IPINAUBAYA na ng Malacañang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa umano’y planong pagpapatalsik o pagpaslang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ito ay kaugnay sa rebelasyon ni Ramil Madriaga laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, mandato ng NBI na imbestigahan ang ganitong uri ng banta, kaya’t hindi na kinakailangan ng direktang utos mula sa Pangulo. “So, hindi na po kailangang mag-utos ng Pangulo… may obligasyon po kayong imbestigahan ito,” ani Castro. Dagdag pa niya, aalamin pa ng Malacañang ang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
“DUMMY” NI FPRRD UMAMIN SA MULTI-MILLION DEALS
INAMIN ng isang self-confessed bagman na nagsilbi siyang “dummy” sa umano’y paglipat ng milyun-milyong piso sa panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa pagharap ni Ramil Madriaga sa House Committee on Justice impeachment hearing, ibinunyag nitong ilang bank accounts ang nabuksan sa kanyang pangalan kahit hindi siya personal na nagpunta sa bangko. Upang patunayan ang kanyang pahayag, pumirma si Madriaga ng waiver sa ilalim ng Bank Secrecy Law. “Despite only earning One Hundred Thousand Pesos to One Hundred Fifty Thousand Pesos from my services to PRRD, millions of pesos went…
Read MoreSa usapin ng impeachment LUISTRO: ‘HAWAK NATIN ANG BEAT’
MARIING ipinagtanggol ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro ang hurisdiksyon ng Kamara sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Sa kanyang paliwanag, binanggit ng mambabatas ang usong tugtugin ngayon na paboritong sayawin ng kabataan, na may titulong ‘Hawak mo ang Beat’. “Kagaya ng sabi ng mga kabataan, hawak natin ang beat,” anang chairperson. “The House of Representatives is acting within the powers that belong to it alone under the 1987 Constitution,” diin ni Luistro. Paliwanag niya, malinaw sa Konstitusyon na sa Kamara nagsisimula…
Read MoreMARTIRES, QUILALA IDINIIN NI MADRIAGA SA ‘PAYOLA’
TINUMBOK sa impeachment hearing sa Kamara ang umano’y “payola” sa Office of the Ombudsman matapos ihayag ng testigong si Ramil Madriaga na personal siyang nag-deliver ng pera para kina Ombudsman Samuel Martires at Assistant Special Prosecutor Ryan Rey Quilala. Sa 24-pahinang sworn supplemental affidavit, idinetalye ni Madriaga ang serye ng lihim na delivery ng pera sa utos umano nina Vice President Sara Duterte at dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa testigo, karaniwang iniiwan ang bag ng pera sa trunk ng sasakyan sa parking area. “Previously and upon direct instructions of…
Read MoreMANDATORY GPS SA SERVICE CONTRACTING PINABABAKLAS
HINDI pabor si Senador Joel Villanueva sa isinusulong na “mandatory GPS requirement” ng Department of Transportation (DOTr) sa jeepney drivers na sasama sa service contracting program. Sinabi ni Villanueva na magiging pabigat at hindi makatwiran sa jeepney drivers ang bagong polisiya ng DOTr. Ipinaalala ng senador na may “location services” sa mobile phones at malalaman ang eksaktong lokasyon nang wala nang dagdag na gastos ang driver. Umapela ang senador sa DOTr na bawiin ang polisiya, na balak simulang ipatupad ngayong araw, April 15. Ikinatwiran ng kagawaran na malalaman sa GPS…
Read MoreASAWA NI VP SARA HUMIRIT NG TRO SA BIR RECORDS
NAGHAIN ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court ang asawa ni Vice President Sara Duterte na si Manases Carpio para humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa subpoena sa kanilang tax records sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ang ibinunyag ni House Justice Committee member at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon matapos matanggap ang kopya ng petisyon. Matatandaang ipinatawag ng komite si BIR Commissioner Charlito Mendoza upang isumite ang tax records ng mag-asawa mula 2007 hanggang 2025 bilang bahagi ng impeachment proceedings laban sa Pangalawang Pangulo.…
Read MoreVAT SUSPENSION SA LANGIS KAILANGAN NG BATAS —PALASYO
NILINAW ng Malakanyang na kailangan ng batas bago masuspinde ang value-added tax (VAT) sa petroleum products. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala sa kapangyarihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang direktang pagtanggal ng VAT sa langis dahil nakasaad ito sa umiiral na batas. “Wala pong emergency powers ang Pangulo para suspendihin ang VAT sa fuel. Ito po ay nakasalalay sa Kongreso,” paliwanag niya. Sa ilalim ng TRAIN Law, may 12% VAT ang petroleum products bukod pa sa excise tax—mga salik sa mataas na presyo ng krudo. Gayunman, may…
Read MoreP20 ROLLBACK SA DIESEL MARARAMDAMAN NGAYON
MAGKAKAROON ng malaking rollback sa presyo ng langis simula ngayong Martes, Abril 14, 2026, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kanyang video message, sinabi ng Pangulo na aabot sa mahigit P20 kada litro ang ibababa sa diesel. Ang gasolina naman ay may bawas na P4.43 kada litro, habang P8.50 kada litro ang rollback sa kerosene. Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na malaking ginhawa ito sa mga driver, commuter, at pamilyang Pilipino na apektado ng mataas na presyo ng krudo. “Hindi pa ito sapat,” ayon sa Pangulo, sabay giit na tuloy-tuloy…
Read MoreVP SARA HINAMON HUMARAP SA IMPEACHMENT HEARING
HINAMON ng ilang mambabatas si Vice President Sara Duterte na dumalo sa impeachment hearing na nakatakda ngayon, Abril 14, upang personal na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya, sa halip na umasa sa pagdulog sa Supreme Court upang harangin ang proceedings. Ayon kay Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V, ang publiko ay naghihintay ng malinaw na sagot batay sa ebidensya. “The public deserves answers based on evidence, not avoidance. Kung may depensa, ilahad. Kung may tanong sa testigo, itanong sa hearing. Hindi puwedeng i-dismiss sa labas…
Read More