong. Inihalimbawa niya ang Ayuda para sa Kapos sa Kita Program (AKAP), Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Pantawid Pamilyang Pilipino Program…

Read More

GOITIA: GAWANG PINOY NA COBRA SYSTEM, HUDYAT NG BAGONG YUGTO SA PAMBANSANG DEPENSA

“HINDI nasusukat ang lakas ng bansa sa mga inaangkat nito, kundi sa mga kaya nitong likhain para sa sarili.” Ito ang mariing pahayag ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia matapos i-turn over ng Department of Science and Technology (DOST) sa Department of National Defense (DND) ang gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament o COBRA automated weapon system—isang “milestone” na aniya’y nagpapatibay sa direksiyon ng bansa tungo sa sariling kakayahan sa depensa. Ayon kay Goitia, malinaw na ipinapakita ng COBRA na kaya ng Pilipinas na lumikha ng makabagong teknolohiya…

Read More

DOH OFFICIAL INARESTO SA ‘MAIP FOR SALE’

LUMUTANG ang panibagong alegasyon ng korupsyon sa Department of Health (DOH) matapos maaresto ang isang opisyal na itinalaga umano ni Health Secretary Teodoro Herbosa kaugnay ng umano’y pagbebenta ng guarantee letter o Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP). Kinilala ang suspek na si Ronillo A. Bernal, Supervising Health Program Officer ng DOH sa ilalim ng Public-Private Partnership Program Office at Malasakit Program Office. Base sa mga inilabas na mugshot, nasampahan si Bernal ng kasong estafa sa ilalim ng Article 315 paragraph 2(A) ng Revised Penal Code. Nadiskubre rin na dati…

Read More

IMBESTIGASYON SA BELL-KENZ DOCTORS ITINULOY NG PRC

DAHIL sa umano’y hindi marangal at hindi propesyonal na gawain, itinuloy ng Professional Regulation Commission (PRC) Board of Medicine ang pormal na imbestigasyon sa kasong administratibo laban sa Bell-Kenz Pharma Inc. officials na sina Dr. Luis Raymond Go at Dr. Viannely Berwyn Flores. Pinuri ni human rights advocate at abogado Lorenzo “Erin” Tañada III ang desisyon ng Board matapos nitong ibasura ang 12-pahinang mosyon ni Dr. Flores para idismiss ang kaso, gayundin ang mga kaluwagang hiningi ni Dr. Go sa kanyang omnibus motion. Iniutos din ng PRC Board na magsumite…

Read More