₱15M Pondo sa Krisis sa Tubig ng Brgy. Tumana, Ipinamadali ni Mayor Teodoro

PINAGTIBAY bilang urgent ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng isang panukalang ordinansa na maglalaan ng pondo upang matugunan ang krisis sa tubig sa Barangay Tumana, matapos putulin ng Manila Water ang suplay ng tubig sa lugar. Sa isang pormal na liham na ipinadala sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, iginiit ni Teodoro ang agarang pangangailangan na maipasa ang ordinansang naglalayong maglaan ng ₱15,000,000 upang bahagyang mabayaran ang obligasyon ng Barangay Tumana sa Manila Water. Ayon sa ulat, umano’y nabigo si Barangay Captain Akiko Centeno na maipasa sa…

Read More

GOMA, BINIRA SA PANANAKIT SA SENIOR CITIZEN NA SPORTS OFFICIAL

BINANATAN ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang pananakit ni Leyte Representative Richard “Goma” Gomez sa isang nakatatandang opisyal ng sports official sa SEA Games sa Thailand. Para kay Ordanes, hindi tama ang ginawa ni Gomez kay Philippine Fencing Association (PFA) President Rene Gamuca. Base sa mga ulat, sinaktan at minura umano ni Gomez si Gamuca dahil hindi nagustuhan ang pagpapalit ng atleta na sasabak sa fencing competition. Nabatid na kababayan ni Gomez sa Ormoc City si Alexa Larrazabal at nakatikim din diumano ang atleta ng pambu-bully sa mga…

Read More

Para magpaliwanag sa maanomalyang flood control projects BELGICA: STELLA QUIMBO DAPAT HUMARAP SA IMBESTIGASYON

IGINIIT ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica na dapat humarap at magpaliwanag si dating Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa mga imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control projects. Ipinunto ni Belgica na mahalaga ang boses ni Quimbo sa imbestigasyon dahil miyembro siya ng bicameral conference committee at nagsilbing vice chairperson ng House Committee on Appropriations sa deliberasyon ng 2025 national budget. Tumayo rin siya bilang committee chairperson kasunod ng pagbibitiw ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. Bahagi rin si Quimbo ng tinatawag na small committee,…

Read More

PAGLOBO NG PONDO NG AYUDA AT UA PINALAGAN SA KAMARA

PINALAGAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang umano’y pinalobong pondo sa ayuda at Unprogrammed Appropriations (UA) sa Bicameral Conference Committee, sa kabila ng kawalan pa rin ng napapanagot na umano’y mastermind sa mahigit ₱1 trilyong korapsyon sa flood control projects. Batay sa resulta ng bicameral deliberations, itinakda sa ₱63.9 bilyon ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa susunod na taon, matapos dagdagan ng ₱37 bilyon ng mga miyembro ng bicam committee. Mariing kinondena ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang hakbang, iginiit na…

Read More

Dahil sa kabiguan ng barangay captain na magbayad: MGA RESIDENTE NG TUMANA NAWALAN NG WATER SUPPLY

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos putulin ng Manila Water ang kanilang suplay noong Huwebes dahil sa kabiguang magbayad ng mga kasalukuyan at nakaraang mga kapitan ng barangay sa mga natitirang bayarin. Ang mga residente ng Tumana ay tumatanggap ng kanilang suplay ng tubig sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan sa pagitan ng barangay at ng Manila Water Company, Inc., na tinatawag na “Patubig sa Tumana.” Sa ilalim nito, nagbabayad ang mga residente ng kanilang mga water…

Read More

PAHAYAG NI REMULLA PINALAGAN NG ABOGADO NI ATONG ANG

BINATIKOS ng abogado ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang naging pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng umano’y nalalapit na pag-aresto sa kanyang kliyente sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, ang mga pahayag ni Remulla ay “walang-ingat” at “iresponsable” at maituturing umanong isang publicity stunt. Binigyang-diin ng abogado na delikado ang ganitong mga pahayag, lalo na’t nagmumula ito sa isang Cabinet member at itinuturing na alter ego ng Pangulo, dahil maaari umanong ilagay sa panganib ang buhay ni Ang. Partikular na tinutulan ni…

Read More

Pero tahimik sa ethics complaint laban kay Sen. Chiz? SEN. JV EJERCITO NAKADALO SA BIR HEARING

HABANG naka-confine sa ospital dahil sa isang hindi isiniwalat na karamdaman, dumalo sa pamamagitan ng virtual si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y iregularidad sa Letters of Authority (LOAs) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Huwebes, Disyembre 11, 2025. Sa naturang pagdinig, inilatag ni Ejercito ang mga detalye ng umano’y modus sa paglalabas ng LOAs at pinalobong tax assessments sa BIR, batay sa mga reklamong natanggap ng kanyang tanggapan ilang araw bago ang pagdinig. Kasabay nito, muling ibinato ng isang abogado ang…

Read More

MMDA: 24-ORAS NA EDSA REHAB KASADO NA SA CHRISTMAS EVE

GAGAWING 24-oras ang rehabilitasyon sa kahabaan ng EDSA, ayon sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, sisimulan ang Phase 1 ng rehabilitasyon sa bisperas ng Pasko, Disyembre 24. Inanunsyo ito ng MMDA sa isang press briefing na isinagawa kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Sinabi ni Artes na tuluy-tuloy ang pagkukumpuni at 24 oras ang trabaho, na magsisimula ganap na alas-11:00 ng gabi ng Disyembre 24 at tatagal hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Enero 5, 2026. Binigyang-diin ni…

Read More

SC: KASO NI SARAH DISCAYA, DPWH ENGINEERS NILIPAT SA LAPU-LAPU CITY

KINUMPIRMA ng Korte Suprema na nailipat na sa Regional Trial Court (RTC) ng Lungsod ng Lapu-Lapu ang dalawang kasong kriminal laban kay contractor Sarah Discaya at sa ilang inhinyero ng DPWH. Ayon kay Atty. Camille Sue Mae Ting, tagapagsalita ng Korte Suprema mula Davao Occidental, ang paglilipat ng kaso ay alinsunod sa guidelines na nagsasaad na ang mga kasong may kaugnayan sa katiwalian sa proyekto ng gobyerno ay dapat ihain sa pinakamalapit na anti-graft court ng judicial region, na itinatakda ng presiding o executive judge. Ani Justice Spokesperson Atty. Polo…

Read More